41: Trouble Date

29.5K 953 43
                                    


Chapter Song: Lonely by B1A4

"How do I look?,"nakaupo ako sa kama at humalukipkip na tiningnan sya. Kanina nya pa ako tinatanong nyan. Hindi ko na nga mabilang kung pang-ilang beses na to ngayon.


"You look absolutely fine-no, gorgeous to be exact Alaska," muli syang napatingin sa salamin. She's nervous. Satingin ko nga rin ay hindi sya nakatulog ng maayos kagabi. Pag-ibig nga naman.


Naglagay sya ng lipgloss sa labi nya at inabot nya sakin yun matapos. Napailing ako. Okay na ako sa ayos ko. I don't need to put anything on my face.

"I'm damn nervous! Ugh! Salamat at kasama kita Mozy. Baka kasi himatayin ako," I rolled my eyes. Bakit hindi sya confident sa sarili nya? Ang ganda nya! Dapat si Kihyun pa ang kabahan sa lakad na to.


"You're overreacting. Magiging okay lang ang lakad nyong ito. Hindi kami sasagabal ni Minhyuk," sabi ko. Oo, napapayag nya nga si Minhyuk, hindi na talaga ako umasa na mananalo ako kay Alaska. She has her way para pasunudin ang mga tao.She's indeed a Queen.



Tumayo ako dahil oras na para umalis. At baka hindi na tuluyang umalis si Alaska sa kwartong to.


"Okay lang ba talaga ako?," napailing ako sa tanong nya at hinila na sya palabas ng kwarto.


Pagkababa namin ng building ay andun na nga ang dalawa. Nginitian ko silang pareho. Pansin ko ang tingin ni Kihyun kay Alaska. Basa ko rin na kabado sya. Bagay nga sila ni Alaska.


"Tara na?," ako na ang nagsabi. Mukhang magtitinginan na lang kasi kami dito.


Umangkas na ako kay Minhyuk at pinasadahan ko ng tingin si Alaska at Kihyun. Bakit ba ako kinikilig sakanilang dalawa? Anyway, lumabas na kami ng academy sakay ang mga bmx ng boys. (Wala silang sasakyan dahil hindi sila pinayagan ng mga dad nila na magkaroon kahit isa man lang sa grupo.) Well, I'm actually fine with riding this. Napapasok tuloy sa utak ko si Hyungwon. Naaalala ko yung pagtakas namin. My first ever cut out in class at ang paglabag ko ng mga rules. Napailing ako. Stop it Mozy. Bakit ba napapasok sa utak mo ang Sleeping Pills na yun.


"Mauna na tayo Minhyuk, iwan na natin ang dalawang yan," saad ko. Natawa sya ng mahina at sinunod ako. Bumilis ang pagpedal nya at nauna nga kami sa dalawa. Bahala na kayo Alaska at Kihyun. Dinadamay nyo pa kami ni Minhyuk.


Papunta kami sa Greenstone Mall. Isang 'friendly date' nga ang magaganap ngayon. Manonood kami ng sine saka napag-usapang pupunta kami sa theme park (na pinuntahan namin ni Hyungwon.) Hindi ko tuloy masabi kung matutuwa ba ako na parang minumulto ako ni Hyungwon dahil kahit wala sya dito ay nagpaparamdam sya.


Anyway, nauna nga kami ni Minhyuk sa Greenstone Mall. (May parking lot for bikes ang mall na to kaya naipark nya si M ng maayos. And speaking of M? Halatang Miesza ang ibigsabihin nun just like Kihyun's bmx na pinangalanan kay Alaska.)


Natingin ako sa wrist watch ko. Nasaan na kaya yung dalawa? I texted Alaska pero hindi sya nasagot so probably ay nasa daan pa sila. Sinulit talaga ni Kihyun ang oras ng nakaangkas si Alaska sakanya.


Tiningnan ko naman si Minhyuk. Kapag nakikita ko sya ay naalala ko si Miesza at ang pinangako ko sakanya. Naninindig ang balahibo ko sa braso dahil dun.


"Napapayag ka talaga nya. Galing ni Alaska mangumbinsi," saad ko. Ngumisi sya.


"Yeah. Kinulit din ako ni Kihyun," napa-ah ako sa sinabi nya. Pareho ang takbo ng isip ng dalawang yun.


MONSTA ❌ ACADEMYWhere stories live. Discover now