CHAPTER TWENTY SEVEN

159 5 0
                                    

Red's POV



Dumaan ang tatlong araw at nanatili lang kami sa kuta namin. Hindi kami lumabas. Wala rin naman kaming kailangan sa labas at isa pa, kailangan din ni Heide na magpahinga dahil sa pagkawala ni Jay.

Alam kung kahit na umaakto ito ng normal ay hindi pa rin ito ayos dahil sa pagkawala ng mga kasamahan namin. Dahil maski ako man ay naiisip pa rin iyon hanggang ngayon.

Sa ngayon ay andito lang kami sa rooftop. Kasama ko si Heide na nakatingin sa siyudad. A city of Ruins. The Unknown City. Nakakapagtaka pa rin ang ilang mga bagay rito.

Unang-una ay yung entrance at exit sa lugar na 'to. Walang gano'n dito. Hindi nag-e-exist 'yon. Nakakapagtaka rin yung building sa gitna ng siyudad. Iyong building kung saan may malaking screen na ipinapalabas kung sino ang susunod na mapupunta rito. May mga bantay din sa loob niyon at ang depensa sa palibot ay tiyak na walang makakapasok, tao man o halimaw.

Nakakapagtaka rin kung bakit nangyayari ang lahat ng ito. Wala na ba talagang magawa ang mga tao kaya naisipan nila ang ganito?

Hindi ko na alam ang mga sagot sa mga iyon. Kapag mas lalo kung iniisip ay mas lalo lang din akong naguguluhan at nagtataka.

Napalingon naman ako sa gawi ni Heide nang mapansin na kinuha nito ang sniper na siyang ginagamit dati ni Jay nang nabubuhay pa siya. Pumwesto ito matapos na maipuwesto ang baril. Naghintay naman ako at pinagmatyagan kung may babarilin ito pero nakakalipas na ang ilang minuto ay wala namang nangyari. Nanatili lang ito sa puwesto niya ba para bang may tinitingnan lang ito mula sa telescope ng baril na hawak.

"There they are again." Pabulong na saad nito pero narinig ko pa rin.

"Sino?" Tanong ko at sinubukan tanawin ang tinitingnan niya pero hindi ko makita. Siguro dahil na rin sa layo..

"Yung mga taong nagpahamak sa atin nang nasa kuta tayo nila Ban." Sagot nito dahilan para matigilan naman ako.

"Yung nagmamaneho ng ice cream truck?" Tanong ko rito. Nagtaas naman ito ng tingin at inilagay sa isang gilid ang sniper.

"Oo. Ilang araw ko na rin silang pinagmamatyagan pero paulit-ulit lang ang ginagawa nila." Sagot nito habang nakatingin sa malayo. Para bang nakikita nito ang mga taong pinag-uusapan namin doon sa lugar na tinitingnan niya ngayon.

"Ano bang ginagawa nila?" Curious na tanong ko.

"Magpapaingay. Maghihintay. Papatay ng mga halimaw. Aalis. Paulit-ulit lang 'yon sa mga nagdaang araw. Para bang iyon lagi ang ginagawa nila. Ang ipinagtataka ko lang ay kung bakit nila tayo dinamay ng nakaraan. Trip lang ba nila 'yon o sadyang nasama lang talaga tayo sa plano nila kaya tayo nadamay? Ewan. Hindi ko na alam ang iisipin ko." Sagot nito at bumuntong-hininga ng malalim saka tumingin sa gawi ko. "Hindi mo ba sila kilala? Yung isa sa mga sakay ng ice cream truck ay babae na nakamaskara. May hawak silang mahahaba."

Napakunot naman ang noo ko at umiling. "Wala pa akong nakikilala o nakikitang gano'n dito. Siguro ay bago lang sila rito kaya hindi ko pa sila nakikita rati o sadyang matagal na sila rito pero hindi ko lang talaga sila napapansin." Saad ko at ibinalik ang paningin sa harapan. "Maliban kay Black ay wala na akong nakikitang mga taong may tabing ang mukha rito." Dagdag ko pa.

"Malalaman din natin kung sino sila. Hindi impossible na hindi natin ulit sila makita o makasagupa." Seryuso ang boses ni Heide.

"Sa tingin mo ba ay... kalaban sila?" Tanong ko sa kaniya at doon na siya nilingon ulit.

"Hindi ko alam. Hindi ako sigurado." Iyon lamang ang sinagot niya saka tinapik ang balikat ko at umalis na at pumunta sa tenth floor.

Napatitig naman ako ng ilang sandali sa likuran ni Heide. Meron sa tono ng boses niya na hindi ko maipaliwanag.

THE UNKNOWN CITYTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang