CHAPTER THIRTY ONE

144 8 1
                                    

Heide's POV


Dumating ang umaga at maayos naman ang lahat. Wala namang may umatake sa amin na ipinagpapasalamat ko naman.

Kasalukuyan ko kami ngayong naghahanap ng ligtas na lugar. Kailangang magpatuloy dahil bawat sandali ay mahalaga.

"Anong gagawin natin kapag hindi tayo nakakita ng ligtas na matutulugan ngayon, Heide?" Tanong ni CD na nagmamaneho.

"Makipagsapalaran tayo rito sa labas. Napagdesiyonan namin na ipagpatuloy ang paghahanap ng labasan. Sa umaga ay hahanapin namin ang labasan at sa gabi ay maghahanap naman tayo ng matutulugan. Pero kapag nakahanap tayo ngayong araw. Magpaiwan ang iba ro'n at ang iba na lang ang lalabas para maghanap ng labasan." Pagpapaliwanag ko at nagpagtuloy sa pagkain ng biskwit na hawak ko. Mabuti na lang at naisipan nila Green noon na kumuha ng mga ganitong pagkain. Sa ngayon ay hindi namin magagamit ang bigas dahil wala kaming paglulutuan at wala na rin kaming oras para magluto pa.

"Gusto mo pa ba?" Tunghay nito ng biskwit habang ang paningin ay nasa daan pa rin. Tinaggap ko naman iyon pero ibinigay rin sa mga bata dahil naubos na nila ang mga snack bar na kinakain.

"Paghatian niyong dalawa." Nakangiting saad ko at pinisil ang mga pisngi nila.

"Salamat po." Sabay na saad ng dalawa bago binuksan ang biskwit at hinati.

Ibinalik ko naman ang paningin sa labas. May ilang halimaw na gumagala sa labas at hinahabol kami pero hindi na namin iyon pinapansin dahil masasayang lang ang bala namin. Kailangan naming magtipid sa lahat-lahat.

Nasa unahan naman sila Red at Green kaya hindi sila maabotan ng halimaw.

Panay ang tingin ko sa bawat madaanan pero puro sira lang ang nakikita ko. Sirang building, sirang bahay, sirang store. Lahat ay sira talaga.

This Unknown City is really a place of ruins.

"Magpahinga ka na muna, Heide." Boses iyon ni Green mula sa radyo na nasa bulsa sa dibdib ng jacket ko.

"Ayos lang ako. Magpatuloy na lang tayo sa paghahanap." Sagot ko habang nakatingin sa labas.

"Kami na ang bahala sa paghahanap. Magpahinga ka na muna para may lakas ka kapag may laban tayong nakaharap." Saad pa nito kaya napabuntong-hininga na lang ako.

"Sige na nga. Pero gisingin niyo kaagad ako kapag may nangyaring hindi maganda, maliwanag?" Saad ko at agad namang sumang-ayon ang mga ito. "Matulog na rin kayong dalawa." Sabi ko sa dalawang bata.

"Palagi na lang po kaming nagpapahinga at natutulog. Kami naman po ang magbabantay sa inyo ngayon." Saad ni Ion kaya napangiti na lang ako at pinisil ang pisngi niya bago ipinikit ang mga mata ko.

Pagkapikit ng mata ko ay agad kung naramdaman ang antok. At ang antok na iyon ay dinala ako kaagad sa pagtulog. Halos ilang araw na rin akong kulang sa tulog pero kailangan na manatiling dilat para mabantayan ko ang mga kasama ko.

Sana ay maging maayos lang ang lahat habang tulog ako. Sana ay walang mangyaring masama na ikakapahamak ng kahit isa sa amin.

Matutulog muna ako ng ilang sandali para may lakas ako para makipaglaban kapag may nakasagupa kaming mga halimaw o kalaban mamaya. Lalo pa at tao man o halimaw ay kalaban dito. At minsan ay hindi mo pa alam kung sino ba talaga ang tunay na kalaban.

Ang gusto ko talaga ngayong mangyari ay makaalis na sa lugar na 'to. Gusto ko ng makabalik ngayon sa kinalakihan kung Mundo. Gusto ko na makabalik do'n kasama ang mga kaibigan ko.

Kailangan ko pang balikan si Mommy. Wala na si...ang Tatay ko kaya tiyak na malungkot ngayon si Mommy dahil wala na rin ako ro'n para sa kaniya. Mag-isa na lang ito ngayon. Gusto ko ng bumalik ro'n at yakapin ng mahigpit si Mommy. Humingi ng tawad sa kaniya dahil ginamit ko na naman ang kakayahan ko sa pakikipaglaban para pumatay. Gusto ko na ipakilala sa kaniya ang mga bago kung kaibigan na nakilala rito. Ang dami kung gusto na hindi ko alam kung kahit isa ba ro'n ay magkakatotoo. Ang dami kung hiling na hindi ko alam kung matutupad ba.

THE UNKNOWN CITYWhere stories live. Discover now