CHAPTER FIFTY-ONE

90 6 0
                                    

Heide's POV




Ginamit namin ni Ban ang maliit na siwang ng pintuan para doon tingnan kung ano ang nangyayari. Pero pareho rin kaming natigilan nang makita ang nangyayari sa loob. Si Black ay mahimbing na natutulog habang mayroong isang tao na nasa harapan niya at may hawak ito na kung anong bagay na hindi ko makilala dahil medyo madilim sa loob ng kuwarto. Liwanag mula sa lampara na hindi gaanong maliwanag ang tanging liwanag sa loob ng kuwarto dahil nakapatay na yung ilaw.

Pero walang duda na nasa panganib ang buhay ni Black ngayon.

Bago pa may masamang mangyari sa kaniya ay malakas ko ng binuksan ang pinto para maagaw ang atensiyon ng tao na nasa loob at matigil siya sa paggawa ng masama kay Black. Nakataas na ang kamay nito sa ere at ay may hawak siyang bagay at mukhang iyon ang balak niyang gamitin sa babae na natutulog.

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?!" Sigaw ko sa kaniya.

Gulat na gulat ito habang nakatingin sa amin. Mukhang hindi niya inaasahan ang presensya namin.

"What's happening here?" Tanong ni Black na bumangon at agad na naging alerto nang makita ang lalaki na nakatayo sa hindi kalayuan mula sa kaniya. Walang ano-ano'y tinutukan nito ng katana ang lalaki. "Anong balak mo? Bakit ka nandito?"

Binuksan ni Ban ang ilaw at doon ko tuluyang nakita ang hawak ng lalaki. "You..." Parang bigla na lang napunta lahat ng dugo sa ulo ko. Kumuyom ang mga kamay ko at nag-flashback lahat sa akin ang nangyari ng nakaraan. "You!" Sinugod ko ito at agad na sinakal. "You're the one who murdered everyone!" Galit na saad ko at mas lalong diniinan ang pagkakasakal sa kaniya.

"A-Anong sinasabi mo?"

"Huwag ka ng magdahilan! Nasa kamay mo na mismo ang ebidensya!" Hawak-hawak nito ang kaparehong tinidor na ginamit bilang murder weapon. Katulad din iyon ng nakita namin ni Gregory. May mga natuyong dugo pa nga iyon hanggang ngayon.

"A-Anong ibig mong sabihin? H-Hindi 'yon katulad ng iniisip mo--"

"Huwag ka ng magdahilan pa kung ayaw mong bumilis ang pagkawala mo sa mundo." Tinutukan ko ito ng baril sa mismong ilalim ng baba niya dahilan para maski ang lumunok ay hindi niya magawa.

"Is that the guy who murdered everyone? Is he the culprit?" Lumapit si Black at kinuha ang tinidor mula sa lalaki. "A fork..."

"No doubt. And now he's planning to kill you too."

"With a fork?" Tanong nito at bahagyang nakakunot ang noo.

"Yes, a fork, Black. A fork that killed hundred of people." Seryusong saad ko at itinulak ang lalaki dahilan para mapaupo ito sa sahig. "Why did you do that? Bakit mo sila pinatay, huh?!" Galit na tanong ko sa kaniya habang nakatutok pa rin sa kaniya ang dulo ng baril ko.

"W-Wala akong pinapatay. Hindi ko alam ang sinasabi mo." Pagtanggi nito at panay ang lingon sa paligid, hindi makatingin sa akin ng deritso. Mukhang humahanap ng tiyempo para makatakas.

Humigpit ang hawak ko sa baril. Kumukulo ang dugo kapag naalala na ang lalaking ito ang dahilan bakit namatay ang mga bata na mahal na mahal ko. Wala silang kasalanan para danasin ang kamatayan. Pero dahil sa hayop na ito ay namatay sila at nagdusa. Dahil sa kaniya ay daan-daang tao ang nawala. "Bakit mo 'yon ginawa? Bakit mo sila pinatay? Wala silang ginagawang masama sa'yo..."

"Hindi ko alam ang sinasabi mo. Wala akong alam. Wala akong pinapatay." Patuloy sa pagtanggi nito.

"Wala?! Eh, ngayon-ngayon lang ay may balak ka na naman sanang patayin kung hindi kami dumating, putangina ka! Aminin mo na lang para mapatay na kita kaagad, hayop ka!" Galit na sigaw ko habang dinuduro siya ng baril. "Anong balak mo, ha? Balak mo ba kaming ubusin? Balak mo ba kaming patayin lahat?"

THE UNKNOWN CITYWhere stories live. Discover now