42: Maswerte parin

26.8K 947 54
                                    

Chapter Song: Breathing Slow (Teen Wolf Soundtrack)

Habang bumibilis ang takbo namin ni Minhyuk ay nakikisabay din ang tibok ng puso ko. Ghad. Ang dami-dami nila! At kung Burlington nga to ay dapat talaga kami kabahan. Marumi silang makipaglaban at talong-talo kami kung iisipin! Hindi kaya ni Minhyuk na kabalanin ang mga yun!

Mas lalong humigpit ang pagkakahawak ko sa balikat nya.

"Don't be afraid. I will protect you," he said. Napakagat ako ng labi. Mas dapat nga yata akong matakot para sayo Minhyuk. Ayokong matulad ka kay Hyungwon!

Tumigil kami sa isang madilim na eskinita at pinagtago nya ako sa likod ng basurahan. He parked M sa gilid. Hindi na kami pwedeng magtatakbo. Pinalilibutan na ng Burlington ang lugar. Napatingin ako sa patay sindi na ilaw ng poste. Mas lalong naging nakakatakot ang ambiance ngayon.

"I'll text them, mapapahamak tayo Minhyuk sa sobrang dami nila," napakagat ako ng labi saka kinuha ang cellphone sa bulsa ko. I immediately texted the boys.

"Just stay here," aniya. Napatayo ako at hinawakan ko ang braso nya.

"Where are you going? Hintayin na lang natin ang mga boys," napatingin sya sa kamay ko na nasa braso nya.

"Please. Don't go," pigil ko. Napatango sya. Ghad. Ang bilis ng tibok ng puso ko.

"Minhyuk! Yohoo! Nasaan na kayo?,"

Mabilis kaming nagtago sa basurahan. Tinakpan ko ang bibig ko. Natatakot ako hindi para sa sarili ko kundi para kay Minhyuk. Baka kasi ano ang magawa nya sa sitwasyon ngayon.

"We don't need you. Yung Queen lang ang habol namin," nasa malapit lang ang boses na yun.

Nagtinginan kami ni Minhyuk. Umiling ako. Baka kasi may plano sya sa isipan nya kaya pipigilan ko sya. Minsan mas makabubuti ang hindi na lang lumaban. (Yun ang turo ni dad sakin.)

"Hindi kayo makakatago habang buhay. Mahahanap namin kayo,"

Napailing ako. Ghad. Ako na naman ang gusto nila! Last time, they buried me alive! Hindi ko na maisip ang pwede nilang gawin sakin ngayon.

Nabuhayan ako ng loob ng makatanggap ako ng reply sa mga boys. They're on their way! Thank God.

Pinabasa ko kay Minhyuk iyon. Nagtanguan kami. Tinago ko ang cellphone ko nang makarinig kami na may papalapit sa pwesto namin. Ghad. Dumagdag pa talaga tong poste na patay sindi!

"We know you're there,"

Napakagat ako ng labi. Wala na kaming magagawa ni Minhyuk kundi ang sumuko. Parating na ang mga boys. All we need is to wait.

Napatili ako nang magpaputok ako ng baril ang taong malapit samin. May baril sila! What the! This is unfair!

Agad kaming napatayo ni Minhyuk at napataas ng kamay nang mahuli kami. Nakatutok sakin ang baril nya. Hindi ko na maramdaman ang sarili kong hininga dahil sa kaba. This is insane.

"Gotcha," isang malapad at nakakatakot na ngisi ang binigay samin ng isang miyembro ng Burlington.

"Ikaw lang ang kailangan naming Queen," nanlaki ang mga mata ko nang itutok nya ang baril kay Minhyuk.

"Please. Huwag nyo syang saktan. Sasama ako sainyo. Don't hurt him," I begged. Tiningnan ko si Minhyuk at napailing sya. Alam kong pinaramdam kong mahina sya pero mas gugustuhin ko pa yun kesa sa makita syang nakahandusay sa lugar na to na walang buhay. Mapapatay ako ni Miesza kapag nagkataon.

MONSTA ❌ ACADEMYOù les histoires vivent. Découvrez maintenant