CHAPTER EIGHTEEN

176 7 4
                                    

Heide's POV



Matapos na makapag-ayos ng mga dadalhing pagkain sa mga walang utak ay napagdesiyonan na naming magpaalam kila Aling Nenfa.

Nasabihan na namin si Jay at CD sa kung ano ang gagawin nila para mamaya. Sasama sila papunta ro'n pero hihiwalay rin sila sa amin kapag nandoon kami. Inutusan namin ang mga ito na humanap ng puwesto na hindi sila makikita ng mga tao ro'n. At si Jay ang magbabantay sa galaw ng leader ng mga walang utak. Si CD naman ang magbabantay sa kaniya lalo na at hindi pa ito marunong makipaglaban gamit ang katawan. Iyon din dati ang ginagawa nila Black para masiguradong hindi sila mapapahamak. Lalo na at hindi katiwa-tiwala ang mga taong iyon.

Nang makababa ay isinakay na namin sa kotse ang mga dalang bag na may lamang pagkain. Isang bag para sa bigas at isang bag para sa ulam at iba pang mga pagkain at gamit.

Dala namin ang kaniya-kaniya naming sasakyan. Si Red at Green ay dala ang mga motor nila. Ako naman ay dala ang sasakyan ko at kasama ko si Jay. Habang si Black naman ay kasama si CD doon sa van niya.

"Kinakabahan ka ba?" Tanong ko sa kaniya. Si Jay ang nagmamaneho dahil nagpresenta ito.

"Hindi naman." Napangiti naman ako dahil sa sagot nito. Kadalasan kasi ay kinakabahan ito tuweng may pupuntahan kami. "Totoo ba talagang hindi na tayo makakalabas dito, Blue?" Tanong nito kaya nagkibit-balikat naman ako at tumingin sa labas.

"Iyon ang sabi nila. This City of Ruins is endless... endlessly unknown. There's no one who knows where is the exit. Because no one succeeded to exit this place in the first place. You should just give up on it. Dahil iyon ang ginawa ko."

"Natanong ko lang naman. At isa pa, wala naman akong babalikan pa sa pinanggalingan ko. Tiyak na mamamatay lang ako sa gutom do'n." Napunta naman ulit sa kaniya ang paningin ko matapos niyang sabihin iyon. Tinitigan ko ito pero nanatili lang na tahimik. "Akala ko nga ay magiging gano'n na rin ang takbo ng buhay ko rito. Lalo na at lahat ng makita kung store noon ay wala ng laman. Akala ko ay mamamatay na rin ako sa gutom at pagnanakaw mula sa taong nandito na lang ang pag-asa ko. Pero nagbago lahat ng pananaw ko nang makasama kayo. Dahil sa inyo ay naranasan ko ulit na mabusog at makakain ng tatlong beses sa isang araw."

"Puwede mo bang i-kwento sa akin ang buhay mo sa labas?" Tanong ko sa kaniya.

"Wala namang masyadong maganda sa kuwento ng buhay ko." Saad nito kaya napabalik na lang sa labas ang paningin ko. Binalot kami ng sandaling katahimikan kaya inisip ko na ayaw talaga nitong magkuwento pero nang magsimula ito ay nakinig naman ako. "Laki ako sa isang mahirap na pamilya. Ang Nanay ko ay sugarol habang ang Tatay ko naman ay may trabaho pero lasinggero naman. Meron akong tatlong nakakatandang kapatid na lalaki. Anim kaming lahat sa pamilya at dahil nga kapos sa pera at napupunta sa bisyo ang pera ng mga magulang ko. Minsan ay wala kaming pagkain. Nagkakaroon lang kami ng pagkain sa hapagkainan kapag nanalo sa sugal si Nanay at nagbigay ng pangkain si Tatay. Lahat naman kaming magkapatid ay parehong highschool lang ang inabot. Minsan ay nagbibigay rin ang mga nakakatanda kung kapatid kapag may trabaho sila sa construction. Sa mga araw na iyon lang ako nakakain ng maayos pero masaya na ako nun. Pero kaunti lang ang kasiyahan sa kwento ng buhay ko eh." Narinig ko pa itong bumuntong-hininga ng malakas matapos na tumigil. Dalawang ulit niya pa iyong ginawa bago nagpatuloy. "Labing apat na taong gulang ako nang pagsamantalahan ako ng sarili kung Ama. Masyado pa akong bata nun at takot na takot dahil sa mga pagbabanta nito. Dumaan ang isang taon at nanatiling tikom ang bibig ko. Wala akong may pinagsabihan tungkol sa ginawa ni Tatay sa akin. Hanggang sa isang gabi ay nabigla na lang ako dahil parang may gumagalaw sa paanan ko. Pagmulat ko ay agad na tumambad sa paningin ko ang mukha ng isa sa mga kapatid ko. Pinagsamantalahan din ako nito. Hanggang sa lahat ng lalaki sa pamilya ko ay ginamit ako na para bang hindi nila ako kadugo, na para bang isang gamit lang ang katawan ko. Walang araw na hindi ako umiiyak. Walang gabi na hindi ako dinadalaw ng mga masasamang ala-ala. Nang hindi ko na nakayanan ay tuluyan na akong nagsumbong sa Nanay ko. Nabuhayan ako ng loob nang maniwala ito sa mga sinabi ko. Doon ko lang naisip na may kakampi at may nagmamahal pa rin sa akin ng totoo sa pamilyang iyon. Mula noon ay hindi na ulit ako ginalaw pa ng Tatay at mga kapatid ko. Pero hindi ko inaasahan ang plano ng aking Ina... Nang tumuntong ako sa edad na labing walo ay inaya ako ni Nanay na pumunta sa bayan dahil bibilhan niya raw ako ng magandang damit dahil kaarawan ko. Tinotoo nga niya iyon, binilhan niya nga ako ng isang magandang damit. Pero imbis na umuwi ay dinala ako nito sa isang lugar kung saan maraming tao at pinapanood nila ang mga babaeng halos wala ng kahit anong damit---na sumasayaw. Doon ko lang tuluyang napagtagpi-tagpi ang lahat. Kaya pala tumigil na ang mga lalaki sa pamilya namin sa paggamit sa katawan. Kaya pala nagkunwaring naniwala si Nanay sa akin at pinalabas na tinakot nito ang mga kapatid ko at si Tatay para tumigil. Palabas lang pala ang lahat ng iyon. Plano lang pala iyon para maisahan ako. At tunay nilang hangarin ay ibenta ako sa isang bar at gawing parausan ng iba't-ibang lalaki pagkatapos akong pagsamantalahan ng mga sarili kung kadugo. Ibenenta nga nila ako sa bar pero umalis ako sa lugar na iyon bago pa man may makagalaw ulit sa akin. Simula ng araw na iyon ay naging palaboy na ako. Hindi ko inisip kahit isang beses na bumalik ng bahay. Ayaw ko ng makita pa ang demonyo kung pamilya."

