CHAPTER FIFTY-SEVEN

115 10 1
                                    

Heide's POV




"At wala ka ng pakialam doon."

Nagsalita si Black ng kung ano at tumigil sa pagtakbo. Natigil din ako sa pagtakbo at nilingon siya pero kasabay n'on ang hindi ko inaasahan na gagawin niya sa akin. Itinulak niya ako ng malakas dahilan para mapaupo ako sa sahig. Kahit hindi ko man makita ang mukha ko ngayon ay alam kung bakas doon ang labis na pagkagulat. Hindi ko inaasahan na gagawin niya iyon sa akin. Ang itulak ako ng gano'n na lamang at tingnan na para bang wala lang sa kaniya ang ginawa niya ay... hindi ko matanggap.

"Huwag mo akong pakialaman kung ayaw mong mapahamak." Saad nito at basta na lamang akong tinalikuran.

Napatitig na lamang ako sa likuran niya habang patuloy siya na lumalayo. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa ginawa niya.

Gusto lang naman kitang tulungan... Bakit ito ang iginanti mo sa akin?

Makaraan ang ilang sandali ay hindi ko na siya nakita pa. Hindi man lang ito lumingon sa akin kahit isang beses man lang. Gano'n ba siya kagalit sa akin para gawin niya ito.

"Heide!"

Isang pamilyar na boses ang tumawag sa akin dahilan para mapabalik ako sa reyalidad. Agad na hinanap ng paningin ko ang sumigaw at nakita si Ban na tumatakbo papunta sa gawi ko.

"Tumayo ka na riyan!" Utos nito matapos akong hawakan sa braso at hinigit patayo. "Bakit mo pa kasi siya binalikan?" Bulong nito bago ako hinila at nagsimulang tumakbo ng mabilis kaya binilisan ko rin ang takbo ko.

Bakit ko nga ba siya binalikan?

Kasi hindi ako ganoon kasama para pabayaan na lamang siyang mamatay ro'n?

Ilang sandali pa ay narating na namin ang pintuan sa likuran ng building. Pero hindi pa man din kami nakakalabas ay may sumugod ng halimaw sa amin. Itinulak ko si Ban palabas at saka ginamit ang katana na hawak para patayin ang halimaw. Pinugutan ko ng ulo ang babaeng halimaw na unang sumugod at sinipa naman ang ikalawang halimaw na gusto rin akong atakehin. Binunot ko ang baril na nakalagay sa holster ko at agad na binaril ang sinipa na halimaw. Paatras kung binaril ang iba pang halimaw na pasugod sa gawi ko. Nang maubos ang bala ko ay saka ako tuluyang lumabas at agad namang sinarado ng mga kasama ko ang pinto.

Andito na kami ngayon sa likuran ng building. Sa labas. Mukhang napatay na nila ang mga halimaw na nadito sa likuran kaya wala na ngayong halimaw rito.

"Ano na ang plano ngayon? Hindi na tayo puwedeng bumalik sa loob." Nagsalita si Gregory.

Hindi muna ako sumagot. Hinanap ko lahat ng mga kakampi ko at nakahinga naman kaagad ako ng maluwag ng makitang nandito silang lahat... maliban kay Black.

Malakas siya kaya siguradong kaya na niya ang sarili niya.

"Wala tayong magagawa. Kailangan nating makipagsapalaran sa labas." Saad ni Green dahilan para magsimula namang magbulungan ang iba.

Tama siya. Wala na kaming magagawa pa. Ang kailangan naming gawin ngayon ay ang makahanap ng bagong ligtas na matutuluyan. Pero kapag hindi namin nagawa iyon ay maglalakad talaga kami habang hinahanap ang labasan. Makikipaghabulan sa mga halimaw. Pipilitin na manatiling buhay. Kailangang maging handa ano mang oras.

Sa dami namin ay tiyak na madali kaming mapapansin ng mga halimaw... na isa pang problema namin. Tsk.

"Paano tayo makipagsapalaran sa labas kung maski pagkain ay wala tayo? Wala rin tayong sasakyan na magagamit dahil nandoon iyon sa harapan ng building kung nasaan ang mga halimaw ngayon." Nagsalita ang isang babae mula sa grupo ni Gregory.

"Kung gano'n ay may naiisip pa ba kayong paraan? Kung mayroon ay puwes gawin niyo. Kayo ang bahalang magdesisyon para sa sarili niyo. Gawin niyo kung ano sa tingin niyo ang tama. Pero kami ay aalis na dahil maya-maya lang ay tiyak na dadami na rin dito ang halimaw. Ang gustong magpaiwan ay puwedeng magpaiwan. Ang gustong sumama ay puwedeng sumama." Muling saad ni Green at naunang naglakad paalis.

