35: Hindi ko alam

28.4K 1K 116
                                    

Chapter Song: Milk by f(x)

Tama nga talaga ang kasabihang "Kapag may aalis yun ay dahil may darating" (kung meron ngang ganung kasabihan Mozy. )

Pinagmasdan ko si Alaska habang patungo kami sa kwarto. Yep. Sya ang new roommate ko. Hindi parin ako makapaniwala na sya ang first Queen ng academy at mas kilala sya bilang Ice Queen. Napapaisip ako ngayon sa mga nagaganap.

Kapag naalala ko ang nangyari sa Camp Deli ay nahihiya ako dahil gangster sya. Tapos ako. Heto. Ano lang. (Sya kasi yung instructor namin sa Camp Deli. Si Alaska Winters, kaya inassume ko na isa syang gangster.) Pero akalain mo talagang kaharap ko lang noon ang First Queen ng academy? At inatake ko pa sya? Ghad Mozy. Naninindig ang balahibo ko kapag inaalala yun.

Nang makapasok kami sa kwarto ay sinundan ko parin sya ng tingin. Tama nga si Cindy sa sinabi nyang 'ang ganda nya'. Bagay talaga sakanya ang Ice Queen.
Ice Goddess nga dapat.

"Bakit?," she asked. Nanlaki ang mga mata ko. Napansin nya siguro ang mga tingin ko.

"Ugh. Ano kasi. Hindi lang ako makapaniwalang ikaw ang First Queen ng academy. I mean, nagkita na pala tayo dati, kapag naiisip ko ang nangyari sa Camp Deli ay hindi parin ako makapaniwala," nangangapa ako ng mga dapat sabihin sakanya. She smiled.

Naupo sya sa kama ni Miesza habang ako ay nakatayo lang at tinitingnan sya.

"Yeah. Pasensya na dahil hindi ako nagpakilala ng tama sayo dati. Parang hindi naman na kasi importante na sabihin ko pa yun," sabi nya. Iginala nya ang tingin sa kwarto.

"You're the new Queen, wala ng dahilan para sabihin kong ex-Queen ako ng Monsta X Academy," nabalik ang tingin nya sakin. Nilalamig ako kahit na hindi naman masama ang tingin nya sakin. Err.

"Nang makita kita sa Camp Deli, alam kong tama ang napili ng mga boys, they need a Queen like you," nakaramdam ako ng kakaiba sa sistema ko. Big deal sakin na pinupuri ako ni Alaska. Ang ganda nya kasi. May girl crush na ako.

"At may masama akong ginawa dati kaya hindi ako proud na sabihing ex-Queen ako," ngumiti sya ulit.

Napaisip ako sa sinabi nya. Masamang ginawa? Katulad ni Miesza? Pero mukhang hindi naman sya kinaiinisan ng mga students dito. Infact, napansin kong masaya silang makita sya ulit.

"Namiss ko rin ang lugar na to at ang kwartong to," sabi nya.

Nahiga sya sa kama. (Tama nga din ang hinala kong dito din ang kwarto ny dati. Roommate sila ni Miesza.)

"Where's Miesza by the way?," she asked.

"Kaaalis nya lang two days ago. Sayang nga at hindi nyo naabutan ang isa't-isa," sagot ko. Napahinga sya ng malalim. Sayang talaga at baka natulungan pa ni Alaska si Miesza na makipagbati sa mga boys. Hindi kasi kaya ng powers ko na pagbatiin silang lahat lalo na at inis sakin si Miesza. Mukhang close kasi sila ni Alaska at madami din syang alam kay Miesza kumpara sakin.

"I thought she's back for good," she said. Napatango ako. Akala ko rin.

"Hindi pa kasi sya napapatawad ng boys tungkol sa nangyari dati. Sayang talaga, kung sana hindi sya umalis ngayon ay pwede mo syang tulungang kumbinsihin ang mga boys," napabangon sya sa sinabi ko.

Tumikhim sya. Pansin kong malungkot ang ekspresyon ng mukha nya? Hindi ako sure.

"Hindi ko rin sya matutulungan dahil wala ako nung mangyari yun. I can't testify that she's inoccent. And besides, I don't think----,"

Natigil sya sa pagsasalita nang may kumatok sa pintuan.

Pareho kaming napatingin ni Alaska dun. Dahil ako naman ang nakatayo ay ako na ang nagbukas.

MONSTA ❌ ACADEMYWhere stories live. Discover now