39: Happy Birthday

30.6K 1K 34
                                    

Chapter Song: Step by f(x)






"Easy right?," tiningnan ko ng masama si Hyungwon. Anong madali sa mga sinabi nya?




"Anong madali? Iexplain mo sa alam ko na lingwahe. Para ka namang nakorean sa sinabi mong yun," natawa sya sakin.




Tinatawanan nya lang ako dahil magaling sya sa Statistics e. Edi sya na nga ang matalino. (Matalino din naman ako pero hindi talaga pagdating sa Math.)




"Step by step mong ipaliwanag Hyungwon," utos ko. Tiningnan nya ako.



"Stop looking at me like that. Nakakaasar ka," tinawanan nya ako. Kaasar talaga.




Inexplain nyang muli ang mga hindi ko naintindihan. (Lahat ata.) Tapos ayun medyo gets ko na matapos ang ilang examples na ginawa nya.


"Makakapasa ka Biscuit. You'll be fine," best in moral support tong si Hyungwon. Tinanguan ko sya.




"Sana nga talaga," saad ko.




Bukas na ang second exam at kailangan kong makapasa sa Statistics. Kaya inubos ko ang isang linggo para lang sa subject na yun. Tsaka pati oras din ni Hyungwon ay inubos ko kaya dapat ang talaga ako makapasa. I need to do my best.





Kaya kinabukasan habang hinihintay ko na ipasa sakin ang testpaper ay nagdarasal na talaga ako. Pinikit ko ang mga mata ko at huminga ng malalim bago ko pasadahan ng tingin ang testpaper.



Ghad. Napag-aralan ko tong lahat! Dininig ang dasal ko! Ghad!



Bago ko pa ako mamental block ay agad ako ng sinagutan iyon. Pinasadahan ko ng ngiti ang teacher namin nang ipasa ko ang papel ko. Pinapahiwatig ko sakanya na makakapasa ako ngayong exam.




Masaya akong lumabas ng classroom. Feeling ko ang tali-talino ko na sa Statistics. Pero syempre ngayon lang to dahil pagkatapos magdaan ng ilang araw ay makakalimutan ko na rin ang mga pinag-aralan ko. (May amnesia nga kasi ako lol.)


Nang dinner time ay pansin ni Cindy ang ngiti ko. At kinuwento ko sakanya ang tungkol sa Statistics. Ang babaw ng ngiti ko pero sa masaya ako e.



"Nasaan nga pala si Alaska?," she asked. Nagkibit-balikat ako.




"Hindi ko alam, baka nasama sa boys? Gangster naman sya diba?," pahayag ko.




Nasa labas kasi ang boys. Hindi ko alam kung may gangfight sila o ano. Masyado akong kinain ng Statistics ngayong araw. Napatango si Cindy.



"Anyway, okay ka na ba Queen? Wala na bang gumugulo sayo? After what happened sa closet mo nakakabahala nang mag-isa ka," she pouted after saying that.


Tinanguan ko naman sya.


"Wala naman ng nangyayaring masama. Siguro gusto lang talaga ako takutin ng taong gumawa nun," I answered.



"Do you have any idea kung sino ang gagawa sayo nito? Para kasing ang lakas ng loob ng gumawa nun, you're the Queen of Monsta X Clan kaya dapat lang na matakot ang kung sino man na gawan ka ng masama," pahayag nya.




Hindi ko masyadong iniisip kung sino ang taong gumawa sakin nun. Ayokong istress ang sarili ko sakanya. Masyado na nga akong pagod sa Statistics palang tapos iisipin ko pa sya.



"Anyway Queen, anong isusuot mo sa party?," kumunot ang noo ko.



Party? May party na naman? Ang hilig magparty ng mga tao dito.



MONSTA ❌ ACADEMYWhere stories live. Discover now