25: Friendly Lunch

33.9K 1.1K 108
                                    

Chapter Song: All Mine by f(x)

"Alam ba ng iba ang treehouse na to?," pinasadahan ko ng tingin si Hyungwon. Kumakain sya ng dala kong pagkain (biscuits and chocolates). Para sakanya nga lang ata ang dinala ko dahil malapit na nyang maubos ang mga ito.

Nga pala, ang treehouse ni Hyungwon ay kaiinggitan ng bawat bata na makakita nito dahil sa sobrang ganda, kahit nga ako ngayon ay naiinggit e. Gusto ko kasi nung bata ako na gawan ako ni dad ng ganito kaso lumipat kami sa isang subdivision nung 8 years old ako kaya hindi ko naranasan to. Kaya para akong bumabalik pagkabata.  

"Yes. But this is my place," tumango ako. Kaya siguro naging prohibited ang lugar na to dahil inutos ni Hyungwon. Hindi naman kasi imposible yun dahil nga mga spoiled brat sila dito.

Binalik ko ang tingin sa Greenstone City. Yes. Kita dito ang napakagandang city dahil sa sobrang taas ng puno na to at dahil gabi ay ang ganda talaaga ng view ko ngayon. Kahit na takot ako sa matataas na lugar ay hindi ko maramdaman iyon dito dahil siguro napakatahimik ng lugar at napapakalma ako.

Tinabihan ako ni Hyungwon. Amoy ko ang pabango nya at amoy chocolate talaga sya as always but maybe because he's eating my favorite chocolate bar kaya amoy tsokolate sya.

"Dito ka siguro napunta kapag wala ka sa Hideout o sa kwarto," hula ko. Tumango sya. Hindi na rin talaga sya napunta sa kwarto dahil hindi na talaga pwede.

Napasok naman  tuloy sa isipan ko yung sigaw na narinig ko. Di kaya dito nanggagaling yun?

"May narinig akong sigaw habang naglilibot ako sa academy nung first day ko dito. Dito ba galing yun?," pinanood ko syang mag-isip.

"Hmm... maybe, but its not me. I was at the Library, sleeping, then I  saw you," tiningnan nya ako. After two seconds ay iniwas ko ang tingin ko. Err. Biglang uminit ang ihip ng hangin.

"Ah," yan lang ang nalabas sa bibig ko. Naalala kong napasok nga pala ako sa Library bago mapunta sa field. So nakita nya ako doon?

"Technically, I'm the one who first saw you," rinig ko ang mahina nyang tawa.

"You're supposed to be mine,"

Hindi ko pinansin iyon. Ayoko talaga kapag ganun ang mga lumalabas sa bibig ni Hyungwon.Pakiramdam ko pinaglalaruan nya ako at mukhang kaonti na lang ay mapapaniwala nya na talaga ako. That's hilarious Mozy.

"Biscuit,"

"Hmm...," napirmi ang tingin ko sa city dahil ramdam ko ang tingin nya sakin.

"Do you remember anything about your past?," monotone nyang tanong. Himala at nagtanong sya tungkol dun.

"Wala pa," sagot ko at mukhang hindi na maibabalik pa ang alaala ko. Mine's hopeless.

"I remember mine. Kaonti,"

Agad ko syang tiningnan.

"Talaga? Tungkol saan ang naalala mo? Do you remember that someone?," sunud-sunod kong tanong.

He pat my head.

"Relax. Sabi ko nga na kaonti lang. All bits of scenes that I don't understand," hinawi ko ang kamay nya.

"Atleast meron. Ako nga wala e," saad ko.

"How did you lose it by the way?," wala nga pala sya nung nagkwento ako.

"Okay since you're interested, ikukuwento ko sayo," panimula ko.

"It all happened when I was seven years old. Ang kulit ko kasi daw nung bata ako at dahil sa kakulitan kong iyon ay napahamak ako. I was at the playground, playing when I hit my head then boom, nagising akong walang maalala," kumunot ang noo nya.

MONSTA ❌ ACADEMYWhere stories live. Discover now