19:~10 Days Later

20.9K 676 110
                                    

Ch.19. Pt.1~Miesza

Chapter Song: Don't Go by EXO


“Hay buhay. Sakit na ng mga daliri ko,”-Delilah.

“Ang daming essays. 2000 words pa tapos may papansin pang Business Math,”-Alaska.

Humalumbaba ako. Nasa Library kami at dahil mabait kaming mga mag-aaral ay gumagawa kami ngayon ng mga projects and requirements. Malapit na ang first exam. Leche. Super hell week para samin.

“Miesza tapos ka na?,”-Delilah.

Umiling ako. Tinatamad ako. Sobra. Gusto ko lang ipikit tong mga mata ko at matulog sa sobrang tahimik ng lugar na to.

“Ava! Ngayon ka pa tinamad na bukas na ang deadline!,” sabi ni Delilah.

Alam ko. Pero tinatamad talaga ako.

“Masisira na ba ang kinabukasan ko kung hindi ako gumawa ng mga projects ngayon?,” sabi ko. Tinawanan nya ako.

“Sira! 4th yr. na tayo! Malapit na tayong umalis sa MXA kaya dapat sulitin natin to,” ano ba tong mga pinagsasasabi ni Delilah. Sulitin ang mga projects? Lol. Ayoko ata sa ideyang yun.

“Mamaya na siguro,” nasabi ko.

Speaking of umalis. Sampung araw na nga pala ng umalis si Mozy. Ang tagal na ng sampung araw para samin. Para bang taon na. Joke. Charot lang. Masyadong oa. Pero totoo, sana bumalik na si Mozy. Ang tamlay kapag wala sya. Masyado naming binubuhos ang atensyon namin sa ibang bagay para lang hindi sya maisip. Pero heto at iniisip ko parin sya, at alam kong ganun din ang iba.

Pinasadahan ko ng tingin si Alaska. Bigla syang natigil sa pagsusulat saka napatulala na lang. Sabi na nga ba, naiisip nya parin si Mozy.

“I miss her,” nasabi nya.

Napaayos ako ng upo.

“Nasaan kaya sya ngayon. Okay lang kaya sya? Nakakakain kaya yun? May pera kaya yun?,” dagdag nya tapos bumuntong hininga sya.

Tinapik naman ni Delilah ang balikat ni Alaska.

“Babalik din si Mozy at kung hindi man ay hahanapin sya ni pinsan,” -Delilah.

Natahimik kami matapos yun.

No one knows where she is right now. Walang nakakaalam kung ano ba talaga ang nangyari ng gabing yun. Kung ano ba talaga ang mga dahilan ni Mozy. Pero hula namin ay dahil yun sa kinausap sya ni Hadley. And speaking of her, andito parin sya sa academy kasama si Beauty. Hindi parin sila naalis, hindi parin sya sumusuko.


“Narealize nya sigurong kailangan nya munang umalis. Everything's a mess here. Sa sobrang bait nya, she maybe finally thought that she don't deserve this,

Tiningnan ako ng dalawa. Yun ang opinyon ko sa mga nangyayari. I maybe right or wrong sa mga pinaniniwalaan ko. Pero pare-pareho naman kaming lahat na walang alam sa mga nangyayari, o baka hindi rin.

“Hello,” Erica Erah intruded with I.M. Charot. May progress na.

“See ya later,” sabi ni I.M saka umalis din naman.

“Char char char!,”-Delilah.

“Shhh.. tahimik Delilah at baka sugurin tayo ng Librarian dito,”-Alaska.

“Sorry! Si Erica Erah kasi!,” nguso ni Delilah.

Naupo si Erica Erah sa tabi ko.

MONSTA ❌ ACADEMYOù les histoires vivent. Découvrez maintenant