14: Promise

20.4K 712 73
                                    

Ch.14.Pt.1~Mozy

Chapter Song: Sassy Go go soundtrack (Whistle)

Napirmi ang tingin ko sa kisame. Gising na ako. Tapos 4:30 am pa. Great. Tatlong oras lang ang naging tulog ko.

Tiningnan ko ang katabing kama ko. Si Miesza. Nakatulog kaya sya? O baka hanggang ngayon ay umiiyak parin sya? Naabutan namin ni Alaska na humihikbi at nakataklob.

Pasensya na talaga Miesza. Hindi ko namam gusto si Minhyuk. I mean, I like him as a friend. Mabait sya. At hanggang dun lang talaga. Paano ko ba to aayusin?

Bumangon ako dahil hindi na ako makatulog. Kinuha ko ang cellphone ko. At ang daming texts galing kay Hyungwon.

Nireplyan ko sya.

Ako: Hyungwon.

Gulat ako nang mabilis syang nakapagreply.

Sleeping Pills: Are you up? Let's have some coffee. Nasa baba ako.

Nagreply ako ng: Okay. Wait a minute. Pababa na ako.

Tumayo na ako at kumuha ng sweater sa cabinet saka sinuot to at tahimik na lumabas ng kwarto.

Mabilis akong bumaba. Hindi na kami nakapag-usap ni Hyungwon matapos ang sinabi ni Hadley. That they were engaged.

Pagkababa ko ay nakita ko kaagad sya.

Kung ganito sana ang nangyari kanina. Kung sana pagbaba ko ay andun na kaagad si Hyungwon. Satingin ko ay hindi mangyayari ang mga nangyari na.

Pero hindi na maibabalik ang lahat. Tapos na.

"Libre mo ah," bungad ko. Ngumiti sya at tumango.

Matapos iyon ay nagsimula kaming maglakad. Hinayaan ko syang hawakan ang kamay ko.

Kung ganito sana ang nangyari kanina. Sana talaga naibigay ko pa yung regalo ko sakanya at nabati ko sya ng Happy Monthsary. Pero hindi nangyari e.

Wala kaming pinag-usapan habang patungo kami sa Cafeteria.

Tahimik ang academy. Kami lang ata dalawa ang gising pa. Tsaka Sabado ngayon kaya walang pasok. May mga hangover pa nga ata ang mga students sa nangyaring ball at sa nangyari sa labas ng building kagabi.

Pumasok kami ng Cafeteria. (Maaga namang nagbubukas to. Actually, 24 hrs to.)

Hindi nya parin binibitawan ang kamay ko hanggang sa mag-order kami at maupo.

Magkatabi kaming uumupo. Ayaw nya kasi akong bitawan kaya nagtabi kami. Gusto ko sana na magkaharap kami para makita ko ang mukha nya.

"May gusto ka pa?," tanong nya. Umiling ako.

"I'm fine with coffee," sagot ko.

Muli kaming natahimik. Napirmi ang tingin ko sa dalawang tasa na nasa harapan namin. Gusto ko sanang mag-usap na kami dahil madami akong gustong sabihin pero hindi ko mahanap ang unang salita na dapat kong sabihin.

"Uh.. okay na kayo ni Shownu?," panimula ko. I zip my mouth afterwards.

"Yeah...we will be okay, eventually," sagot nya.

"I'm sorry," sabi nya saka humigpit ang hawak nya sa kamay ko.

"I lied," dagdag nya.

So totoo yun.

"It's true. I'm engaged with her but it's not yet final," tiningnan ko sya.

Sa totoo lang. Wala akong maramdaman na galit kay Hyungwon kahit na kaonti. I know I should atleast be disappointed with him but I'm not.

MONSTA ❌ ACADEMYDonde viven las historias. Descúbrelo ahora