4: Nasasaktan ako

27K 870 36
                                    

Ch.4. Pt.1~Mozy

Chapter Song: No No No by Apink

"Kamusta sya?," tanong ni Alaska sakin. Kumalat sa academy ang ginawang paglalaslas ni George. (Hindi na ako nagtataka dahil Monsta X Academy to.)

"Okay na sya. Pero kami hindi," sagot ko nang maupo kami sa bakanteng pwesto. Nasa Dining Hall kami dahil lunch na.

"Hindi kayo okay?," tumango ako.

"Ayaw nya sakin, anong dapat kong gawin Alaska?," nag-isip si Alaska.

"Hmmm..wala naman syang rason para magalit sayo. Ang bait mo kaya tapos ang swerte nya pa dahil kapatid ka nya. Eh gusto ko nga na tayo na lang-----" I snapped my fingers kaya natigilan sya.

"Yun na nga Alaska! May rason kaya ganun sya sakin! Galing galing mo talaga!," nagkibit balikat lang sya at kumain na.

Agad akong napaisip sa mga pwedeng maging rason ni George. Pero kung pagbabasehan ko ang nangyari sa mga pamilya namin ay masasabi kong hindi dapat sya magalit diba? I mean, pinili sila ni mom. Sumama si mom sa dad nya. Hmmm... baka naman hindi iyon Mozy. Baka masyado ka lang nakakairita. Araw-araw ko kasi syang binibisita at araw-araw nya rin akong tinataboy.

"Hindi ka ba kakain?," she asked. Umiling ako.

"Wala akong gana e," tsaka mag-iisip pa ako ng mga rason ni George. Hindi ko pa kasi sya makausap dahil ayaw nya akong makita. Sabi pa ng nurse na baka ako daw ang dahilan ng depression nya. My sister is depressed and I don't even know what to do. Tsaka isang linggo na ang lumipas nang maglaslas si George.

"Next next week magaganap yung ball diba?" kumunot ang noo ko.

"Ball?," tumango sya.

"Hindi mo alam yun! Taon-taon yun nagaganap sa academy!," umiling ako. Hindi talaga ako updated sa mga events dito sa Monsta X Academy. (Kahit isa ako sa mga may-ari.)

"Satingin ko next next Friday yun," okay. Ihahanda ko na naman ang sarili ko para sa pagiging fashionista ni Alaska. Sigurado akong sya na ang bahala sa susuotin ko. Alam nya kung anong bagay sakin e.

"O. Sabay pa sa monthsary nyo ni Hyungwon," pinakita nya sakin ang calendar sa iphone nya. (Yaman ni Alaska tsaka memoryado nya ang monthsary namin ni Hyungwon.)

"O diba? Perfect!," masaya nyang saad. Napaisip ulit ako. Malapit na nga pala ang monthsary namin ni Hyungwon. Kabado parin ako at hindi ko alam kung anong gagawin kong special para sakanya kahit na magsisix months na kami.

"Patulong ah," sabi ko. Tumawa si Alaska. Tsss. Pinagtatawanan nya ako. Eh kasi ang dami nyang idea pagdating sa mga ganito. Swerte ni Kihyun sakanya.

"Ofcourse Mozy. Sabi ko nga diba na number one fan nyo ako," ngumisi ako.

"Nasaan nga pala si Miesza?," tanong ko. Hindi ko sya nakita ngayong araw. Sabay naman kaming lumabas ng kwarto pero umalis din sya pagkapasok namin sa first subject namin.

"Hindi na naman napasok dahil masakit ang puson nya, tinext nya ako," sagot ni Alaska. Napatango ako.

Matapos ang lunch time ay sabay kaming tumungo ni Alaska sa next class namin dahil kaklase kami. Pero dumaan muna kami locker room dahil may kukuning libro si Alaska. Sa labas na ako naghintay. Pinasadahan ko naman ng tingin ang locker room. Dito nangyari yung samin ni Cindy. Naalala ko ang sandaling nahanap ako ni Hyungwon. Hindi ko inaasahang mahahanap nya ako dito. At kung hindi dahil sakanya ay baka patay na ako.

MONSTA ❌ ACADEMYWhere stories live. Discover now