6: Cold War

51.9K 1.8K 56
                                    

Chapter Song: White Sugar by Monsta X

Pagkatapos ang dinner na yun ay sumama ako sakanila. Oo, kina Kihyun kahit na ayaw ni Minhyuk, which was obviously plastered on his face.

Napag-alaman ko rin na may hideout pala tong mga boys. Napapansin ko na madami silang 'special treatment'. Hindi na naman sa nakikialam ako pero napapaisip ako kung bakit. Like, drinking here in school at ang pagiging special nila sa mga mata ng studyante.

Wala nga kasi akong kaalam-alam tungkol sa Monsta X Academy and I don't have time to research the history of school.

Anyway, speaking of hideout. Isang underground hideout sya to be exact. And I'm still mesmerize with what I'm seeing right now. Kompleto kasi ang nakikita ko. May flatscreen t.v., refrigerator, mamahaling furnitures at sa tingin ko ay mga kwarto din.

May mga kwarto naman pala dito pero bakit doon nalang nahiga sa kama ko si Hyungwon. Mas maganda at komportable pa nga dito kung tutuusin. Dahil sya lang naman ang wala dito ay I assume that he's in my room.

Anyway, para akong nasa isang gangster movie. Nakita ko rin ang mga bmx nila at lahat sila ay may pangalan. And they treat it as if it's their girlfriends.

Nakaupo ako sa counter dahil kumakain ako ng cake at birthday pala ni Shownu kahapon. Hindi man lang ako nakapagreet dahil hindi ko alam at hindi ako sumama sa pagyayaya nila kahapon.

Tinabihan ako ni Kihyun na galing sa paglalaro ng chess laban kay Jooheon. Actually kausap ako ni Wonho kanina kaso lumabas sya kaya naiwan akong mag-isang kumakain. Well, ngayon hindi na.

"I'm happy right now," muntikan akong mabulunan sa sinabi ni Kihyun.

Tiningnan ko sya ng may pagtataka.

"Masaya ako dahil hindi mo na kami iniiwasan,"

Napa 'ah' ako.

Si Wonho kasi kung anu-ano ang mga pinagsasasabi kanina. Medyo naiilang ako kay Kihyun.

"Hindi ko naman talaga kayo iniiwasan dahil ayoko sa inyo. Sa tingin ko lang kasi ay baka maging panira ako at ayokong maging dahilan ng hindi pagkakaintindihan," mahina kong sabi at baka marinig ng iba.

"Panira? Hindi mo kailangan intindihin ang bagay na yun. Magaling makisama ang mga kaibigan ko and they don't mind you spending your time with us, infact they like you," napatingin ako kay Minhyuk na naglalaro ng xbox kasama ni I.M. Except for him.

Napatango na lang ako bilang sagot kay Kihyun.

"Just stick with us Mozy at wala kang magiging problema dito,"aniya. I say thank you for that.

Kung tanungin ko kaya si Kihyun kung bakit dapat akong umiwas sakanila? Pero naisip kong hindi na lang. Ewan. Hindi ko rin siguro alam kung paano itanong kaya hindi ko na lang itatanong.

Matapos naming makapag-usap ni Kihyun ay umalis din naman ako dahil first day of class na bukas at kailangan kong maghanda? Hindi ko alam pero pakiramdam ko dapat akong maghanda.

Nang makapasok ako sa kwarto at pagkabukas ko ng ilaw ay nadatnan ko nga ang natutulog na namang si Hyungwon. At doon parin sya nahiga sa kama ko.

Sisigawan ko sana kaso nakaearphones kaya hindi rin tatalab. Hinayaan ko na naman sya at as usual ay ginawa ko ang night routine ko. Pumasok ako sa banyo dala-dala ang pantulog ko. Matapos kong makapag halfbath ay agad akong nagbihis at lumabas.

Una kong napansin ang pagkawala ni Hyungwon. Well, baka lumabas na nga yun.

Pero mali ako. Hindi pa sya lumalabas dahil nahuli ko syang binubuksan ang box ng assorted biscuits ko.

MONSTA ❌ ACADEMYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon