CHAPTER FORTY

114 8 0
                                    

Red's POV



"Alis na kami." Saad ni Green at tinapik ang balikat ko.

"Mag-iingat kayo." Tiningnan ko pa ang pag-akyat nila sa mga dala na sasakyan at pag-alis bago tuluyang tumalikod at pumasok na sa loob ng building. "Sana maayos kayong makabalik." Bumuntong-hininga pa ako bago dumeritso sa mga bata na tumutulong sa pagbubuhat ng mga gamit na dadalhin sa taas. Tumulong din ako sa pagbubuhat dahil wala rin naman akong ginagawa.

Mas pinili ko na magpaiwan dahil alam ko na magiging maayos sila kahit na hindi na ako sumama. At isa pa ay kailangan ko rin na bantayan ang mga bata dahil baka bigla na lang sumugod ang mga halimaw. Hindi rin ako masyadong sigurado kung mapagkakatiwalaan ba talaga ang mga tao rito. Oo, mabait sila sa amin pero dahil iyon kay Heide na iniisip nila na susi para makalabas sa lugar na 'to. Habang nandito ako ay mababantayan ko ang galaw ng mga tao rito at makikita ko kung puwede ba talaga silang pagkatiwalaan o hindi.

Gusto kung makita kung ano ang ikikilos nila habang wala si Heide. Gusto kung makita kung ano ba talaga silang klase ng tao.

"Matagal na ba kayong magkasama ni Heide?"

Napakurap-kurap ako dahil sa isang tanong na iyon. Nilingon ko ang taong nagtanong at nakita si Manang Ida na isang blue.

"Medyo matagal na rin." Nakangiting sagot ko habang ang mata ay nasa harapan dahil kasalukuyan kaming umaakyat ng hagdan.

"Sa tingin mo ba ay isasama talaga kami ni Heide sa paglabas?" Panibagong tanong nito.

Natigil ako sa paglalakad at nilingon ito. Tinitigan ko na para bang binabasa ang laman ng isip niya. Mukhang nahalata niya iyon kaya tumigil din ito at hinarap ako.

"Kahit pa trinatrato namin siya ng maayos at binibigay ang mga kailangan niya ay hindi ko pa rin maipagkakaila na ginagamit namin siya. Ginagamit namin siya para makalabas sa lugar na 'to dahil siya lang ang nakikita naming paraan para makatakas dito. Kaya sa tingin mo, isasama niya kaya sa paglabas niya ang mga kagaya namin na ginagamit siya para mailigtas ang mga sarili?" Malungkot itong ngumiti at napayuko. "Kailangan kung makabalik sa mga anak ko. Kailangan nila ako. Masyado pa silang mga bata. Hindi ko alam kung ano ang posible na mangyari sa kanila kapag hindi kaagad ako nakabalik."

"Mabuting tao si Heide. Hindi siya yung tao na mang-iiwan basta-basta lalo na sa mga taong tinulungan siya. Kapag nakalabas so Heide rito ay makakalabas din kayo." Saad ko at nagpatuloy na sa pag-akyat. "Sa mundong 'to ay kailangan mo talagang gamitin lahat ng naiisip mong paraan para mabuhay at makaalis, as long na hindi ka nakakasakit o nakakapinsala sa iba. At sa lagay niyo ay tinulungan niyo kami. Pinakain, pinatira rito at binigyan ng maayos na damit at matutulugan." Dagdag ko pa at napangiti na lamang.

Siguro nga na ang iba sa kanila ay puwede naming pagkatiwalaan...

Pero kailangan ko pa rin na matingnan ang iba para makita kung karapat-dapat ba silang bigyan ng tiwala.

Nang makarating sa taas ay inilagay namin ang mga dala sa stock room. Mga pagkain at mga gamit ang dala namin na nakuha ng mga taong lumabas kahapon. Isang paglabas lang nila ay marami na silang nakuhang pagkain at mga gamit. Halos nasa trenta sila na umaalis para lumabas kaya hindi na nakakagulat na marami silang nakukuha pero nakakahanga pa rin dahil buhay silang lahat na nakakabalik. Siguro dahil umaga at may sasakyan sila kaya gano'n. Parang sila Ban lang din dati.

"Matagal pa po ba bago makabalik sila Kuya Ban, Ate?" Tanong ni Klara.

"Baka matagalan pa sila bago makabalik dito. May kailangan ka ba sa Kuya Ban mo, Klara?" Lumuhod ako sa harapan nito at inayos ang suot na damit niya na nagkatupi-tupi na dahil sa pakikipaglaro kanina sa ibang mga bata.

THE UNKNOWN CITYWhere stories live. Discover now