44: Snow Whites

29.4K 961 86
                                    

Chapter Song: Dracula by f(x)

      “Tingnan mo Mozy o, ang ganda ganda mo dito,” nahihiyang tiningnan ko ang inabot na magazine ni Alaska.

     “Hindi. Mas maganda ka, hindi nga ako nangalahati sa ganda mo dito o, ang fierce mong tingnan,” komento ko.

   “Sira. Kelan ka ba maniniwalang maganda ka?,” nagkibit-balikat ako.

   “Ewan ko talaga sayo Mozy.  Basta para sakin ay mas maganda ka talaga, ang bait mo rin kasi,” tiningnan ko si Alaska.

   “Tigilan mo na nga akong puriin Alaska.  Bumalik tayo sa totoong topic. Kayo na ulit ni Kihyun no?,” agad syang napatayo mula sa pagkakahiga nya sa kama at mabilis na pumasok sa banyo.

   Napailing ako. Confirmed. Mas halata si Alaska sakin sa mga ganitong sitwasyon e. Nahiya pa talaga sya.

   Muli kong tiningnan yung magazine. Hmm…medyo mukhang tao nga ako dito dahil nalagyan ng make-up at maayos na damit. Inilapag ko rin naman iyon nang marinig ko ang ringtone ko. May nagtext kaya agad akong tumayo para tingnan kunng sino yun. And it’s dad, akala ko galing sa kung sino.

   Mabibisita na kita sweetheart! See you soon!

   Malapad ang ngiti ko habang  nagtitipa ako ng reply sakanya. Magandang balita to dahil tapos na ang hell week at maya-maya ay magsisimula na ang Holloween Party. Kaya nga nasa kwarto ako ni Alaska dahil sya ang mag-aayos sakin.

 
   Tinapon ko ang phone sa kama matapos kong mabigyan ng sagot si dad. Napatingin ako sa bintanang bukas. Pumapasok ang malamig na hangin dahil dun.

  “Biscuit,”

  He keeps crossing in my mind. Naalala ko na naman si Hyungwon dahil sa bintanang yan. Para syang magnanakaw sa pagdaanan sa bintanang yan.

“Cutie,”

  Nabalik sa isipan ko ang sandaling yun.  Nasaan na kaya ang Sleeping Pills na yun.Mukhang wala na talagang pag-asa na dumating ngayon si Hyungwon, probably next week pa daw ang balik nyaaccording to the boys.

   “Tulala ka na naman,” napatingin ako kay Alaska.  Nalabas na pala to sa banyo.

    “Wala,” sagot ko saka bumalik sa pagkakahiga sa kama.

    “If I know Mozy, pero hindi na kita kukulitin para hindi mo rin ako kulitin,” saad nya at pinanood ko syang pumunta sa closet nya. Halatang oo ang sagot sat anong ko kanina Alaska pero hindi ko na rin sya kukulitin at baka makaamin din ako ng wala sa oras.

   “Magbihis na tayo?,” saad nya saka nilabas ang mga susuotin namin.

   She decided to be Ice Queen kagaya ng sinabi ko at ako naman ay Snow White nga. Yung mga boys hindi ko alam kung anong susuotin nila. Malalaman ko rin naman mamaya kapag nagkita-kita kami sa Camping Site.

     “Let’s do your make-up first,” aniya saka lumapit sakin. Hinila nya ako at tinulak-tulak papuntang harap ng ng salamin.

   Pagkaupo ko ay tiningnan ko ang repleksyon ko.

   “Light make up lang dahil maganda ka na Mozy,” saad ni Alaska. Hindi na ako sumagot dahil pinanood ko na syang ilagay ang mga kagamitang pandagat nya (I mean make up and stuffs.)

  Akala ko ba light lang Alaska? Bakit ang dami-dami nya atang nilalabas. Pulbo saka lipstick ang ibigsabihin ko ng ‘light make up’ e.

   “Nasaan nga pala si Cindy? Akala ko ba sabay tayong tatlo papunta dun?,” she asked.

MONSTA ❌ ACADEMYWhere stories live. Discover now