CHAPTER THIRTY FOUR

134 10 6
                                    

Heide's POV



Sunod-sunod na tumulo ang luha ko matapos na makita si Aling Nenfa na kasama na ngayon ng mga halimaw sa baba.

May mga tao na namang hindi ko naprotektahan...

Nanghihina akong napaluhod habang hindi pa rin inaalis ang paningin ko kay Aling Nenfa. Hindi niya na dala-dala ang anak ngayon. Wala na si Natasha.

Alam kung hindi na magtatagal ang bata pero hindi ko naisip na mawawala ito kaagad. Alam kung pagod na pagod na si Aling Nenfa pero hindi ko naisip na susuko na lang ito bigla.

Bakit ganito...

Bakit kailangan nilang mamatay...

Hindi pa ba sapat na mawala si Jay at Mang Edie?! Bakit kailangan nilang mawala?! Bakit?!

Nakuyom ko na lang ang mga palad ko at  tumayo ulit at tinalikuran na si Aling Nenfa at walang ano-ano'y binunot ang katana ko at itinutok iyon sa isang kasamahan dahilan para bumukas naman sa mukha nito ang pagkagulat.

"Heide! Anong ginagawa mo?!" Boses iyon ni Red pero hindi ko nagawang kunin ang paningin sa kaharap.

"Ikaw. Ikaw ang tunay na traidor sa grupo, hindi ba?" Seryusong ko rito habang nakatingin ng deritso sa mga mata niya.

"H-Heide. Magkakasama tayo rito." Nagpapaintinding saad ni Green.

"Itigil na natin ang putanginang pagpapanggap na 'to. Napapagod na ako. Nakakasawa na. Kailangan na rin sigurong malaman ng traidor na 'to na alam na natin na siya talaga ang hudas sa grupo. Masyado ng maraming namatay! Kailangan niya ng magbayad." Saad ko at mas lalong inilapit ang dulo ng katana sa leeg ng kaharap dahilan para dumugo ito. "Ikaw ang hudas sa grupo, tama ba ako," nginisian ko ito bago binigyan ng masamang tingin. "Black."

Natahimik ang buong paligid. Walang nakapagsalita. Ang sa harapan ko ngayon ay tahimik lang din at nakayuko na.

Hindi talaga si Ban ang pinaghihinalaan namin. Nagkunwari lang kami na siya ang pinagsususpetsiyahan para hindi maisip ng traidor na nasa kaniya na pala ang atensiyon namin mula umpisa pa lang. Si Ban, Red, Green, at ako lang ang nakakaalam tungkol dito. At simula ng matanggap ko yung impormasyon tungkol sa babaeng zombie ng nakaraan ay binantayan na namin ang galaw ni Black. Alam namin na mabilis itong makapansin ng bagay-bagay kaya naisipan namin na gamitin si Ban na kunwaring pinagsususpetsiyahan namin.

Oo, masyadong malabo na siya ang maging kalaban. Una dahil siya nga itong palaging nagliligtas sa amin. Ikalawa, siya yung kumopkop sa amin. At marami pang ibang dahilan.

Pero dahil sa sinabing impormasyon ng babaeng halimaw ng nakaraan ay nagsimula na akong mapaisip kung totoo ba talaga iyon. Kung may kalaban ba talaga sa grupo. Hindi ko bastang pinagsuspetsiyahan lang si Black ng walang matibay na dahilan. Sa una ay lahat ng mga kasama ko yung minanmanan ko. Kaya nanatili akong gising nang mga nakaraan para mabantayan sila at ang mga galaw nila. Minsan ay nagkukunwari akong tulog pero sa totoo ay nakabantay pa rin ako sa galaw nila. At... sa mga araw na nagdaan ay itinuturo ng mga nakukuha kung impormasyon ang isang tao na siyang tunay na hudas sa grupo.

May ipinakita rin na panibagong impormasyon yung babaeng zombie nang nakaraan sa akin. At ang nakasulat doon ay ang pangalan ng traidor sa grupo at... pangalan din ni Black ang nakasulat.

"Nakakapagtaka lang yung nangyari sa dati nating kuta, hindi ba? Tyempong araw kung saan sumusugod ang mga halimaw sa mga kuta saka nasira ang harang. At hindi nasira ang kadena. Sadyang may kumuha lang talaga ng padlock. May nagbukas lang talaga kaya nakapasok yung mga halimaw. Maliban sa akin ay isa na lang yung taong gising nang gabing iyon. Bakit ka nga ba gising pa nang mga oras na 'yon, Black? Dahil ikaw yung kumuha ng lock, hindi ba?!" Galit na sigaw ko sa kaniya at mas lalo itong sinamaan ng tingin. "Noong nasa truck tayo... tuweng tulog na ang lahat ay saka ka aalis para lumabas. Anong ginagawa mo sa labas? Nag-iisip ng paraan kung paano kami papaikutin sa mga palad mo? Ikaw ang mas nakakaalam ng pisteng lugar na 'to tapos nang mangailangan tayo ng panibagong ligtas na matutuluyan ay wala ka ng masabi at maituro?! Lahat ng itinuturo mo ay sira at wasak na at halatang-halata na matagal ng gano'n ang lugar na 'yon. Siguro ang iba ay mauuto mo pero hindi ako! At si Ban... Sinubukan mo siyang patayin, hindi ba? Huwag mo ng itanggi pa iyon dahil kitang-kita ko kung paano mo siya tinutukan ng baril sa mismong ulo habang natutulog siya. Ngayon ay gusto kung marinig mula sa'yo ang katotohanan."

