CHAPTER FORTY TWO

102 5 1
                                    

Red's POV




Dahil umulan ay natagalan pa kami sa pagbalik. Pinatay pa namin yung mga halimaw na sumusunod sa amin kaya inabot kami ng tatlong oras at kalahati bago tuluyang nakabalik.

"Bakit ang tahimik ata?" Kumunot ang noo ko nang mapansin na ang tahimik ng buong lugar nang makapasok kami sa building.

"Wala rin ang mga bantay. Saan na sila nagpunta? Puwede tayong mapasok kapag hindi nila binantayan ng maayos ang lugar na 'to. Tsk." Saad ni Gregory at inutusan ang iba na tawagin ang mga bantay.

"Baka kumakain sila? Anong oras na ba?" Tanong ko kaya tiningnan nito ang oras mula sa relo na suot.

"1:12 AM." Sagot nito.

"Kung gano'n bakit---"

"Ahhh!"

Lahat kami ay napalingon sa pinanggalingan ng sigaw. "Anong nangyayari?" Tanong ko rito at agad na binunot ang baril at tumakbo papunta sa gawi nito pero nagulat din ako sa nadatnan ko. "A-Anong nangyari?" Tanong ko habang nakatingin sa mga katawan na nakahiga sa sahig at wala ng buhay.

Agad akong tumakbo papunta sa ikalawang palapag at napahawak na lang sa bibig ko nang makita ang mga katawan na naliligo na sa dugo. Isa-isa kung nilapitan ang mga ito at tiningnan ang pulso pero agad na naagaw ng apat na marka ang paningin ko at nilingon ang mga unang tiningnan. Kadalasan sa kanila ay may apat na marka ng butas sa leeg. Ang iba ay marami ang tinamong butas sa katawan.

Anong may gawa nito? 

"Wala na bang buhay sa kanila?" Tanong ni Gregory na kakarating lang.

"Wala na." Sagot ko at tumayo. Halos maging sardinas na ang mga bangkay dahil sa dami nila na nagkalat sa sahig at naliligo sa sariling mga dugo.

"Sinong may gawa nito? Pinasok ba tayo ng mga halimaw?"

"Hindi. Walang kahit isa sa kanila na kinagat. Lahat sila ay may mga maliliit na butas sa katawan." Sagot ko habang nananatiling nakatingin sa mga patay.

"Butas? Anong ibig mong sabihin?" Naguguluhang tanong nito.

Lumapit naman ako sa isang katawan at ipinakita sa kaniya ang sugat. "Sa tingin mo ay ano ang ginamit sa pagpatay?" Tanong ko rito.

Lumapit din ito at tiningnan ng maayos ang sugat saka lumipat sa iba pang bangkay. Ginawa niya iyon ng ilang sandali bago bumalik sa akin. "Isang tao lang ang gumawa sa kanilang lahat nito." Saad nito dahilan para manlaki ang mga mata ko.

"I-Isang tao lang?" Gulat na tanong ko.

"Oo. Walang duda iyon. Isang weapon lang din ang ginamit sa kanilang lahat. Pero nakakagulat pa rin dahil nakaya niyang patayin lahat ng mga taong 'to ng mag-isa at gano'n pang weapon ang gamit niya." Para bang takang-taka talaga ito habang nakatingin sa mga bangkay.

"Anong weapon ba ang ginamit niya?" Curious na tanong ko rito.

"Ano ba ang naiisip mong bagay na madalas mong ginagamit na puwedeng makagawa ng ganiyang marka, Red?" Tanong nito pabalik sa akin.

Tinitigan ko ng maigi ang mga sugat ng mga bangkay at bigla ko na lang na-realize ang isang bagay na palagi naming ginagamit. "H-Huwag mong sabihin na..."

"Oo, Red. The weapon is only a fork." Sagot nito na parang hindi rin makapaniwala sa sariling sinabi.

Natigilan ako nang maalala ang mga bata. "Ion! Klara!" Sigaw ko at tumakbo papunta sa sunod na palapag. Inisa-isa kung pinuntahan ang mga kuwarto para hanapin sila. Natataranta na ako at nagsisimula ng manginig ang tuhod ko sa takot. Takot na baka... baka patay na rin sila.

THE UNKNOWN CITYWhere stories live. Discover now