20:~1 month and 7 Days Later

21.7K 661 73
                                    

Ch.20.Pt.1~Jooheon

Chapter Song: For You by EXO

“Miss President!,” tawag ko.

Hindi nya ako narinig. Ang bingi naman ng babaeng to. Sobrang lakas na kaya ng pagsigaw kong iyon. O baka naman sinasadya nya talaga ang magbingi-bingihan para habulin ko sya. Hilig nya kasing magpahabol. Napansin ko lang.

“Hoy!,” hiningal pa ako kahahabol sakanya.

Lumingon sya. Salubong ang kanyang kilay at masama ang tingin nya sakin.

“Ano Grazeldo?,” tanong nya. To naman. Ang highblood. Akala ko okay na kami. Matino ang usapan namin nung ball e. Sabagay, isang buwan na rin ang lumipas. Hindi pa nga nabalik si Mozy. Hays.

“Anong kailangan mo?,” tanong nya ulit.

Huminga ako ng malalim. Sabihin mo na Jooheon.

“Ano..pwedeng...humingi ng pabor?,” sabi ko. Mas lalong naging masama ang tingin nya sakin. Chill lang Monica!

“Anong klaseng pabor?,” mataray nyang tanong. Grabe! Ang hirap sabihin! Bigla akong kinabahan!

“Uh..yung tungkol sana sa record ko sa guidance,” tumikhim ako dahil matapos kong sabihin yun ay naglakad syang muli. Hays. Gusto nya talagang hinahabol habol ko sya. At yun nga ang gagawin ko.

“Monic---este Miss President!,” hindi kita tatantanan.

“Tigilan mo ko Grazeldo. Sinabi ko na sayo nung second year tayo na makakaapekto ang mga records mo sa guidance pagdating ng panahon pero hindi ka nakinig sakin kaya ayan, bahala ka sa buhay mo,” parang nanay nyang sabi. Oo na! Alam ko na! Kaya ako nalapit sayo ngayon!

“Please. Mapapatay ako ni dad kapag nakita nyang pang guineas ang dami ng violations ko,” paliwanag ko. Kailangan kong kontian ang bilang nun at dahil President tong si Monica ng SC ay may kapangyarihan syang gawin yun.

“Kahit 20 lang Monica! Burahin mo lang ng 20!,” sabi ko. Mas lalo syang naglakad ng mabilis kaya binilisan ko rin para mahabol ko sya. Meron akong 99 violations e. Dami no? Isa na lang ang kulang perfect score na.

“17,” sabi ko.

“Ayoko,” sagot nya.

“15,” tawad ko.

“Ayoko,

Nakakainis na ah! Pero chill ka lang Jooheon. Kailangan mo lang talaga kulitin ang babaeng to.

“10, final,” huling tawad ko. Napatigil sya sa paglalakad. Sawakas!

“Ayoko parin,” diin nya at naglakad muli.

Napailing na lang ako. Okay Jooheon. Wala na. Sabihin mo na.

“Gagawin ko kahit na ano! Pumayag ka lang!,” sigaw ko.

Huminga ako ng malalim.

Tumigil ka Monica..

Isa..

Dalawa...

Tatlo...

Yes! Natigil sya!

Humarap sya! 😄

“Kahit ano?,” sigaw nya.

“Oo na! Narinig mo naman ang sinabi ko diba? Kahit ano!,” sigaw ko rin.

Ngumiti sya. Grabe. Ngayon ko lang ata nakitang ngumiti ang babaeng to.

----

Pt.2~Alaska

MONSTA ❌ ACADEMYWhere stories live. Discover now