CHAPTER NINETEEN

155 8 1
                                    

Heide's POV



Nang tuluyang makarating sa kampo ng mga walang utak ay agad kaming sinalubong ng taong lalaki at lahat sila ay may dalang mahahaba.

Baril.

Sumunod lang kami sa kanila sa paglalakad. Hindi naman kasama sila Jay at CD. Nagpaiwan ang mga ito sasakyan kanina. Saka sila papasok mamaya kapag wala ng nagbabantay.

"Nadagdagan na ata ang bilang niyo." Saad ng isang lalaki na nasa akin ang paningin.

"Huwag kang masyadong lumapit sa kaniya. Baka magulat ka na lang na humiwalay na 'yang ulo mo sa katawan mo." Saad ni Red na nasa daan lang ang paningin.

Lahat ng mga tao na madaanan namin ay nasa amin ang paningin lalo na sa dala ni Red at Green na bag kung nasaan ang mga pagkain. Para silang mga gutom na hayop na takam na takam sa pagkaing dala namin ngayon.

Nagpatuloy lang naman kami sa paglalakad ng ilan pang sandali bago tuluyang tumigil. Para kaming nasa arena. At pinapaligiran kami ng mga tao. Ang dami ng bilang nila...

Sinulyapan ko naman ang bawat isa sa mga ito. Merong mga bata, babae at matatanda. Pero mas marami sa bilang nila ay lalaki.

Nasa mahigit isang daan ang bilang nilang lahat. Hindi, mga nasa dalawang daan na pala.

"Nasaan na ang amo niyo? Palabasin niyo na at ibigay niyo na ang mga baril para matapos na 'to." Pasigaw na tanong ni Green. "Kingina, ayaw ko ng manatili ng matagal dito." Dagdag na bulong niya pa saka bumuntong-hininga.

"You miss me that much, Green?" Isang boses ang nagsalita at mula sa gilid ay lumabas ito at may kasama itong dalawang lalaki na dala-dala ang luggage bag. Napunta naman sa akin ang paningin nito at naglakad palapit at tumigil sa harapan ko. "New recruit with blue color, eh?" Nginisian pa ako nito pero nanatili lang naman akong nakatingin sa kaniya.

This guy... He looks familiar.

"Ibigay niyo na ang mga baril para makaalis na kami rito. Mukha mo pa lang naiinis na ako." Saad ni Green kaya sa kaniya naman napunta ang paningin ng lalaki.

"Bakit ata kayo nagmamadali? Kakarating niyo pa lang, ah? You hate us that much?" Natatawang tanong nito.

"Nasaan na ba yung mga kinginang tauhan mo na lintek na idinamay kami ng nakaraan? Sinabi ba nila kung gaano kasarap na kainin ng mga halimaw na iyon? Madami pa ba ang nakauwi ng buhay?" Halatang naiinis si Green. Maski ako ay naiinis din kapag naalala ko iyon.

Sinong hindi maiinis na nanahimik ka tapos bigla ka nilang ipapahabol sa mga halimaw?

Kingina lang eh.

Mula sa likuran at may bigla namang sumugod kay Green pero hindi pa man niya nahahawakan si Green ay nasipa na siya sa tiyan. "Sa susunod huwag kang mandamay, hayop ka." Singhal sa kaniya ni Green at balak sanang sipain ulit ang lalaki pero bigla na lang nagtaas ng baril ang mga kasama nito at tinutukan si Green. Binunot ko naman ang isang katana at agad na itinutok ang dulo niyon sa leeg ng leader nila. Nagulat naman ito pero tiningnan ko lang siya ng seryuso. "Subukan niyong gumalaw at paglalamayan niyo ang leader niyo." Saad ko habang deritsong nakatingin sa mga lalaki.

"Now I know why Black recruits you." Saad nito saka senenyasan ang mga kasama na ibaba ang mga baril. Nang tuluyan nilang ibinaba iyon ay saka ko naman kinuha ang pagkakatutok ng katana ko sa leeg nito niya at ibinalik na sa likod iyon. Isang maling galaw niya at tutusok na sa lalamunan niya ang dulo ng katana ko kanina. Mabuti at nag-iisip din siya. "Ibigay niyo sa kanila ang mga baril." Utos niya.

Agad namang lumapit ang dalawang lalaki na may dala ng bag. Tiningnan naman ni Red ang mga iyon kung baril ba talaga ang laman at ng masigurado ay tumingin naman siya sa amin at sinabing, "Clear. Baril ang laman."

THE UNKNOWN CITYWhere stories live. Discover now