Special Chapter~Hyungwon

26.1K 1K 23
                                    

Chapter Song: Goodbye Summer by f(x) ft. D.O


"Hello? May tao ba dito?,"


Bigla akong nagising, himala at nagising ako dahil lang dun. Sino ba ang maingay na yun? I thought this is Library? Hindi ba alam ng taong yun kung ano ang Library? This is where I sleep.

Inangat ko ang tingin ko at nakita ko ang isang babae. Transferee pala kaya maingay. Muli akong natulog. Ang ganda na sana ng panaginip ko pero hindi ko na maalala kung ano ba yun.


Dahil hindi ko na ako makatulog ay lumabas ako ng Library. Gusto kong mahiga. Ang sakit na ng noo ko kakatulog sa mesa.Pero gusto ko pa talaga matulog kaya naisipan kong pumunta sa Building F kung saan may bakanteng kwarto doon. Ang lambot ng kama dun kesa sa Hideout.Umakyat ako sa puno saka binuksan ang bintana ng kwartong tinutukoy ko.

Agad akong nahiga at natulog. Sana mapanaginipan ko ulit yun, yung panaginip na hindi ko naman alam kung ano.


Mahimbing na ang tulog ko nang maramdaman kong parang may tao kaya iminulat ko ang mga mata ko at isang babae ang nakita ko. Gulat na gulat syang nakatingin sakin.


"Sorry," sabi nya nang bumangon ako. Mukhang hindi na pwede ang kwartong to. Hindi ko sya pinansin at nagdire-diretso akong naglakad papuntang pintuan.


Pero napatigil ako sa mga gamit nya. Mabilis syang lumapit sakin tsaka tinakpan ang mga nakita ko na. Napangisi ako.

"Cutie," saad ko. Lumabas din ako matapos iyon.



Kinagabihan ay wala akong mapuntahan kaya naisip kong bumalik sa kwarto sa second floor ng Building F. Nadatnan kong walang tao kaya natulog na ako. Mukhang hindi naman ako kilala ng babaeng yun kaya makakatulog ako ng mahimbing ngayong gabi.

Nagising na naman ako dahil sa ingay. Madilim ang kwarto pero nakarinig ako ng pagbukas ng pinto kaya mukhang bumalik na yung babae dito.


"Damn damn damn," aniya. Her voice's actually cute. Cutie.



Sinita ko sya na patayin ang flashlight sa cellphone nya dahil nakakasilaw.
Pinagalitan nya ako sa pagiging trespasser ko. Mukhang hindi nga yata ako kilala ng babaeng to dahil sa inaasta nya sakin. So I beg her to let me stay in her room for this night at pumayag naman sya. Mabait naman pala.



Napag-alaman kong yung babae sa kwarto ay gusto pala ni Kihyun. Wala kasi akong ibang ginawa kundi ang matulog kaya nahuhuli ako sa usapan ng mga kasama ko.


"What dyou think of her?," nagkibit-balikat ako sa tanong ni I.M.


Madali syang nagustuhan ng iba ko pang kaibigan, maliban yata kay Minhyuk na hindi pinanpansin yung babae. What's her name again? Mona? I'm not sure with Mona.Tinatawag ko syang cutie saka paminsan-minsan ay biscuit dahil napansin kong mahilig sya sa mga ganong pagkain.


Nalaman ko na ang pangalan nya nang magpakilala sya sa klase sa History. Mozy Montgomory. Pinaulanan pa sya ng tanong ng mga kaklase namin pero hindi sya nasagot sa mga iyon.


Ramdam ko ang pagsundot nya sa pisngi ko, umalis din naman sya nang hindi ako kumibo. Nagpaalam pa sya sakin. How cute.


Hindi aakalaing, matutuwa ako sa pagtakas namin. She's fun to be with. Pero habang nadaanan ang mga araw na nakakasama ko sya ay minsan naririnig ko ang boses nya sa panaginip ko kahit na hindi ako sigurado kung sya nga ba yun o hindi. Kapag tinititigan ko rin sya ay kakaiba. Have I met her before? Nagsimula akong magtanong sa isipan ko.



Naging curious ako sakanya at ang dami kong nalalaman lalo na kapag magkasama kami. Mahilig sya sa sweets at takot syang labagin ang mga rules ng academy but she's kind and sometimes naïve but I like that. I started to like everything about her and even her flaws.

But still, I can't have her. I still need to focus on myself. I lost a very important part of me. My memories, I want them all. I want to remember someone even though I don't know that someone. I know it's crazy.

Pero kailangan ko pala sya para mabuo ako. She's part of my past without knowing. Nakakatawang isipin na nasa harap ko lang pala yung hinahanap ko. Pero nahuli ako ng dating that's why right now, she's sleeping.


"You need to wake up," tiningnan ko ang mukha nya. Bakit ang puti nya? She's white as a snow.

"We need to talk a lot of things. You need to remember me Mozy," hinawakan ko ang kamay nya.


"You still need to date me, so wake up," I smiled after saying that because I think, she heard it.






×××
A summary of Hyungwon's thoughts! To be fair lang dahil ang lahat ay may special chapter! So satingin ko dapat sya din meron. ❤❤

MONSTA ❌ ACADEMYWhere stories live. Discover now