CHAPTER FORTY FIVE

102 6 1
                                    

Green's POV

Lumipas ang tatlong araw pero nanatiling hindi makausap ng maayos sila Red at Heide. Alam ko ang pinagdaanan nila dahil maski ako ay sobrang nalulungkot din sa pagkawala ng mga bata.

Pero hindi kami puwedeng ganito na lang palagi. Kailangan pa naming pag-usapan ang tungkol sa taong gumawa ng pagpatay.

"Tumayo ka na, Red. Kailangan na talaga nating pag-usapan ang tungkol sa murderer. Baka mamaya ay andito pa rin pala siya sa building na ito at kasama natin." Pilit kung hinihila ang kamay ni Red para bumangon na ito.

"Wala akong gana. Kaya na lang muna ang mag-usap. Balitaan mo na lang ako."

"Ano ka ba?! Kailangan na nandoon ka. Tumayo ka na kasi mula riyan!" Niyakap ko ito at pilit na binuhat pero napahiga na lang din ako dahil hindi ko ito nakayang buhatin.

"Ayaw ko."

"Sasakalin talaga kapag hindi ka pa bumangon, Red." Pagbabanta ko sa seryusong boses. Nanatili lang naman itong tahimik. Bumuntong-hininga na lamang ako at itinigil na ang ginagawa at naupo sa tabi niya.

The whole place was filled with silence and sadness. It's always like this in those three days that has been left. She's skipping meals and always want to be alone. She don't want to talk to anyone. It's the same with Heide. Hindi ito lumalabas mg kuwarto niya at nanatili lang nakakulong doon. Mabuti nga at kinakain pa nito ang mga dinadala kung pagkain sa kaniya. They're so depressed because of what happened. Well, I am too. Pero tinatatagan ko na lang ang loob ko dahil wala naman na kaming magagawa pa para maibalik ang mga namatay at kailangan nila ako ngayon sa mga panahon na ito kaya hindi ako puwedeng maging mahina. Ang importante ngayon ay ang malaman kung sino ang nag-massacre sa lugar na 'to. Kung sino man siya... Ako mismo ang papatay sa kaniya.

Bigla na lang nagsalita si Red dahilan para maaagaw naman ang atensiyon ko. "Masaya pa kaming nag-uusap ni Ion ng araw na iyon bago ako umalis. Masaya pa silang dalawa ni Klara habang kasama ang isa't-isa. Kung sana ay hindi ko na lang sila iniwan. Kung sana ay hindi ako umalis at binantayan na lang sila."

"Baka kung nanatili ka ay wala ka rin dito ngayon, Red. Baka hindi na kita kasama ngayon. Kaya huwag mong sabihin iyan." Malungkot na sabi ko. Gusto na namang kumuwala ng mga luha ko pero ginawa ko ang lahat para hindi iyon tumulo.

Iyakin ako simula pa noon. Pero hindi ako umiiyak tuweng kasama ko ang mga importanteng tao sa buhay ko kasi ayaw ko na malungkot din sila. Umiiyak lang ako kapag mag-isa na lang ako. Masakit pero hindi mas mabuti na rin iyon dahil ako lang ang nasasaktan.

"Pero wala akong nagawa para iligtas sila noong mga panahon na kailangan na kailangan nila ang tulong ko, Green." Nagsimula na naman itong umiyak.

Niyakap ko lamang siya at mabilis na pinahiran ang mga luha ko na kumuwala. "Ipagdasal na lamang natin na nasa maayos na lugar na sila ngayon. Walang sakit at walang pagdurusa." Humigpit ang pagkakayakap ko sa kaniya at nilakasan ang loob para hindi mapahagulhol.

"Gusto ko ng umuwi, Green." Pabulong na sabi nito. Naramdaman ko pa ang maiinit na luha nito na tumulo sa hita ko.

"Makakauwi rin tayo." Sana. Dahil sawang-sawa na talaga ako sa lugar na 'to.

Nanatili pa kami sa gano'ng posisyon ng ilang sandali bago napagdesiyonan na lumabas.  Mabuti at sumama ito. Naabotan namin ang ibang kasama sa baba at kagaya namin ay halatang may mabigat na dinadala rin ang mga ito.

Nailabas na lahat ng bangkay at kahit papaano ay inilibing namin sila. Hindi naman namin puwedeng ipakain na lang ang katawan nila sa mga halimaw sa labas. Parang nilapastangan na rin namin sila kung ginawa namin iyon.

THE UNKNOWN CITYWhere stories live. Discover now