CHAPTER FORTY NINE

97 4 0
                                    

Heide's POV




"Nagdududa ka pa rin ba kay Black, Heide?" Tanong ni Ban na hanggang ngayon ay kasama ko pa rin.

Biglang pumasok sa isip ko ang pinag-usapan namin ni Guren. "Hindi na ata mawawala 'yon. Iba talaga ang pakiramdaman ko kay Black. May kakaiba talaga sa kaniya."

"Masyadong impossible na ito ang maging murderer dahil nakita ng mismong mata ko na kasama natin siya buong panahon na nasa labas tayo. Pero hindi talaga mawala ang duda ko na siya talaga ang murderer."

"Sa totoo ay may sinabi sa akin ang nakalaban kung halimaw ng nakaraan." Pagsabi ko ng totoo. Bumakas kaagad sa mukha nito ang matinding pagkagulat dahil sa sinabi ko.

"Paano kayo nakapag-usap? At bakit ka nakapag-usap sa kaniya?" Tanong nito, kumalma na. Pero bakas pa rin sa mukha nito na marami pa siyang tanong.

"Nagtago kami sa likod ng sasakyan ng nakaraan at doon nag-usap. She's also a gray like me, Ban. She have this too." I tapped my earring before I let out a deep sigh. "Sinabi nito na may mga traidor sa grupo natin. Ang paghihinala ko ay mas lalong nadagdagan dahil sa sinabi niyang iyon."

"Is she not our enemy, Heide?"

"She's not an enemy."

Nahagip ng paningin ko si Black na nasa malayo pa pero hindi ko ito liningon. Nagkunwari ako na hindi ito nakita o napansin. Lumapit ako kay Ban at umakbay.

"Anong--"

"Nandiyan si Black. Umalis na tayo rito." Bulong ko dahilan para hindi na ito magtanong muli. Nagkunwari itong tinutulungan ako.

"Dahan-dahan lang. Bakit ba kasi nag-aya ka pa na pumunta rito kahit na ganiyan ang lagay mo?! Tsk! Huwag mong diinan ang pagtapak ng paa mo sa sahig!" Pag-arte ni Ban na sobrang makatutuhanan talaga. Ganitong-ganito ang 'normal' na Ban na kilala ng iba.

"Gusto kung magpahangin, okay?! At huwag kang masyadong mag-alala sa akin, puwede ba? Ang creepy mo, eh. Ayos na ang binti ko. Ikaw lang talaga 'tong overreacting." Angil ko, umaarte rin ng natural na ginagawa ng isang Heide kapag si Ban ang kasama niya.

"Pahangin, pahangin... hindi mo na kailangan ng hangin dahil nandiyan na sa ulo mo na lahat. Patigasin mo kaya ang hangin na 'yan at gawin mong panibagong utak, Heide. Lapit ng mag-expire ang ginagamit mong utak, eh. Nagiging assuming ka na rin ngayon like... what the hell, ako, ako mag-aalala sa'yo? Eww! Siya, yung mahal ko, siya lang yung puwedeng maging dahilan para mag-alala ako sa ibang tao maliban sa sarili ko!"

Alam kung puro nonsense ang mga sinasabi ngayon ni Ban. But there's a hidden signal on it.

Papalapit na siya.

Kailangan mong pagdugtong-dugtungin ang mga unang salita o unang pantig ng mga salita sa bawat sentence para makuha ang signal.

"Sinong siya 'yan, ah?" Patuloy ko sa pag-arte habang pinagmamatyagan ang galaw ng tao na may-ari ng papalapit na yabag. Ilang sandali na lang ay tiyak na makakarating na ito sa mismong lugar kung nasaan kami ni Ban. Nanatili kaming nakatalikod para idagdag sa pag-arte na hindi talaga namin ito nakita na papalapit.

"Walang iba kung hindi---"

"What are you two doing here?" Tanong ni Black. Pareho pa kaming napasulyap ni Ban sa isa't-isa bago hinarap si Black.

"Oh, andito ka pala." Nagugulat na sabi ko at ngumiwi. "Bakit hindi ko man lang naramdaman ang presensya mo." Pabulong na dagdag ko pero sinigurado ko na maririnig niya pa rin iyon.

"You didn't answer my question." Sabi nito habang palipat-lipat pa rin sa amin ni Ban ang tingin.

"Gusto raw ng babaeng 'to magpahangin kaya sinamahan ko." Dinuro pa ni Ban ang pisngi ko kaya agad ko iyong tinapik at sinamaan ito ng tingin.

THE UNKNOWN CITYWhere stories live. Discover now