2: Cutie

64.9K 2.1K 331
                                    

MXA | Two

Chapter Song: Be Quiet by Monsta X

(MM: Kihyun Albranxas)

Mabilis ko namang nakabisado ang daan patungo sa building ng kwarto ko pero hindi ako dumiretso dun. Naisipan ko kasing maglibot-libot muna dahil mas madaling kabisaduhin ang lugar na to kung wala pang mga studyante. Atleast kahit mawala ako ay pwede kong ubusin ang oras ko sa paghahanap ng tamang daan.

Pumasok sa isipan ko ang kabibilin lang ni dad. But I'll not cause trouble by just roaming around.

Sa paglilibot ko ay nadaanan ko ang malalaking building ng academy. Yung Monsta Building, X Building at MX Building. Though, hindi ko alam kung para saan ang mga iyon.


Natuwa naman ako nang may makita akong malawak na field. Napapabuntong hininga ako kapag napapasok sa isipan ko na ang laki ng bago kong skwelahan. Hindi parin sumisink in sa utak ko ang lahat.


Mauupo sana ako sa isang bench nang may marinig ako. Parang sigaw.

Pinasadahan ko ng tingin ang paligid at baka may makita akong studyante, pero wala. Nagsimula akong maglakad patungo sa sigaw. Mas lalong lumalakas ang naririnig ko habang papalapit ako sa pinangagalingan ng ingay.


Natigil ako sa paglalakad nang makarating ako sa isang gubat. Wala namang nakalagay na 'beware or prohibited' kaya napagdesisyunan kong tumuloy hanggang sa nakaramdam ako nang kamay sa braso ko kaya natigilan ako.



"Ipinagbabawal na ang pumasok dyan," nilingon ko sya. Isang lalaki ang pumigil sakin.

"Transferee ka ba?," tumango ako dahil hindi ako makapagsalita.

Napatingin ako sa kamay nya na nasa braso ko. Nang mapansin nya ay binitawan nya rin naman ako.

"Sorry," nasabi nya.

"Okay lang, pasensya ka na rin," sambit ko.

"Transferee ka naman kaya natural lang na hindi mo alam, basta sa susunod wag ka ng bumalik dito," saad nya.

Sasabihin ko pa sana na may narinig ako kaya ako napadpad dito pero hindi ko na tinuloy pa.

Tinitigan ko naman sya. Mukha namang mabait kahit na may suot na earrings. Teka, bawal sa academy ang magsuot ng ganyan. Well, sa pagkakaalam ko, pero baka iba ang patakaran dito and besides Sembreak nila ngayon Mozy. And it's not your business.

I really need to read the handbook at baka may magawa pa akong bawal.

"Kihyun," nilahad nya ang kamay nya.

"Mozy," pakilala ko din at tinaggap ko ang kamay nya.

"Nice meeting you Mozy," aniya.

Good. Now may isa na akong kilala sa academy na to.

Sabay kaming umalis doon at nilibot nya ako sa Monsta X. Sya na ang nagprisinta kahit na ayaw ko dahil nakakahiya pero pumayag na lang din ako. It's for my own good anyway.

"Ganito ba talaga katahimik tong MX kapag Sembreak?," tanong ko habang naglalakad kami.



Ang nasa isip ko kasi ay hindi umaalis ang mga studyante dito dahil sa sobrang ganda ng academy na to ay hindi mo na maiisipan ang outside world.

O baka ako lang ang nag-iisip ng ganun.

Nakasuot nga pala sya ng uniform at infairness, bagay sakanya.

MONSTA ❌ ACADEMYWhere stories live. Discover now