CHAPTER SIXTY

87 4 1
                                    

Green's POV 

"Tapos ka na ba diyan, Green?" Nilingon ko si CD at agad na napangiwi ng makita ang sangkatutak na candy na hawak niya.

"Hoy totoy, hindi ka mabubusog ng candy. Bakit 'yan kinuha mo?"

"Miss ko na 'to, eh. Bawal ko bang kainin ang gusto ko?" Sagot nito at isinubo sa akin ang nabalatan na lollipop.

Hindi na ako nagreklamo pa at nagpatuloy na lang ako sa pagkuha ng mga de lata. Pinipili ko yung hindi pa expired kadalasan kasi ay expired na. Baka expired na sardinas pa ang maging dahilan ng pagkamatay ko. Ayaw ko. Nakakahiyang cause of death no'n.

Balak ko na sanang kunin ang sardinas na nasa ilalim pero naudlot din iyon nang bigla na lang hilahin ni CD ang kamay ko at halos wala pang isang segundo ay may lumitaw ng kamay na balak sanang hulihin ang kamay ko. Dahil sa labis na pagkagulat ay hindi ako nakagalaw. Pinanood ko lang kung paanong barilin ni CD ang halimaw na nasa kabilang bahagi ng shelf.

"Fuck! Muntek na. Are you okay?" Napunta ang paningin ko kay CD nang iharap nito ang mukha ko paharap sa  kaniya.

"Bakit may halimaw rito?'' Tanong ko.

Kung hindi agad nahila ni CD ang kamay ko ay baka halimaw na ako ngayon.

Why did I let my guard down? Bakit ako naging kampanti?

"...Green!"

Napakurap-kurap ako nang mapansin ang pagtawag ni CD sa akin. "Bakit..."

"Kailangan na nating umalis. Kailangan nating masabihan ang  iba."

Bumalik naman ako sa huwisyo dahil sa sinabi nito. "Tara." Agad na akong tumayo at binunot ang baril. Hindi ko na gagawin ang pagkakamaling ginawa ko kanina. "Tangina." Mura ko nang makita ang isang panibagong halimaw na nilalantakan ang isa naming kasamahan.

Wala man lang ingay. Paano nangyaring hindi man lang nakasigaw ang kasamahan namin ng atakehin nito.

Napunta ang paningin ng halimaw sa akin at nginisian pa ako ng tangina. Parang masaya ito dahil may panibago na naman itong biktima. Agad itong sumugod sa akin ng walang pasabi kaya hindi na ako naghintay pa na makalapit ito at basta itong binaril. Naiwasan nito ang unang putok na nanggaling sa isang baril ko pero bigo itong maiwasan ang pangalwang bala na nanggaling sa pangalawang baril ko.

Talaga nga namang mahirap pigilan o iwasan ang hindi mo nakikita o napapansin

"Tara na. Kailangan nating masabihan sina Heide tungkol dito." Aya ko kay CD.

"Mukhang hindi na kailangan. Mukhang alam na rin nila." Saad nito dahilan para mapakunot ang noo ko. May tinitingnan ito kaya hindi ko naman maiwasan na hindi ito sundan ng tingin. At doon ko lang tuluyan na na-realize ang ibig sabihin nito.

Tumatakbo si Heide at Ban habang dala-dala ang armas nila. Handang-handa sa kung ano man ang biglang mangyari.

"Kailangan na nating makaalis dito—"

Natigil din kaagad si Heide sa pagsasalita nang biglang umugong ang mga sigawan. Nakita namin kung paano magsitakbuhan ang mga kasama namin para makalabas. Nagsimulang umugong ang maiingay na putok ng mga baril. Sa aming lahat tanging kami ni Heide at Red lang ang mayroong silencer.  

"TAKBO!" Isang malakas na sigaw ang nakaagaw  ng atensiyon namin. It was Red and beside her is Gregory.

And behind them are... huge numbers of zombies. And almost half of them are high ranked zombies. Ang iba ay mas malakas kesa sa normal na mga halimaw habang ang iba naman ay mas mabilis. May iba rin na kayang mag-isip kagaya ng isang tao.

THE UNKNOWN CITYWhere stories live. Discover now