8: 7 or 10 Years

22.3K 780 52
                                    

Ch. 1 Pt. 1~Miesza


Chapter Song: My Old Story by IU

Leche.

Hindi ako makatulog. I should be sleeping right now dahil napuyat ako sa pagtulong kay Alaska na ayusin ang kwarto namin kagabi. She will surprise Kihyun here.

Anyway. Kanina pa ako nakatitig sa kisame ng kwarto namin. Ugh! Ayaw mo kasing tantanan ang pag-iisip sa Youngjae na yun Miesza! Why are you even thinking about that guy!

"Baliw ka talaga Miesza," sabi ko sa sarili ko.

Flashback (kagabi)

"Okay na kayo ni Minhyuk?,"-Youngjae.

Magkakilala sila. Ofcourse magkakilala sila Miesza! This guy is a gangster!

"Yes," tipid kong sagot. Naaalala nya nga. Lahat lahat.

"Balita ko nga pala na girlfriend ka nya,"-sabi nya pa. Mali ang balitang umabot sayo. Past tense na at satingin ko ay wala ng present tense na magaganap.

"Ex-girlfriend," I corrected. Hindi na sya sumagot. Good. Huwag ka ng magsalita please! Bilisan mo na lang ang pagpepedal!
Ayokong pag-usapan ang tungkol sa lovelife ko.

"Nice seeing you again Miesza," pati pangalan ko ay naalala nya. Napahigpit tuloy ang hawak ko sa balikat nya.

~end

Nakakainis lang kasi. Naalala ko yung nasa Camp Deli kami ni Mozy, yung kinidnap sya ng taga Burlington tapos ako ay natakbo dahil sa takot. Doon ko nasalubong yung Youngjae. At humingi ako ng tulong sakanya. Nakakainis dahil tumutulo yung luha ko nung mga panahong iyon! Kakahiya! Ang drama ko nun! Pinagalitan pa nga ako ni Minhyuk sa harap ng lalaking yun. (Yung mga panahon na akala nila ako yung may kasalanan ng lahat ng mga nangyayari sa paligid nila. Yung ako pa ang Evil Queen.)

Napabangon ako. Lalabas na lang ako sa kwartong to at baka magising ko ang natutulog na si Alaska. Mamayang hapon pa daw kasi ang dating ni Kihyun kaya ayan, tulog na tulog.

Mabilis akong nagbihis. I want to eat. Gutom ako. Tama yan Miesza. Ikain mo na lang ang lahat. Get over it.

Pagkababa ko sa building ay nakita ko ang naglalakad na si Mozy patungo kung saan. Tatawagin ko sana kaso nahagip ng mga mata ko si Minhyuk. Nanliliit ang mga tingin ko sakanya. Paano ba naman, he's looking at Mozy. Sa mga tingin nya ay parang minememorya nya kung paano maglakad si Mozy.

Humalukipkip ako.

Matagal ko naman ng alam na wala na talaga. Pero pinipilit ko parin na meron. Ako lang talaga ang nagpapahirap sa sarili ko.

Let go Miesza! -sabi ng utak kong matalino.

Chase him! Don't give up!- sabi ng walang utak kong puso.

Leche talaga. Dapat nagagalit ako sa sarili ko. Hindi sakanya o kay Mozy. This is all my fault.

Muli akong napamura sa isipan ko nang magtama ang tingin namin ni Minhyuk. Mabilis akong kumaway sakanya. Ganyan nga Miesza. Fake it. Lokohin mo lang talaga sarili mo.

Nakapamulsa syang lumapit sakin. Kalma lang Miesza. Act like you didn't see him looking at her.

"Have you eaten?," tanong nya. Agad akong umiling.

"Ako rin. Sabay na tayo?," alok nya. Turn it down Miesza.

"Sige, pero babalik lang ako sa kwarto may nakalimutan ako,"- I lied. Hindi mo parin talaga sya matanggihan.

MONSTA ❌ ACADEMYWhere stories live. Discover now