CHAPTER SEVEN

239 11 0
                                    

Heide's POV



Nakarating na kami sa shop na sinasabi ni Green. Agad naman kaming naghanap ng mga damit na masusuot. May dalang bag naman ang batang lalaki kaya doon ko inilagay ang mga damit na pinili ko para sa kanilang apat. Ako na Ang naghanap dahil busy ang Nanay sa pag-aalaga doon sa sanggol. Habang ang Tatay naman ay siyang nagbabantay sa pintuan.

Ako naman ay kumuha ng limang skirt at dalawang mahabang pants. Saka ilang pang pantaas na damit. Malaking bag ang dala ni Red kaya kasiya ang damit naming apat doon. Iyong bag na para sa mga bagahe kasi iyon.

Mas sanay ako na skirt ang suot dahil nakakagalaw ako ng maayos at komportable pa.

"T-There's someone in there, Ate." Biglang lumapit sa akin si Ion, ang lalaking bata.

"Saan?" Tanong ko pero hindi pa man nakakasagot ang bata ay bigla na lang lumitaw mula sa may staff room ang isang zombie.

"Come in. Come in. Come in." Nagsasalita ito! Mas mataas na uri ng halimaw ang isang tao. Kaya niyang magsalita! Pero paulit-ulit lang. "Come in!" Bigla na lang itong sumugod sa gawi ko kaya agad ko namang binuhat si Ion at tumakbo palayo.

"May halimaw!" Sigaw ko na sapat lang para marinig ng iba kung kasama.

Agad naman akong tumigil at sinipa ang halimaw na sumusunod sa amin pero natumba rin ako sa sahig. Bigla na lang ulit sumugod ang halimaw papunta sa amin kaya agad ko namang nayakap ang bata para siguraduhin na magiging ligtas ito. Pero bago pa ako makagat ng halimaw ay lumitaw na si Red at binaril ito sa ulo.

"Ayos ka lang ba?" Tanong ni Red sa akin at tinulungan akong tumayo.

"Ayos lang." Sagot ko saka pinakawalan na si Ion. "Ayos ka lang ba? Hindi ka ba nasaktan?"

"That thing is already dead, Ate Blue?" Tanong nito habang nakatingin sa nakabulgtang halimaw sa sahig.

Nasa sampung taon na si Ion at matalinong bata. Madaling niyang nauunawaan ang mga sinasabi sa kaniya at ilang mga bagay-bagay.

"Yes. You did great when you go towards me immediately after you saw that zombie."  Nakangiting saad ko at pinat ang ulo niya.

"Aalis na tayo." Boses ni Black kaya tumango naman kami at agad na nag-ayos para umalis.

Nagpatuloy na kami sa paghahanap ng gasolina at tubig. Iniwan muna namin ang mga gamit na dala doon dahil doon din naman kami dadaan sa pagbalik mamaya.

"Saan naman tayo makakahanap ng fuel at tubig dito?" Tanong ni Manong Edie. Tatay ni Ion.

Nasabi na namin sa kanila ang sitwasyon kanina habang naglalakad kami papunta sa shop. Mula doon sa kung paano sila nakapunta dito. Bakit sila nandito. Sa una ay hindi pa sila makapaniwala pero wala din silang nagawa kung hindi ang maniwala dahil wala rin naman silang alam I impormasyon tungkol sa kung bakit at kung paano sila napunta sa lugar na ito.

"There's this store na puro tubig na pwedeng inumin ang benebenta. Mukhang wala pa namang nakakatunton sa lugar na iyon kaya sigurado na ang tubig. Ang kailangan na lang ay panggatong." Asik ni Red na palinga-linga sa paligid. Naghahanap ata ng panggatong. We need fuel!

Ilang sandali lang ay nakarating na kami sa store na tinutukoy ni Red. Gumuho ang store kaya pahirapan na pumasok pero kapag nasa loob na ay medyo maluwag pa naman pero merong ilang mga nakaharang na mga semento na nanggaling sa pagguho. Nakalagay ito sa gallon.

"Manong Edie. Kayo na bahalang magbuhat ng madami." Saad ni Green at hindi naman nagreklamo si Manong Edie. Kumuha ito ng apat na galon. Dalawa sa bawat kamay. Kumuha naman din si Red ng isa. Si Green ay wala dahil siya ang magdadala ng bag mamaya. Si Black naman ay ang nagbabantay sa amin. Ako naman ay naghahanap ng walang laman ba galon at nang may makita ay kinuha ko naman kaagad iyon.

THE UNKNOWN CITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon