33: H x M

33.4K 1.2K 75
                                    

Chapter Song: Sunshine and City Lights by Greyson Chance





Pinasadahan ko ng tingin ang bawat madaanan namin ni Hyungwon. (Kahit mga ilaw at mga nagtitinda sa daan ay hindi ko pinalampas.) Hindi ko akalaing sobrang ganda ng Greenstone City kapag ganitong walang sasakyang dumadaan at tahimik. Parang kami lang ni Hyungwon ang nasa syudad. We can freely ride our bikes and not care for anything at all. Kaya nagpapasalamat ako sa Sleeping Pills na to at magandang routa nga ang pinili nya. Hindi nya ako binigo dun.

Mabilis na sumunod ako sakanya. Hindi ko na nga napapansin ang sakit kapag nagpepedal ako. Masyado akong namamangha sa gabing to.

Tumigil kami sa isang botique shop na open 24/7. Nagtataka ko syang tiningnan at sumenyas lang sya na papasok kami. So ayun, pumasok nga kami sa botique shop.

Dahil gabi na ay kami lang ata ni Hyungwon ang nasa loob (maliban sa nagbabantay.)

Nagsimulang tumingin ng mga damit si Hyungwon. Don't tell me gusto nyang magshopping?

May kinuha syang isang oversized sweater na kulay faded violet. Itinapat nya ito sakin.

"Para san ba to?,"tanong ko nang ipahawak nya sakin ang sweater na yun.

"Natalo ka diba? So you need to stay up all night with me," he said without looking at me. Busy sya sa katitingin ng mga damit.

Napatango na lang ako.

"I don't want you to die because of cold," saad nya pa. Napatingin ako sa suot ko.

Tama sya. Isang simpleng t-shirt ( na manipis) at shorts lang ako. Malamig na nga ang gabi at ramdam ko na iyon.

May binigay din syang isang cap saka lumapit kami sa counter.

Binati naman kami ng babae at pinanood kong ibigay ni Hyungwon ang credit card nya. (Sya na nga ang mayaman.) Hindi ako hinayaan ni dad na magkaroon ng ganyan dahil baka maging gastosera daw ako.

Hindi na namin pinagbalot ang mga binili namin dahil agad na pinasuot ni Hyungwon sakin yung sweater at yung cap. (Sya kasi ang comfy ng suot nya kaya ako lang ang kailangan ng protection sa lamig.)

Lumabas kami ng botique shop matapos iyon at sumakay ulit sa mga bikes namin. I want to ask Hyungwon kung saan kami pupunta. Ang sabi nya may mga gusto syang gawin ngayong gabi. Napapaisip ako kung ano ba ang mga iyon.

Lumiko kami at pagkaliko namin ay may nakita akong nakahilerang cart na nagtitinda ng street foods! Tumigil si Hyungwon kaya tumigil din ako.

Tiningnan nya ako.

"Do you eat foods like these?," agad na tumango ako. Of course naman! Ang tagal ko ng hindi nakain ng isaw dahil pinagbabawalan ako ni dad. (Nakakahepa daw kasi.)

"Good. Now let's feast, Biscuit,"

Akala ko nga na dadaanan lang namin ni Hyungwon to. Kung titingnan kasi si Hyungwon ay halatang anak mayaman dahil sa kutis at sa mukha nya, kaya nagugulat akong makita syang kumakain ng street foods ngayon na mukhang walang kaarte-arte sa katawan. (Masyado lang siguro akong judgemental at mataas ang tingin sakanya.) Ang sabi nya rin kasi ay gusto nya kumain ng pizza, wala namang pizza sa ganitong lugar.

"Oy gwapo! Subukan nyo to ng girlfriend mo oh. Bagong luto pa to!," kami ba tinutukoy ng tindero? Err.

Agad kong tiningnan ko si Hyungwon. Feel nya talaga ang pagtawag sakanya ng 'gwapo' ng tindero.

MONSTA ❌ ACADEMYWhere stories live. Discover now