CHAPTER FOUR

263 10 0
                                    

Heide's POV



"Kaliwa ka." Utos ni Black. Tumango naman ako at iniliko sa may kaliwa ang sasakyan.

Papunta kami ngayon sa underground supermarket na nakita ni Black. Siya rin ang nagsasabi kung saan dadaan dahil alam niya kung paano pumunta doon. Sinaulo ko naman na ang daan para mamaya ay alam ko na ang daan pauwi kahit hindi na nila sabihin. Madali ko lang namang matandaan ang mga bagay-bagay.

Kaya nga hindi ako naliligaw sa pag-uwi kahit nakainom na ako eh.

"Kumanan ka." Utos ulit niya kaya iniliko ko naman pakanan ang kotse. "Deritsuhin mo lang at tumigil ka kapag may nakita kang pulang tela." Tumango naman ako at sinunod ang utos niya. Hinanap ko naman ang pulang tela at nakita ko naman ito sa may harapan.

"Dito?" Paninigurado ko ng tuluyang makarating sa harapan na may pulang tela.

"Hm." Iyon lang ang naging sagot niya. Pinatay ko na ang makina ng sasakyan saka lumabas.

Napatingin naman ako sa harapan at nakita ang parang tunnel. May mga harang iyon kaya mukhang hindi mapapasok.

"Ito ang daan papunta sa supermarket. Kailangan nating kunin muna ang nakaharang para makapasok at makalabas ng mabilis. Nang nakaraan ay lumusot lang ako sa maliit na butas na iyan para makapasok. Pero dahil madami tayo ay kailangan nating buksan talaga." Saad ni Black at sinimulang baklasin ang mga nakaharang. Tumulong naman kaagad kaming tatlo sa kaniya. Pinagkukuha ko yung mga bakal at batong nakaharang.

Nagtagal pa kami ng halos sampung minuto sa pagkuha ng mga harang bago tuluyang nakuha lahat ng mga nakaharang.

Napatingin naman ako sa loob ng tunnel pero sobrang dilim niyon. "Tara na. Kailangan nating makabalik bago dumilim. Ito ang mga bag." Saad ni Red at ini-on na Ang flashlight na dala at binigyan kami ng tig-iisang bag ni Green. Pina-ilaw ko na rin ang dala kung ilaw at nagsimula na ring maglakad.

Sobrang dilim ng tunnel na pinasukan namin. Mabuti na lang at may dala kaming ilaw. Mabilis ang galaw namin dahil tanghali na. Kailangan naming makabalik bago gumabi.

Sinabi sa akin ni Red kanina na takot sa liwanag ang ibang zombie pero ang iba ay hindi, iyong mga mas mataas na uri kesa sa normal na zombie. Pero lahat ng zombie ay mabilis makasagap ng ingay. Kaya kailangan namin na maging tahimik lalo na at andito kami sa madilim ba bahagi ng lugar.

"Andito na tayo." Bulong ni Black. Pero dahil sa katahimikan ay narinig namin iyon. Kaniya-kaniya naman kaming bukas ng flashlight na dala.

Bumungad sa paningin ko ang iba't-ibang klase ng pagkain dahilan para matuwa naman kami.

"Nice." Bulong ni Green at agad na agad na lumapit doon sa mga pagkain at agad na naglagay sa bag. Iyon din ang ginawa ni Red kaya tumakbo naman ako papunta sa kabilang stand at agad na naglagay ng pagkain sa bag na dala. Habang si Black ay nagmanman sa buong lugar.

De lata at noodles at mga pagkain na matagal ang duration ang kinuha ko. Kailangan iyong mga matagal mapanis na pagkain ang kunin. Naghanap din ako ng mga gamit kagaya ng mga cotton at gauze pad.

Natuwa naman ako nang may makitang isang plastic ng lollipop nang mapadaan sa isang stand ng mga candy. Tiningnan ko kung pwede pa at ayos pa naman iyon. "Siguradong matutuwa si Green nito." Saad ko ko saka naglagay ng dalawang plastic sa bag na nasa harapan ko. Mas madali kapag nasa harap kasi lalo na at nasa likod ko yung dalawang katana. Ramdam ko ang bigat nun pero mas mahalaga na may pagkain akong dala. Kahit dito man lang ay makatulong ako sa mga taong tumulong sa akin.

Sa paglilibot ko para maghanap ng pagkain ay may nakita naman akong pinto. Unti-unti naman akong naglakad papunta doon dahil nakabukas iyon. Sumilip ako pero nanlaki ang mata ko nang makitang andoon sa loob si Black at pinagpapana ang mga zombie na sumusugod sa kaniya. Ang bilis ng bawat paggalaw at bawat bitaw ng palaso ay tumatama talaga iyon sa noo ng mga halimaw. Bigla na lang itong tumigil sa paggamit ng pana at hinugot ang katana niya at sinugod din ang mga zombie. Ibinaon nito ang katana sa tiyan ng isa at biglang bumunot ng patalim mula sa lalagyan na nasa hita niya at ibinaon iyon sa ulo ng isa saka sunod na binunot ang katana at pinutulan ng ulo ang isa pa.  Bigla siyang sinugod ng isa pa pero naiwasan niya iyon ng walang kahirap-hirap. Kumabog ng matindi ang puso ko nang makitang papunta sa gawi ko ang zombie na naiwasan niya. Parang napako ako sa kinatatayuan ko at hindi ako makagalaw. Pero ng isang pulgada na lang ang layo ng  zombie mula sa akin ay bigla itong tumigil.

