CHAPTER ELEVEN

191 10 0
                                    

Heide's POV


Kinaumagahan matapos na kumain ay agad na nga kaming naghanda para sa paglabas. Yung apat ay may dalang mga malalaking bag. Wala silang dalawang mga armas ngayon maliban na lang sa tig-iisang handgun na nakasukbit sa tagiliran nila. Maliban doon ay wala na.

Nakapag-usap na rin kami ni CD. Naiintindihan niya na ang sitwasyon namin ngayon kaya wala na siyang reklamo.

"Huwag kang lalayo sa akin, maliwanag?" Pangangaral ko sa kaniya.

"Hm. Basta huwag mo akong pababayaan. Sasakalin talaga kita kapag napahamak ako." Natawa naman ako pero tumango pa rin.

"Bakit ko naman ipapahamak ang kaibigan ko. Baliw ka rin eh. Tara na nga sa taas." Aya ko sa kaniya at nauna ng umakyat.

Nang makarating kami sa taas ay nakita naman namin na handa na ang iba naming kasama.

"Sigurado ka ba na kayong dalawa lang ni Black ang magbabantay?" Tanong ni Red.

Tinapos ko naman muna ang pagbabalat ng lollipop at isinubo iyon kay CD bago tuluyang sumagot. "Sigurado ako." Sagot ko at kumuha ulit ng panibagong lollipop.

Wala na ring saysay kung itatago ko pa ang skills ko mula sa kanila. Alam naman na nila iyon at nakita na.

"Handa na ba ang lahat? Aalis na tayo." Imporma ni Black at nang makitang handa na kaming lahat ay lumingon ito kay Manang Nenfa. "Ibaba mo mamaya ang lubid na ito kapag nakita mo kami." Turo sa lubid na nasa gilid. Tumango naman si Manang Nefna bilang sagot kaya bumaba na si Black. Sumunod naman ang iba sa kaniya.

"Boss ba natin yung babaeng 'yon, Heide?" Tanong sa akin ni CD.

"Oo. Parang gano'n na nga. Siya ang pinaka-magaling at pinaka-matalino rito eh." Boss ang tawag sa kaniya ni Red at Green noong unang dating ko rito. Okay lang naman sa akin na maging boss siya namin dahil katangian siya ng isang tunay na boss.

Nang makababa ay dumeritso na ako sa kotse ko at isinama ko si CD at si Green. Habang sa van naman ni Black ay kasama niya ai Red at Mang Edie. Nagtitipid kami ng gas kaya dalawang sasakyan ang dinala namin.

Si Green ang nagmamaneho sa amin habang si Mang Edie naman doon sa kabila. "Matanong ko lang." Napunta naman ang parehong atensiyon namin ni CD sa kaniya nang magsalita ito.

"Ano 'yon?" Tanong ko sa kaniya.

"Kayo bang dalawa eh magkaibigan lang talaga? Pwede niya namang sabihin ang totoo."

Nagkatinginan naman kaming dalawa ni CD at sabay na nagkibit-balikat. "Magkaibigan lang talaga kaming dalawa." Sabay na sagot namin.

Nakita ko namang ngumiwi siya kaya nagtaka naman ako. "Anong bang iniisip mo?" Tanong ko sa kaniya.

"Wala naman masyado. You know...akala ko eh may something kayong dalawa."

"Baliw, wala kaming something. Magkaibigan lang kami ni CD." Natatawang saad ko. Madalas nga kaming mapagkamalan ng mga tao na mag-jowa raw kami dahil sobrang close namin sa isa't-isa.

"Tama. Tama." Tatango-tangong sagot naman ng lalaking katabi ko at pinisil pa ang pisngi ko. "Parang magkapatid na kaming dalawa."

"That's a nice bond. Yung iba kasi ngayon eh magkaibigan but sooner or later eh nagiging mag-jowa rin." May point naman si Green. Kadalasan ang iba ay gano'n na nga ngayon.

"Marami kaming nakakasalamuha na gano'n. Pero malabo atang doon din mapunta ang pagkakaibigan namin ni CD." Nakangiwing saad ko at nagbukas ulit ng panibagong lollipop.

"Matanong ko lang. Bakit ganiyan ang mga pangalan niyo at bakit Blue ang tawag nila sa'yo, Heide?" Tanong ni CD.

Hindi ko pa pala naipaliwanag sa kaniya ang tungkol sa hikaw. "Nakikita mo ang hikaw namin? Kung anong kulay niyan eh 'yan yung level mo at magiging pangalan mo rito. May limang level. Yung Black, yung pinamataas at pinakamalakas. Sunod yung Red, Green at Blue. At ang pina-unang level na madadaanan mo eh yung White. Kagaya mo, white yung kulay ng hikaw mo."  Pagpapaliwanag ko sa kaniya.

THE UNKNOWN CITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon