CHAPTER SEVENTEEN

169 9 0
                                    

Green's POV



"Pakikuha nga ng benda ro'n sa cabinet, Jay." Utos no Blue na agad naman nitong sinunod ni Blue Jay.

Ginagamot ni Blue ang sugat niya na hindi pa gaanong magaling. Nakuha niya iyon nang kumuha kami ng gamot sa ospital. Pero kahit may sugat ito ay nakipaglaban pa rin ito kanina sa mga halimaw.

Ibang-iba na siya ngayon kesa sa unang Heide na nakilala namin.

"Bakit ganiyan ka makatingin sa akin, Green?" Natatawang tanong ni Blue kaya napakurap-kurap naman ako saka umiling.

"Maayos na ba ang sugat mo? Sana hindi ka na lang muna nakipaglaban kanina. Baka bumuka ulit 'yan."

"Tsh. Malayo 'to sa bituka--aray! Problema mo, CD?" Napahiyaw naman ito sa sakit matapos na sampalin ni CD ang sugat nito.

"Bakit kasi galaw ka ng galaw eh nakita mong may sugat ka pa?" Singhal ni CD Kay Blue dahilan para humaba naman ang nguso nito.

"Kailangan eh." Rason mo Heide.

"Anong kailangan? Andoon kanina si Black. At kung kanina mo pa sana tinuruan si Jay edi sana hindi mo na kailangan pang makipaglaban. Minsan kasi hindi mo rin ginagamit ang isip mo eh." Panenermon ni Tandang CD sa kaibigan.

"Huwag ka ng magreklamo kasi tapos na 'yon. Past is past. Huwag mo ng balikan. Move on ka na, baliw."

"Hindi 'to relasyon para magmove-on ako."

"Bahala ka nga. Naiinis na ako sa'yo." Kinuha na ni Blue ang benda na dala ni Jay at sinimulang bendahan ang sarili. "Ikuha mo nga ako ng tubig, Jay."

"Sige, sandali lang." Agad namang umalis si Jay.

"Bakit panay ata ang utos mo kay Jay ngayon, Blue?" Natatawang tanong ko sa kaniya.

"Iyon ang gusto niya eh. Gagawin niya raw lahat ng ipag-uutos ko--natin basta turuan siya natin kung paano lumaban." Sagot nito at nagkibit-balikat.

Maya-maya lang ay dumating naman si Jay at may dala-dalang tubig na agad namang ibinigay kay Blue.

"Pakikuha nga ng tinapay, Blue Jay." Utos ko rito. Tumalikod naman ito at pumunta sa lamesa at kumuha ng tinapay saka bumalik at ibinigay sa akin iyon.

"May iuutos ka pa ba?" Tanong nito.

Nagkatinginan naman kami ni Blue pero agad din itong nagkibit-balikat. Bumuntong-hininga naman ako saka kinain na lamang ang tinapay na ibinigay niya. "Wala na. Maupo ka na lang."

"Hindi. Tutulungan ko pa si Aling Nenfa sa pagluluto." Umalis na naman ito kaya naiwan na lang kaming lima.

"Anong nangyari sa babaeng 'yon? Baka tinakot niyo kaya nagkagano'n?" Tanong ko sa kanila.

"Kusa siyang natakot, ang sabihin mo." Natatawang saad ni Red at tumayo. "Sinong hindi matatakot sa dalawang 'yan." Pagtukoy Kay Black at Blue na nag-uusap ngayon.

Oo nga naman...

Maski ako ay patuloy na lang na humahanga sa kanilang dalawa. Para bang magkapatid sila dahil sa angkin nilang galing at kung paano sila gumalaw. Masyado silang naiiba. Masyado silang magaling mag-isip.

Ito talaga siguro ang dahilan bakit ipinahanap ni Black sa amin si Heide. Dahil alam niya na ganitong klase ng tao ito.

Magkakilala kaya sila sa labas?

Pero base sa naunang sinabi ni Blue ay hindi niya kilala si Black.

Pero ang mga kilos at kung paano sila mag-isip ay parehong-pareho.

THE UNKNOWN CITYWhere stories live. Discover now