15: Stalker

20.4K 645 59
                                    

Ch.15.Pt.1~Miesza

Chapter Song: Bang Bang Bang by BigBang

"Totoo ba yang sinasabi mo?," tanong ko kay Delilah.

Hindi nya ako nilingon pero kita ko ang pagtango nya.

"Kelan nangyari ang engagement?," tanong ko na naman. I'm very surprise right now. Si Hyungwon? May fiancee na? At hindi si Mozy yun? Kundi yung Harley?

"Uh.. naalala mo yung bago mangyari ang aksidente ni Mozy dahil kay Cindy? Yung mga panahon daw na wala si pinsan dahil namatay si lolo ay napunta pala sya sa Korea at dun nangyari ang lahat," sabi nya.

Muli akong natigil sa paglalagay ng make up. Yung mga panahong yan ay lumayas na ako sa academy dahil hindi ko na maatim ang lahat. At yung mga panahon na pinagpangako ko si Mozy to never fall in love with Minhyuk dahil nangako akong babawiin ko si Minhyuk. Hays. Promises were really meant to be broken.

"At hindi mo alam ang tungkol dun?," tanong ko ulit.

"Syempre wala akong alam tungkol dun. Si tito, ang dad ni Hyungwon at si dad ay medyo may hindi pagkakaintidihan ng mga panahong yun kaya wala kaming nalaman. Sinekreto ata talaga ni tito, kaya nga hindi ko rin masisisi si pinsan kung hindi nya sinabi satin o kay Mozy. Besides, hindi naman pumayag si pinsan dahil mahal nya si Mozy!,"

Okay. Bigla kong gustong puntahan si Mozy at tanungin sya kung okay lang sya. Ang laking issue kasi nito! Hindi tulad sa pagddrama ko na dahil lang sa nakita kong paghalik ni Minhyuk sa pisngi ni Mozy. Oo. Alam kong maliit lang yun at hindi dapat ganito kamugto ang mga mata ko, pero dahil ang tagal ko ng pinapaasa ang sarili ko ay ang sakit. Sobrang sakit. 😧

"Wait. Anong ginagawa ng Harley dito sa academy kung ganun?," tiningnan ako ni Delilah.

"Hadley! Hindi Harley!," napairap ako. Yeah, whatever.

"Sagutin mo na lang tanong ko!," sabi ko.

"Hinahabol nya si Hyungwon," napataas ang kilay ko.

"Kilala mo ba yang si Hadley?," she looked at me.

"Ewan. Siguro nagkita na kami pero hindi pa kami nagkaroon ng interaction kaya mahirap magbitiw ng mga salita tungkol sakanya," sagot nya.

"If umayaw si Hyungwon sa engagement dati, wala na syang mahahabol ngayon," nasabi ko. Medyo kilala ko si Hyungwon, hindi na magbabago ang isipan nun.

"Besides, he proposed to Mozy already!," dagdag ko. Hindi sya pwedeng magkaroon ng dalawang fiancee!

"Yun na nga. Pero rinig ko sa usapan ng boys na pipilitin nila si Hyungwon, " nanlaki ang mga mata ko.

"Mga sira! Anong pipilitin! Mga baliw!," okay. Nagagalit na ako. Leche.

"I heard din na nalulugi ang kompanya ng pamilya ni Hadley kaya kailangan nya si pinsan,"-Delilah.

Nasosobrahan na talaga ako sa Kdrama. Panaginip ba to ngayon? Dahil ang komplikado! Ano kaya ang reaksyon ni Mozy tungkol dito? Sasabunutan ko yun kapag nagparaya sya! Hindi uso yan! Huwag nya sanang paandarin ang pagiging mabait nya sa ganitong sitwasyon! Minsan, talo ang pagiging mabait.

"Baka naman desperado lang talaga si Hadley na mapakasal kay Hyungwon? Bet na bet nya siguro?," sabi ko. Bigla ko lang naalala si Cindy.

Umiling si Delilah.

"I heard na may boyfriend sya pero pinakawalan nya," namasahe ko ang noo ko sa sagot nya.

"Pumunta sya dito sa MXA kasabay si Beauty para lang makausap at kumbisihin si pinsan. Naawa nga ako sakanya kanina," nagkibit-balikat si Delilah matapos ikwento yun. So alam din to ni Beauty in the first place pero wala syang binanggit samin? I thought we we're friends already! Di talaga dapat magtiwala.

MONSTA ❌ ACADEMYWhere stories live. Discover now