"Women should not be treated that way. If they where in our clan, kahit na hawak lang ang gawin nila na wala ang pahintulot ng babae ay agad silang pupugutan ng ulo. Ang babaeng hinawakan o pinagsamantalahan ay siya mismong pupugot sa ulo ng lalaking nagkasala." Seryusong saad ko habang nakatingin pa rin sa labas.

"Sana napunta na lang ako sa pamilya niyo, Blue. Siguro ay naging maganda pa kahit papaano ang buhay ko." Natatawang saad nito.

"You're welcome to my family anytime." Halatang nagulat naman ito dahil sa sinabi ko.

"T-Totoo ba 'yan?" Tanong pa nito. Sinisigurado kung totoo ba ang sinasabi ko o nagbibiro lang ako.

"Oo naman. You're welcome to my family." Nakangiting sagot ko saka ibinalik ang paningin sa labas at unti-unting nawala ang ngiti sa labi. "But not in my clan."

"Ano ba ang tinutukoy mong clan? Magkaiba ba ang 'Family' at 'Clan' sa inyo?" Tanong nito.

"My family is only my mother. And I know she will accept you to be part of our small family. But my clan... It's a whole different story. Our clan taught me how to become good at everything, especially in killing people. You see, angkan kami ng mga assassins. At lolo ko ang leader ng angkan na iyon." Pagkukwento ko. Siya pa lamang ang ikalawang taong pinagkuwentuhan ko nito.

Siguro dahil ikinuwento rin niya ang buhay niya kaya ko sinabi ang akin...

"Wow. Akala ko ay hindi totoo ang mga ganiyang mga bagay. Hindi ko inaasahan ang mga nalaman ko ngayon." Natawa naman ako dahil sa sinabi nito. Marami na kasing tao ang naririnig kung nagsasalita na hindi raw totoo ang mga assassins.

"My father is American that's why I was named Heide Renier. While my Mom is from China. She's in the Clan since his father is the Clan Leader. that supposed to be my grandfather. Mula noong anim na taong gulang ako ay sinanay na ang katawan ko sa pakikipaglaban. After school there's training and that was my everyday life. When I turn ten years old, I became a true assassin. And the age of twelve I study in America. While at the age of fifteen, dito na kami tumira at dito ko na rin pinagpatuloy ang pag-aaral ko."

"Kaya pala mukha kang may lahi. Puti at singkit pala ang mga magulang mo." Humahangang saad nito.

"Same goes for CD. His dad is American while his mother is Chinese, too. We're on the same clan too. He's really good on fighting, you know. Pero kagaya ko ay kinalimutan niya na rin ang buhay namin noon at nagkunwaring isang normal na tao."

"Kaya pala singkit at maputi rin ang lalaking 'yon." Nakangiwing saad nito. Nakikita ko lahat ng ekspresiyon na ginagawa niya---mula sa salamin.

"Pero guwapo niya, no?" Panunukso ko sa kaniya.

"Puwede na." Ako naman ang napangiwi dahil sa sagot nito.

Wala ata siyang amor kay CD.

Well... Andiyan pa naman si Green.

Matchy mathy rin sila ni CD hehehe.

THE UNKNOWN CITYWhere stories live. Discover now