CHAPTER TEN

219 13 0
                                    

Red's POV

"Akala ko ba hindi mo naalala ang nangyari ng nakaraan kung paano mo napatay yung mga halimaw? Eh ano yung kanina, Blue?" Tanong ko sa kaniya. Nakita naming lahat ang ginawa niya kanina. Kung paano patayin lahat ng mga halimaw na humarang sa daanan niya. Kagayang-kagaya ng nakaraan. Wala akong makitang takot sa mga mata niya.

Bumuntong-hininga naman ito at ibinaba ang katana na dala saka tumingin sa akin. "Nakapatay ako ng tao dahil sa kaalaman ko sa paggamit ng katana." Seryusong saad niya dahilan para matigilan naman ako. "Kaya ako natatakot na gamitin ang kaalaman ko dahil baka makapatay na naman ako. At nung nakaraan ay nakapatay nga ako. Sobrang dami pa. Kaya noong tinanong mo ako ay nagsinungaling ako at sinabing hindi ko naaalala ang nangyari. Ayaw ko naman na talagang balikan ang dati kung sarili. Pero kanina nang makita ko yung kaibigan na kamuntek ng kainin ng buhay ng mga halimaw na iyon ay nawala na lahat ng takot ko. Takot ko na makapatay at ang takot ko sa mga halimaw na iyon. Ang tanging iniisip ko lang ay mailigtas ang kaibigan ko. Gano'n din ang iniisip ko ng nakaraan kaya ko nagawa iyon. Dahil gusto ko kayong iligtas." Hindi ako nakapagsalita dahil sa mga narinig ko. Nakatitig lang ako sa kaniya. "Pero mukhang bumabalik na naman ako sa dating sarili na kinalimotan ko."

"N-Nakapatay ka ng tao dati?" Tanong ko sa kaniya.

"Yeah. I killed my father. He betrayed me and my mom. Nagka-anak siya sa ibang babae. In so much anger, I just knew that I already stabbed him with my katana. Walang may nakaalam nun maliban sa pamilya namin. Itinago namin ang lihim na iyon ng matagal na panahon. Kinalimotan ang nangyari. Pero ngayon alam niyo nang lahat." Nakatingin na ito sa likod ko kaya napalingon naman ako at nakita na andoon na lahat ng kasama namin. "Kaya nung napunta ako rito hindi na ako masyadong nagreklamo tungkol sa sitwasyon. Dahil alam ko naman na bagay talaga akong mapunta rito."

"Bakit mo sinasabi 'yan?! Walang deserving na mapunta sa impyernong lugar na ito, Blue." Sigaw ko.

"That's odd. Bakit pala ako nandito kung hindi ko naman pala deserve na mapunta sa lugar na kagaya nito?"

Pinaningkitan ko naman siya ng mga mata at balak sanang magsalita pero inawat na kami ni Green.

"Stop it already. Magkakampi tayong lahat dito. Huwag naman kayong mag-away." Agad na pumagitna si Green sa aming dalawa.

Malakas na bumuntong-hininga si Blue saka nahilot ang sentido. "I'm sorry."

"Huwag mong isipin na huhusgahan ka kaagad namin, Blue. Hindi kami ganoong klase ng tao. Hindi ka rin naman namin pwedeng husgahan na lang dahil lang sa sinabi mo. Hindi namin alam ang mga nangyari at wala kaming alam sa mga nangyari. Alam kung may rason ka kung bakit mo nagawa 'yon. Pero yung isipin mo na deserving ka para mapunta sa impyernong lugar na 'to? Ibang usapan naman ata 'yon. Pero alam mo, mamamatay tao lang naman tayong lahat dito eh." Naiiling na saad ko saka bumuntong-hininga. "Yung mga halimaw na pinapatay natin eh mga dating tao rin  naman sila. Kahit sabihin nating mga halimaw na sila ngayon ay hindi natin maitatanggi na dati silang naging tao. At ngayon, pinapatay natin sila. Mamamatay tao na tayong lahat."

"Red..."

"Huwag mong isipin na pinapagaan ko lang yung loob mo kaya ko 'to sinasabi. Ito yung tunay na nararamdaman ko. Sinabi ko na sa sarili ko na mamamatay ako simula nung una akong makapatay ng halimaw. Pero kahit mamamatay tao o hindi eh wala naman ding magbabago. Andito na tayo. Hindi na tayo makakalabas pa sa lugar na 'to kaya wala na ring silbi kahit pa anong klase tayo ng tao."

"Itigil na muna natin ang usapang 'to. Blue maglinis at magbihis ka na muna. Puno ka ng dugo." Tumango naman ito at tumalikod at dumeritso sa banyo.

Napabuntong-hininga na lang ako saka nahawakan ang leeg. Ngayon alam ko na kung bakit siya nagsinungaling ng nakaraan.

THE UNKNOWN CITYWhere stories live. Discover now