12: Busted

44.9K 1.5K 76
                                    

Chapter Song: Blue Moon by Monsta X

Pinasadahan ko ang lugar na tinigilan namin ni Hyungwon. (Umalis kami sa Greenstone Mall dahil masyadong delikado para sakanya. Ang hirap maging gwapo.) Iba talaga si Hyungwon. Sya na talaga.

"Dahil pinagod mo ko ay dapat mo lang talaga ako ilibre," ani ko.

Rinig ko ang mahina nyang tawa.

Tsss. Totoo naman kasi. Pinagod nya talaga ako.

"Masusunod Biscuit," ngumisi ako.

"Sabi mo yan a,"

Pumasok kami sa Greenstone Theme Park at syempre, gastos ni Hyungwon ang lahat. Wala rin naman akong dalang pera e. Malay ko bang dadalhin pala ako ni Hyungwon dito.

And besides, he said that 'he's my prize' or more like he's my credit card today.

Anyway.

Kumikinang ata ang mga mata ko sa sobrang saya!

Nakakahiya mang aminin pero this is my first time to be in a theme park. Seryoso ako. Hindi ako naalis ng bahay kapag hindi kailangan e. Busy si dad at si mom naman ay nagtatrabaho din at sa kadahilanang wala akong kapatid ay napirmi talaga ako sa bahay.

Nahuli ko ang tingin ni Hyungwon sakin.

"What now Biscuit?,"

Pinasadahan ko ng tingin ang paligid at nag-iisip kung ano ang una kong ipapabili kay Hyungwon.

Nang may makita akong nagbebenta ng cotton candy ay agad kong hinila si Hyungwon patungo doon. Dahil nastress ako sa paghahanap sakanya ay kailangan ko ng sweets.

Inalis ko na tong hiya sa sistema ko. Basta ang libre ay libre.

"Kuya dalawa po," sabi ko sa tindero.

Napirmi naman ang tingin ko sa kulay pink na cotton candies. Ang tamis ng amoy!

Tinanggap ko naman nang iabot ni manong ang dalawang cotton candies.

Sumenyas ako kay Hyungwon na magbayad na sya. Sabi mong libre mo lahat e, kaya panindigan mo.

Matapos nyang makapagbayad ay binigay ko sakanya ang cotton candy nya. Sinimulan ko naman lantakin ang akin.

Ugh. Heaven. Ang sarap ng cotton candy dito! Mabilis kong inubos ang sakin.

"You really like sweets," aniya.

"Yeah," I responded.

"I like sweets too," tiningnan ko sya. Hindi ko masabi kung nakangiti ba sya o ano dahil nga kumakain sya.

Ibinalik ko rin naman ang tingin ko sa paligid at nang may makita akong kumpulan ay hinila ko si Hyungwon doon.

Nadatnan namin ang isang puppet show.

Isang Sleeping Beauty puppet show. Tsss. Bagay kay Hyungwon to. Sleeping Pills.

"Let's get out of here," rinig kong bulong nya at nalaman ko na lang na hila-hila nya ako patungo saan.

"Wala pa ngang one minute tayong nanonood eh! Huy Hyungwon!," reklamo ko.

Mukha pa namang maganda ang puppet show na yun. Nagtatawanan kasi ang mga nanonood. Tsss. Ang KJ naman netong Sleeping Pills.

"Hindi tayo nagcut sa klase for that annoying puppet show," ngumiwi ako.

Okay. May point naman sya.

"We're just wasting our time there. Let's use our time in more important stuffs Biscuit,"

Ano naman kaya ang mga important stuffs na yun?

MONSTA ❌ ACADEMYWhere stories live. Discover now