"Mamamatay ka kapag hindi ka lumaban." Seryusong saad ni Black matapos hugutin ang katana na nakabaon sa likod ng ulo ng zombie na ngayon ay humandusay na sa sahig. "Your fear will bring you to your death, White." Dagdag niya pa kaya napakurap-kurap naman ako at napayuko na lang.

Bakit pa nga ba ako natatakot? Buhay ko na ang nakasalalay ngayon dito. Kailangan kung lumaban kung gusto ko pang mabuhay. Hindi sa lahat ng oras ay maliligtas nila ako... Hindi ko kailangan matakot sa mga halimaw na iyon. Kailangan ko silang patayin.

Huminga ako ng malalim saka nag-angat ng tingin. Nakikipag-away na ulit so Black at parang walang kahirap-hirap na pinapatay ang mga halimaw. Tinitigan ko naman ang bawat galaw niya at kung paano niya hawakan ang katana.

Kaya ko nga bang lumaban? Kaya ko bang gawin ang ginagawa nila?

Kailangan ko na ba talagang lumaban...

"Hanapin na natin ang dalawa." Napataas naman ako ng tingin at nakitang naibalik na niya sa sisidlan ang katana. Napatingin naman ako sa likuran niya at nakita ang mga nakahandusay na mga katawan na hindi na gumagalaw.

Nagsimula na itong maglakad paalis pero pinigilan ko naman ang braso nito dahilan para mapatingin naman ito ulit sa akin. "Saan mo natutunan ang mga galaw na iyon?" Tanong ko sa kaniya. Sandali naman itong tumitig sa akin na para bang nagtataka dahil sa tanong ko.

"Bakit mo gustong malaman?" Tanong din nito habang deritsong nakatingin sa mga mata ko gamit ang mga mapupula niyang nga mata.

"Gusto ko lang malaman." Sagot ko at mas lalong humigpit ang pagkakahawak sa braso niya.

Bahagya namang tumaas ang gilid ng labi niya. Manipis ang itim na tabing sa mukha niya kaya nakikita ko pa rin ang mukha niya. May kung anong meron sa ekspresiyon niya na binubuhay ang interes ko.

"Andito lang pala ako." Naagaw naman ni Red ang atensiyon ko nang bigla itong magsalita.

Napabitaw naman ako kay Black ng bigla na lang itong tumalikod at nagpatuloy sa paglalakad.

"Anong pinag-uusapan niyong dalawa?" Tanong ni Red sa akin kaya ngumiti naman ako.

"Wala naman masyado." Iyon lang ang naging sagot ko saka nagpatuloy na rin sa paglalakad. "Nasaan si Green?" Ako naman ang nagtanong nang hindi makita si Green.

"Ewan ko. Akala ko nga ay kasama niyo. Andiyan lang sa tabi-tabi ang babaeng 'yon. Naghahanap ng mga gustong pagkain." Sagot niya kaya napatango-tango naman ako.

"Hanapin na natin. Baka mamaya kung saan na nakarating 'yon." Sumang-ayon naman siya at nagsimula na kaming hanapin siya. Naghiwalay kami para malaki ang malibot naming lugar.

Pinakiramdaman ko naman ang paligid habang naglilibot. Pumunta ako sa candy stand pero wala siya roon. Napangiwi na lang ako at nagpatuloy na lang sa paghahanap. Hindi kami gumawa ng ingay ni Red habang naghahanap dahil baka marinig kami ng mga halimaw na nasa tabi-tabi lang.

Dumaan pa ang ilang minuto at tuluyan ko na ngang nahanap si Green. May hawak siyang palakol. "Kanina ka pa namin hinahanap." Napalingon naman siya sa akin.

"Pasensiya na. Nawili ako sa paglilibot-libot eh. Ito may nakita akong maliit na palakol. Naisip ko na mas maganda kapag may ganito ako. Gagawa na lang ako ng parang sisidlan niya at tali para ilalagay ko sa hita ko. Yung kagaya kay Black?" Napatango-tango naman ako at agad na ngumiti.

"Magandang ideya 'yan." Lumapad naman ang ngiti niya at ibinalot iyon ng tela saka inilagay na sa loob ng bag niya at saka sinuot na iyon at dinampot na ang katana niya. "Tara na." Aya niya kaya tumango naman ako.

Nasa pintuan naman ang dalawa at naghihintay na sa amin. Napagdesiyonan na naming umalis. Pero nang nasa tunnel na kami ay may mga nakasagupa naman kaming mga halimaw. Pasugod ang mga ito pero hindi pa man din nakakalapit ay binabaril na nina Green at Red. Natatapakan na namin ang mga katawan ng mga ito habang patuloy sa pag-usad.

Walang kahirap-hirap kaming nakalabas sa lugar na iyon. Inuna muna naming inilagay ang mga bag sa van saka bumalik sa tunnel at ibinalik iyong mga harang. Nang matapos ay doon lang kami tuluyan na bumalik sa kotse.

THE UNKNOWN CITYWhere stories live. Discover now