CHAPTER TWENTY THREE

150 7 0
                                    

Ban's POV


"Ano?! Lalabas tayo? Bakit?" Sunod-sunod na tanong ko sa mga babaeng naghahanda na ngayon para umalis.

"Kailangan nating umalis para kumuha ng gasolina at tubig. Wala na tayo ng mga 'yon. At huwag mong isipin na hindi sumama dahil sasama ka sa amin sa ayaw at sa gusto mo.  Ikaw ang magbubuhat nun mamaya." Seryusong saad ng babaeng may kulay-abo na hikaw habang deritsong nakatingin sa akin.

Ang tapang nito kung makatingin at halatang hindi ako nirerespeto bilang nakakatanda. Kung magsalita ito ay kailangan mo talagang sundin.

Para siyang si Black.

Lahat ng mga babae rito ay ang tatapang. Ginagawa nila ako ritong utusan. May iba rin na ang tindi kung magturo sa akin ng pakikipaglaban. Para akong papatayin kahit sa practice pa lang.

Ngayon ay mas natatakot pa ako sa mga kasama ko rito kesa sa halimaw na nasa labas.

"Dalhin mo 'to." Inihagis nito ang isang shotgun sa akin na isa sa mga ibinigay naming baril sa grupo nila.

"Ako ang gagamit nito?" Tanong ko habang ang paningin ay nasa kaniya.

"Oo, ikaw ang gagamit niyan. Marunong ka na naman sigurong gumamit niyan, hindi ba?" Galit na tanong ng babaeng may green na hikaw. Galit na galit talaga ito sa akin."

Sa mga araw na nagdaan ay tinuturuan ako ng mga ito na gumamit ng baril at ang makipaglaban gamit ang katawan. Kaunti lang ang kaalaman ko sa mga bagay na iyon noon pero ngayon ay dumami na dahil sa kanila--lalo na siya. Kahit na galit ito sa akin ay tinuturuan pa rin ako nito araw-araw at hindi tumitigil hangga't hindi ako natututo.

"Marunong na. Kahit na walang respeto sa nakakatanda yung nagturo ay magaling pa rin ito kaya marami akong natutunan." Naiinis na sagot ko pero sinamaan lang ako nito ng tingin bago nagpatuloy sa pag-aayos.

Parehong mahahaba ang dala ni Red at Green na mga baril. Samantalang si Jay at CD naman ay parehong sniper ang dala. Si Black ay gano'n pa rin, isang katana at pana ang dala. Yung kulay-abo ang hikaw na si Heide naman ay dalawang katana ang dala na nasa likod nito. Kaming pito ang lalabas ngayon para kumuha ng tubig at gasolina.

Marami pa silang pagkain dito kaya hindi na nila kailangan pang kumuha pansamantala.

Aaminin ko na mas naging maluwag ang buhay ko rito. Siguro dahil ligtas ang kuta nila at marami silang pagkain. Dito ko naranasan na makakain ng tatlong beses sa isang araw at maayos ang kinakaing pagkain.

Dati sa kuta, maski ako ang leader doon ay pareho lang ang kinakain ko kagaya sa mga kinakain ng mga kasama ko. Ginagawa pa naming lugaw ang bigas na binibigay ng grupo nila Black para lang mapagkasiya sa aming lahat. Sa isang linggo ay isang beses lang kami nakakain ng kanin at ulam. Iyong matatawag na maayos na pagkain. Pero wala kaming magagawa. Kailangan na magtipid at magtiis para mabuhay.

"Hoy! Lutang ka na naman. Aalis na tayo." Singhal ni Green dahilan para mapabalik naman ako sa reyalidad.

Ang babaeng 'to...

Pinagtaksilan siya ng kaibigan niya na siyang kapatid ko. Ngayon ay gusto ko rin silang pagtaksilan at umalis sa lugar na 'to dala ang mga pagkain nila... pero hindi ko magawa.

They're too kind to me.

Paano ko magagawang pagtaksilan ang mga taong tumulong sa akin.

Nang dahil sa kanila ay nabuhay ako.

"Maka-hoy ka sa akin, wagas. Nakakatanda pa rin ako rito." Saad ko at tumayo.

"At wala kaming pakialam kung matanda ka o hindi. Kumilos ka na at aalis na tayo." Singhal pa nito bago tumalikod at bumalik sa mga kasama.

THE UNKNOWN CITYWhere stories live. Discover now