EPILOGUE

236 9 5
                                    

Heide's POV

"Where's everyone?" Tanong ko nang tuluyan ng kumalma ang paghinga.

Patuloy naman ito sa pagpunas ng luha at pawis ko. "Nasa labas na sila." Sagot niya at tiningnan ulit ang kabuuan ng mukha ko. "You're still crying."

"Huh?" Nagtatakang tanong ko at dinama ang mata. "Bakit umiiyak pa rin ako?" Nagtatakang tanong ko habang nakatingin sa daliri na basa ng mga luha.

"That's also my question. May masakit ba sa'yo? May tama ka ba?" Tanong niya pero umiling lang ako saka dinama ang dibdib.

"Ang sakit lang ng dibdib ko."

Parang may tumutusok ng paulit-ulit.

Napatitig ito sa akin ng ilang sandali bago ngumiti at pinunasang muli ang luha ko. "Baka pagod ka lang. Hali ka na. Hinihintay na nila tayo sa labas." Aya niya sa akin at tinulungan akong tumayo.

"How about you? Aren't you tired?" Tanong ko habang nakatitig sa kaniya. He look so exhausted but he still choose to stay and help me.

"I'm tired but you need help." Simpleng sagot nito dahilan para mapangiti na lang ako.

Isn't this guy the sweetest?

"Now you're being sweet, hm?" Tinusok ko ang tagiliran nito dahilan para samaan naman ako nito ng tingin pero tinawanan ko lang siya. "Pero alam mo, ang tigas din ng ulo mo eh. Bakit ka nanatili ro'n? Paano kung hindi na ako nagising?"

"I know you won't break your promise."

Natigilan ako dahil sa naging sagot nito. He is really insane. Why would he trust my words?

"Hindi sa lahat ng oras. Bakit ka masyadong nagtitiwala sa mga sinasabi ko. Baliw ka talaga." Hinampas ko ang braso nigo pero wala namang lakas iyon.

Binalot kami ng katahimikan pero nanatili lang kaming tahimik na dalawa at nagpatuloy lang sa paglalakad. Hindi rin nagtagal ang katahimikan na iyon dahil binasag iyon ng isang malakas na tunog na nagmula sa labas. Putok ng baril.

Binilisan na namin ni Ban ang kilos para makalabas kaagad at matingnan kung ano na ang nangyayari. Pinauna akong palabasin ni Ban at nakasunod naman siya sa akin. Maingat kaming gumapang para hindi masugatan ng matatalas na bagay na nasa taas namin.

Makaraan ang ilang minuto ay tuluyan na nga kaming nakalabas. "Puntahan na-" Pinatigil ko sa pagsasalita si Ban nang marinig na may nagsasalita.

"...so sure that Heide will be so sad if she knew that Black is her sister. Not by blood but they are still considered as sisters. The woman who betrayed her from the start. Not only that. 'Cause the guy that she care so much also betrayed her. The one who massacred bunch of people... excluding the two kids. But... he's still the reason why they died. Well, Dale didn't have any choice that time. It's between all of his friends or the two kids."

Natigilan ako at parang tumigil ang mundo ko nang marinig ang mga sinabi nito. Hindi ma-proseso ng maayos ng utak ko. Parang hindi nag-si-sink in sa akin ang mga narinig ko.

I and Black are sisters? Paanong nangyari 'yon? And CD massacred the kids? How?

Bago pa ako makakuha ng mga sagot sa tanong ko ay nagsalita na naman ulit ang lalaki.

"You know the difference between them? Black did those to seek revenge. While CD did those things to save her Heive really hate Heide and her mother to the core. She think they are the reason why her and her mother suffered so much. On the other hand, Dale did everything he can to help and save Heide. He even tried to tricked them. But they both failed." Patuloy pa rin ito sa pagsasalita.

THE UNKNOWN CITYWhere stories live. Discover now