CHAPTER THIRTY EIGHT

121 5 1
                                    

Black's POV

"As I thought. She really suspected me. She's indeed gray." Nailing na saad ko at bumuntong-hininga.

"Anong plano mo ngayon? Ang plano ay uubusin natin ang mga kasama niya pero mas lalo lang silang dumami." Saad ng katabi ko.

"As the leaders told us, we will eliminate all the hindrance." Simpleng  sagot ko habang nakatingin kay Heide. "Only the gray is important anyway. Siya lang ang mabubuhay sa kanilang lahat."

"Mabuti at hindi ka nila pinaalis sa grupo ng nakaraan. Gumana yung on the spot na palusot mo. And the acting though. It is worth watching." Natatawang saad pa nito.

"Kung ginawa nila iyon ay hindi ako magdadalawang-isip na patayin silang lahat. Tutal ay ang gray lang naman ang kailangan natin. Siya lang ang mahalaga. Wala ng kuwenta ang iba niyang kasama."

"Kung ginawa mo iyon ay baka naglaban na kayong dalawa ni Heide. She really hates people who hurt people that's close to her."

"She can't beat me."

"Well... yeah, for now. But you're not allowed to hurt the precious gray, Black." Nakangising saad nito habang nakatingin sa akin. "It's our job to protect her. Kaya nga tayo nananatiling nasa tabi niya, hindi ba? It's our job to lead her to the exit. But since there's still so many bugs that keeps on flocking to our gray we can't advance and keep on delaying her to go through the exit." Saad nito at bumuntong-hininga.

Tama ang sinabi nito. Alam namin kung nasaan ang exit. Nasaan ang mga ligtas na lugar. Pero dinadala namin ang mga kasama papalayo sa labasan. Hindi namin itinuturo ang mga ligtas na lugar para mamatay ang ibang kasama ni Heide habang naglalakbay kami. Mukhang gumana naman iyon dahil may namatay na nga at may mamamatay na naman sana kung walang tumulong sa kanila.  

Yes... that's our job. We are the leader's pawn. Trabaho ko--namin na bantayan ang mga gray. Mula pagdating niya hanggang sa makarating ito sa exit. Iyon ang utos sa amin ng mga nasa taas. The leaders. Sila ang gumawa ang lugar na ito. Sila ang gumawa ang virus. Sila ang dahilan bakit mayroong unknown city. Habang ang mga katulad ko naman ang mga nagbabantay sa mga gray. Trabaho namin na tingnan ang kalidad ng mga gray. Kami ang tumitingin kung karapat-dapat ba itong makalabas. Kapag hindi karapat-dapat ang isang gray ay hindi magiging abo ang kulay ng hikaw niya. Kung ano ang hangganan ng kakayahan niya ay iyon ang ipapakita ng hikaw.

"Anong balak mo kay Gashtel? Marami na siyang nalalaman. Baka masira ang mga plano natin kapag hinayaan natin siya." Saad ng kasama ko dahilan para mapunta ang paningin ko sa taong tinutukoy nito.

"Papatayin din natin siya. Wala tayong ititira sa kanila. Kukuha lamang tayo ng tamang tiyempo. Sa ngayon ay naghihinala pa rin si Heide sa akin kaya hindi pa ako puwedeng gumalaw."

"Ako na ang gagawa."

Nilingon ko ito pero nanatili lang ang tingin nito sa harapan. Bumuntong-hininga na lamang ako at ibinalik din ang paningin sa harapan.

"Bahala ka. Pero kapag nalaman niya na kalaban ka ay tiyak na masasaktan ito." Saad ko dahilan para matawa naman ito.

"Nanggaling talaga iyan sa iyo? Tsk. Mas malapit ka sa kaniya."

"Hindi kami madalas magkasama. Hindi kami magkasamang lumaki. Wala siyang masyadong alaala tungkol sa akin."

"Malay natin baka mayroon pala. Baka marami pa." Sinulyapan pa ako nito.

"It's impossible."

"Yeah. Yeah. Anyway, do you really want to kill them all? I mean, all the companions of Heide? Some of them have some potential, you know. We can recommend them to the leaders. Malay mo ay maging katulad mo rin sila. Not a gray but still became a pawn." Saad nito dahilan para tingnan ko naman ito ng seryuso.

THE UNKNOWN CITYWhere stories live. Discover now