Nagtaas ito ng tingin at tiningnan ako ng deritso sa mga mata. Seryuso lang ito at walang emosiyon. "I have my reasons. I don't want to justify myself either. But I admit, I tried to kill Ban. Now, it's your choice if you still trust me or not." Kinuha nito ang katana ko at tinalikuran na lang kami.

"Ikaw ang dahilan bakit namatay silang lahat!" Galit na sigaw ko dahilan para matigil naman ito sa paglalakad.

"Paniwalaan mo ang gusto mong paniwalaan."

"Bakit ang dali-dali para sa'yo na lokohin kami?!" Balak ko na sana itong sugurin pero bago pa man ako makaalis sa kinatatayuan ko ay nakita ko na si Green na papalapit kay Black at walang ano-ano'y sinampal niya ito.

"Ikaw ang bumuo ng grupo na 'to! Ikaw ang dahilan bakit kami buhay hanggang ngayon. Pero bakit mo kami nagawang lokohin?! Bakit mo nagawang gawin 'yon?!" Galit na galit ang boses ni Green ngayon. Andoon na si Red at Ban na pinipigilan siya. Habang si Black naman ay nakatayo lang at dumudugo ang labi.

"Ako ang bumuo?" Natatawang saad nito dahilan para mapunta naman sa kaniya ang atensiyon naming lahat. "Si Heide lang naman ang gusto ko na mapunta sa grupo, diba? Kayo yung nagpapasok ng iba sa grupong 'to. Hindi ako ang bumuo ng grupo na 'to. Kayo ang gumawa nito. At bakit ko nagawa? Dahil masyado ng pabigat ang iba. Mamamatay rin naman sila sa huli so bakit pa natin patatagalin?"

Ikinuyom ko ang mga palad at basta na lang itong sinugod at sinuntok. "Putangina mo! Kung sinabi mo na ayaw mo sa kanila ay sana umalis na lang kami sa grupo na 'to! Bakit ngayon mo lang sinabi 'to? Bakit ngayon pa?! Bakit ngayon pa na patay na sila?!" Nagsilaglagan na lang ang mga luha ko na agad ko rin namang ipinahid. Pero yung puso ko ay patuloy na nasasaktan tuweng naalala ko ang pagkawala ng mga dati kung kasamahan.

Naghahalo-halo na ang emosiyon ko. Galit na galit ako ngayon sa kaniya. Naiinis dahil sa mga sinabi niya. Nalulungkot dahil sa pagkawala ng mga dati kung kasamahan. Naaawa sa sarili ko dahil lugmok na lugmok na ako.

"Tandaan mo sana ang katotohanan na hindi ako ang pumatay sa kanila." Saad nito dahilan para panlisikan ko siya ng mga mata.

"Pero isa ka sa dahilan bakit namatay sila! Parang ikaw na rin ang pumatay sa kanila! Wala ka bang konsensiya?!" Sigaw ko habang nakakuyom na ang mga palad at handa na para suntokin ulit ito. 

"Huwag mong isisi sa akin ang lahat!" Biglang sigaw nito dahilan para magulat naman ang lahat at maski an ako. Masama na ang tingin nito sa akin ngayon. "Wala akong pakialam kung traidor o kakampi ang tingin niyo sa akin. Pero huwag mo naman sanang ibintang sa akin ang lahat. Oo, wala akong ginawa para iligtas sila. Bakit, kayo ba may nagawa para iligtas sila? Wala rin, diba? Parehas lang tayo rito na walang nagawa para iligtas sila. Kahit pa sabihin niyo na sinabukan niyo... wala pa ring kuwenta 'yon dahil hindi niyo pa rin sila nailigtas. Kahit pa pagbali-baliktarin niyo ang sitwasyon ay doon pa rin 'yon pupunta.  At bakit ako ang sinisisi niyo sa pagkamatay nila? Nakita niyo kung sino ang dahilan bakit sila namatay at naging halimaw, diba? At alam niyong hindi ako 'yon!" Naiinis na singhal nito habang nakatingin sa amin ngayon. "Namatay si Mang Edie dahil nakagat siya ng halimaw. Gano'n din si Jay. Namatay si Natasha dahil sa sakit at gutom. Habang si Aling Nenfa ay mas pinili namang sumuko. Lahat ng ginawa ko ay walang kinalaman kung bakit sila namatay." Tumayo ito at tiningnan ako ng deritso sa mga mata. "Hindi ako yung kumuha ng lock sa harang. Lumalabas ako tuweng gabi noong nasa truck pa tayo para maghanap ng putanginang maayos at ligtas na matutuluyan. Tinutukan ko ng baril si Ban dahil ang buong akala ko ay siya talaga ang kalaban. Umaakto ito ng kaduda-duda ng nakaraan kaya naisip ko na totoo talaga ang sinabi niyo. Oo, naisip ko na pabigat lang yung iba sa grupo pero wala sa plano ko na patayin sila. Ngayon kung wala pa rin kayong tiwala sa akin ay wala na akong magagawa." Sinamaan pa ako nito ng tingin bago tuluyang tumalikod at nagpatuloy sa paglalakad at tumigil nang makarating sa gilid ng kabilang bahagi ng bubong. Nakatalikod ito sa amin.

Napakuyom na lang ang mga palad ko at napatingala na lang habang nakapikit ang mga mata. Hinayaan ko lang ang mga luha ko na dumaloy sa pisngi ko.

I'm tired.

I'm in pain.

Please... someone save me.

THE UNKNOWN CITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon