Special Chapter: I.M Preston

26.8K 1K 51
                                    


Chapter Song: Toy by f(x)

"Saan naman kaya dinala ni Hyungwon si Mozy?," tanong ni Wonho sakin. (Paulit-ulit na tanong nya sakin. )Ako pa talaga ang tinanong nya na hindi ko rin alam ang sagot.

Nasa Hideout nga kami (maliban kina Jooheon at Minhyuk) at mag-uumaga na pero wala pa rin yung dalawa. (Buhay pa naman kami kahit na si Shownu ang nagdrive.)

Mukhang pare-pareho kami ng mga naiisip ngayon, na tinangay na naman ni Hyungwon si Mozy. (Pansin kong hilig nya talagang damputin si Mozy.) Bumalik kasi kami ng resthouse pero wala ng tao dun at nalaman kong wala din ang bmx ko.

Pero ang ungas na yun talaga, hindi man lang inisip na naghihintay si Kihyun dito.

"Relax guys. Hindi naman siguro sila nagtanan diba?," I joked. Masyado silang seryoso lalo na si Kihyun.

Pati tuloy ako hindi na nakatulog sa kahihintay.

"That's not funny I.M," saad ni Kihyun. Yeah I know. I'm a terrible joker. (Naka on ang lover-mode ni Kihyun.)

"What I mean is that,uuwi din sila. Malay mo nga andito na yung dalawa maya-maya," saad ko.

Napatayo si Kihyun saka pumunta  sa kitchen. Nagtinginan kami nina Wonho at Shownu. Tumayo si Shownu para kausapin si Kihyun kaya naiwan kami ni Wonho.

"May gusto ata si Hyungwon kay Mozy. Pansin ko lang," pahayag nya.

"Satingin mo?," mahinang tanong ko at baka marinig ang usapan namin ni Kihyun.

Tumango si Wonho.

"Hmmm...posible nga. Ngayon ko lang makita si Hyungwon na ganun e. Pansin mo ba ang mga kilos nya simula nung dumating si Mozy sa academy?," sabi ko. Mukhang napaisip si Wonho.

"Medyo. Pero hindi rin natin masabi talaga," ako naman ang napatango.

Hindi naman malabong magustuhan ni Hyungwon si Mozy. Maganda naman si Mozy at mabait din.

Pamilyar nga sya sakin sa totoo lang. Parang nagkita na kami noon pero hindi ko matandaan kung saan at paano.

"Pansin mo rin ba?," tiningnan ko si Wonho. Parang malalim ang iniisip nya.

"Medyo pamilyar si Mozy?," gulat ko syang tiningnan.

"Talaga? Ikaw rin?,"tanong ko. Tiningnan nya ako saka tumango.

"Kapag tinititigan ko ang mukha nya parang may naaalala ako pero hindi ako sigurado talaga," sabi nya.

Pareho kami ni Wonho. Napapaisip tuloy ako.

"Tanungin kaya natin sya?," suhestyon nya.

"May amnesia nga sya diba. Useless lang," nagulat ako nang tumayo sya.

"Yun na nga! Baka nagkita na tayo noon pero hindi nya lang alam dahil may amnesia sya!," pahayag nya.

"Sinong may amnesia?," napatingin kami kay Shownu.

Sasagot sana ako ng wala nang may pumasok na dalawang tao. Nakita ko ang bmx ko. (So tama nga ang hinala kong si Mozy ang gumamit ng bmx ko.)

Agad na napatayo ako nang lumapit si Kihyun sakanila. Nakatingin naman samin ang kararating na si Mozy at Hyungwon.

"Hyungwon," tawag ni Kihyun.

Oops. Hindi naman siguro magsasapakan ang dalawang to dito.

Agad na lumapit si Wonho kay Kihyun. Yan. Tama nga yan Wonho at pigilan mo sila.

"Kanina pa kami naghihintay dito. Alam mo namang bawal ilabas ang Queen kapag hindi tayo kompleto. Gusto mo ba talagang mapahamak si Mozy?," walang emosyon ang mukha ni Hyungwon. Agad na hinawakan ni Mozy sa braso si Kihyun para kalmahin to.

Kapag nakikita ko talaga ang mukha ni Mozy ay naaalala ko yung batang kalaro ko noon. Pero hindi talaga ako sigurado kung sya nga yun.

"Pasensya na talaga Kihyun, pasensya na at pinag-alala namin kayo," saad ni Mozy. Napatingin sya samin.

Huminga ng malalim si Kihyun at mukhang tumalab ang pagpapakalma ni Mozy sakanya.

Hindi nagkaroon ng sapakan sa pagitan ni Kihyun at Hyungwon dahil kay Mozy. Kaya naman lahat kami ay napasok na sa aming mga kwarto. Gusto ko ng matulog. Ang sakit na ng mga mata ko.

Pagkahiga ko sa kama ay napatingin ako sa  teddy bear na nasa gilid ko. Kinuha ko yun at pinagmasdan. Hindi ako bakla. May ganito ako dahil bigay to sakin nung batang kalaro ko noon na kamukha ni Mozy. Sa pagkakatanda ko, hindi naman Mozy ang pangalan ng batang yun kundi 'Snow' kaya hindi rin talaga ako sigurado sa lahat. Pero matagal ko na talagang hindi nakikita si Snow. Sobrang tagal na.

Inilagay ko sa mukha ko ang teddy bear.

Tama na nga sa pag-iisip I.M. Malalaman mo rin naman kung sya nga talaga yun o hindi.






×××

Don't forget to:

Vote.

Comment.

Be a fan.

MONSTA ❌ ACADEMYWhere stories live. Discover now