Hinawakan ni Ban ang magkabilang balikat ko at iginiya na paalis sa kinaruruunan namin ngayon. Pero hindi pa man din nakakalayo ay nilingon ko na kaagad si Gregory nang maalala ito. Nakahinga ako ng maluwag ng makitang mas pinili nitong sumama sa amin.

Nahati kami. Halos kalahati ang nagdesiyon na manatili habang kami namang kalahati ay nagsimula ng umusad. Tiningnan ko ang oras mula sa relo ko at nakitang 10:34 AM na ng umaga. Kung dati ay halos maligo na kami ng pawis sa ganitong oras, ngayon naman ay parang magyeyelo ka dahil sa lamig. Kung dati ay kailangan mong magsuot ng jacket para hindi masunog ang balat mo, ngayon ay kailangan mong mag-jacket para hindi ka mamatay sa lamig. Nang nakaraan ay nakakasunog talaga ng balat ang init, as in masusunog talaga ang balat mo. Ngayon naman ay parang magkakaroon ka ng frostbite dahil sa lamig. Kulang na lang talaga snow rito para matawag talaga na taglamig ang panahon ngayon.

Pero kahit malamig ay may araw pa rin. Oo, may araw! Actually, maganda ang sikat ng araw kaya maliwanag ang lugar at walang masyadong halimaw. Pero 'yon nga lang... kahit may araw ay parang taglamig pa rin. Nakakabaliw ang temperatura sa lugar na ito.

"Saan na kaya si Black ngayon?" Bago ko pa mamalayan ay naitanong ko na iyon.

"Itinulak at iniwan ka na't lahat-lahat ay hinahanap mo pa rin. Muntek ka na niyang ipakain sa mga halimaw pero siya pa rin ang nasa isip mo?" Boses ni Ban dahilan para mapatingin ako sa kaniya.

Hindi na niya hawak ang mga balikat ko pero nasa tabi ko pa rin ito hanggang ngayon. Bakas sa mukha niya ang pagkainis. Salubong ang mga kilay niya at masama ang tingin.

"Ngayon ay alam ko na talaga na hindi siya puwedeng pagkatiwalaan. Marahil ay siya talaga ang gumawa ng lahat ng masasamang bagay na nangyari ng nakaraan." Dagdag pa nito dahilan para magulat naman ako.

"W-Wala tayong matibay na ebidensya, Ban." Saad ko.

"Hindi ko na kailangan pa ng matibay na ebidensya. Sa ginawa niya kanina ay parang pinatunayan niya na rin kung gaano talaga siya kasama. Tinulungan mo na nga ay iyon pa ang magiging ganti niya." Mababakas talaga sa boses niya ang inis at galit.

Maski ako man ay naiinis dahil sa ginawa niya kanina. Naiinis ako dahil hindi ko siya maintindihan. Bakit kailangan niyang gawin iyon sa akin? Bakit nagagalit siya sa akin, eh, gusto ko lang naman siyang tulungan?

Napabuntong-hininga na lang ako at nagtaas ng tingin. Napunta kay Red ang paningin ko. Mababakas sa kaniya na parang wala siya sa sarili. Napapansin ko mula pa kanina ay parang may kakaiba talaga sa kaniya.

Ano bang nangyari? Bakit ang weird ng mga tao ngayon?

Kahit gusto ko man itong lapitan para tanungin kung ayos lang ba siya ay mas pinili ko na lang na manatili kung nasaan ako. Baka ayaw nitong pag-usapan ang naiisip niya. Baka mainis din ito mamaya sa akin kapag nagtanong pa ako.

Napunta ulit kay Ban paningin ko nang isuot nito sa akin ang jacket niya. "May jacket na ako--"

"Alam kung nilalamig ka pa rin kahit pa may jacket ka ng suot. Suotin mo 'yan. Ayos lang ako. Madaling masanay ang katawan ko sa temperatura ng isang lugar." Saad nito.

"Salamat." Binigyan ko siya ng kaunting ngiti bago ibinalik sa daan ang paningin. "Kailangan nating makapaghanap ng pagkain. Mamamatay tayo sa gutom at uhaw kapag wala tayong nahanap na pagkain o tubig sa loob ng ilang araw."

"Iyon nga ang isa pa nating problema. Sa dami natin ay kailangan nating makahanap ng pagkain na sasapat para sa ating lahat." Nagpakawala ito ng isang malalim ng buntong-hininga matapos sabihin iyon.

Hindi na talaga nawawala ang problema. Kahit saan kami magpunta ay may problema talaga. Especially kapag nandito kami sa labas. Parang lahat kailangan mong problemahin.

"Nakakapagod ang ganito." Bulong ko at nagkawala rin ng isang malalim na buntong-hininga.

It's really tiring...

THE UNKNOWN CITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon