PROLOGUE

1.1K 26 1
                                    

Heide's POV

Dahil late ng nagising ay nagmamadali na akong bumaba habang sinusuot ang sapatos ko. "Kumain ka na, Heide." Aya ni Mom.

"Sandwich at gatas na lang po ako. Male-late ako kapag sumabay pa ako. Pasensiya na Mom. Alis na po ako." Nagmamadaling saad ko matapos makakuha ng sandwich sa mesa at gatas na nasa pack sa ref.

Dumeritso na ako sa labas at agad ko namang nakita na nakahanda na ang kotse at driver ko kaya agad na akong pumasok at doon na kumain.

Sobra akong napuyat kagabi dahil nag-aya ang mga kaibigan ko na uminom. Ang mga baliw, ayaw pang tigilan kahit pasuray-suray pa at ang malala eh idinamay pa talaga ako.

Ang sakit pa rin ng ulo ko hanggang ngayon.

Hindi ko na alam kung gaano karami ang nainom ko kagabi. Basta inom lang ako ng inom sa lahat ng ibinibigay nila sa akin.

Tama nga talaga ang sinabi nila...masamang impluwensiya ang mga kaibigan.

"I hope they can make it in school. Baka may hang-over pa ang mga baliw na 'yon." Mahinang saad ko matapos buksan ang bintana at tumingin sa labas. Gusto kung makalanghap ng sariwang hangin at makakita ng magandang tanawin.

Pero sa hindi katagalan ay bigla naman akong nakakita ng pulang kung ano na nanggaling sa langit. Mukha itong laser na hindi ko maipaliwanag. Napakurap-kurap naman ako pero agad din naman itong nawala sa paningin ko dahilan para mapabuntong-hininga na lang ako saka nailing.

Gutom lang 'yan, Heide.

Lasing pa rin ata ako hanggang ngayon. Kung ano-ano ang nakikita ko eh.

Makaraan ang ilang sandali ay nakarating na ako sa school. Dumeritso na ako sa loob dahil baka makaabot pa ako sa klase namin. And thank God, nakaabot nga ako.

Naupo ako sa upuan ko at agad na hinanap ang mga kaibigan. Tyempo namang pumasok si Anne kaya agad naman akong kumaway. "Mabuti at nakapasok ka." Natatawang saad ko.

"Muntek na ngang hindi eh. Masakit pa rin ang ulo ko hanggang ngayon." Nakangusong sagot nito habang hinihilot ang ulo dahilan para matawa naman ako lalo.

"Papasok ba ang iba?" Tanong ko sa kaniya at napatingin sa pinto pero wala ng pumasok. Naupo naman siya sa tabi ko dahil doon ang upuan niya.

"Hindi ko alam. Hindi na ako nakapag-check ng phone ko dahil sa pagmamadali ko na pumunta dito. Teka, titingnan ko nga." Kinuha nito ang cellphone mula sa bag at sandaling nagpipindot doon. "Papasok daw sila. Papunta na sila." Sabi nito.

"Sinabi kasing tama na pero inom pa rin ng inom." Tinawanan niya lang naman ako.

"Aminin mo, you enjoyed it too, right?" Tanong niya at siniko pa ako. Napanguso na lang ako saka napabuntong-hininga.

Maya-maya lang ay nakarating na nga ang mga kaibigan ko. Halatang may pinagdadaraanan ang mga baliw.

Inom kasi ng inom eh.

"Ayan yung napapala niyo dahil sa alak is life niyo." Mabuti na lang at hindi sobrang rami ng nainom ko ng kagaya sa kanila.

"Huwag mo na kaming sermunan, Heide. Sumasakit na nga ang ulo namin eh." Angil ni CD.

"Tsaka uminom ka rin kaya." Dagdag ni Lian.

"Atleast hindi masyadong halata na uminom ako. Eh kayo? HAHAHAHA wasted." Sinamaan naman nila ako ng tingin pero patuloy lang ako sa pagtawa.

"Ang sama mo." Agad ko namang niyakap si CD pero natatawa pa rin ako.

"Okay. Okay. Titigil na ako." Saad ko at pinisil ang pisngi niya.

THE UNKNOWN CITYWhere stories live. Discover now