CHAPTER TWENTY ONE

156 7 0
                                    

Jay's POV



"Paano kayo nakalabas ni CD?" Tanong ni Blue sa akin nang naging matiwasay na ang biyahe namin.

"Nang makita namin na may mga halimaw na ay agad na kaming umalis sa kinaruruunan namin. Hinanap namin kayo pero hindi namin kayo nakita kaya dumeritso na lang kami sa labas at doon nagtago. Alam naman namin na magiging ligtas kayo at makakalabas kayo kaya hinintay lang namin kayo sa kotse." Pagpapaliwanag ko.

Kanina habang nakamanman sa galaw ng leader ng mga walang utak ay may biglang sumigaw. At kasunod nun ay may halimaw ng pumasok. Agad na kaming umalis ni CD sa kinaruruunan namin at hinanap ang ibang kasamahan. Pero sa gitna ng paghahanap ay mas lalo namang dumami ang mga halimaw at hindi na namin kayang patayin lahat ang mga ito kaya napagdesiyonan na lang namin na lumabas at pumunta sa kotse. Mabuti na lang at ligtas naman kaming nakarating. Naisip namin na sa kotse na lang magtago at hintayin ang mga kasama dahil sigurado namang makakalabas sila ng buhay.

Masyado silang magaling para mamatay kaagad.

Ilang ulit din kaming nag-plano ni CD na balikan sila sa loob hindi na rin natutuloy dahil sa sobrang rami nga ng halimaw na nasa loob at maski sa labas. Kapag lumabas kami ay tiyak ang katapusan namin. Lalo pa at papaubos na ang bala ko at gano'n na rin si CD.

"Mabuti at ligtas kayong lahat." Saad ko pa habang nakatingin sa nagmamaneho.

"Kayo rin. Masyadong malaki na ang pinagbago mo, Jay. Mentally and Physically." Nakangiting saad nito habang ang paningin ay nasa daan.

"Masyadong magaling ang nagtuturo sa akin kaya wala akong magawa kung hindi ang pag-igihan na gumaling din." Sagot ko naman at nayakap ang sniper ko.

Dahil sa mga itinuro sa akin ng mga taong 'to kaya ako nabubuhay hanggang ngayon.

"Bakit niyo nga pala kasama ang leader ng mga walang utak, Blue?" Tanong ko nang maalala ang lalaking kasama nilang lumabas. Nasa Van ito ngayon kasama sila Black at CD.

"Sumama eh. Mapapakinabangan din natin siya kaya ayos na rin kahit na sumama siya. Alam niya kung saan ang mga baril kaya tiyak na magagamit natin siya. Maski iyon man lang ang maitulong niya sa pagliligtas namin sa buhay niya at sa pagkupkop natin sa kaniya."

"Masyado ka talagang praktikal kung mag-isip, Blue. Iniisip mo talaga ang mga bagay-bagay bago ka magdedesisyon."  Umiiling-iling pa ako.

"At tama naman ang pagiging praktikal ko. Kagaya sa'yo. Kinuha ka namin dahil alam namin na mapapakinabangan ka. Hindi man kaagad pero darating din ang oras. Napapakinabangan ka rin namin sa ibang gawain. At nakita naming may silbi ang lalaking iyon kasama hinayaan siya naming sumama. Hindi rin naman namin maaatim na pabayaan na lang ang iba na maghirap. Nag-iisip kami ng praktikal pero iniisip din namin ang iba." Saad niya naman kaya lihim na lang akong napangiti.

"Marami ka ng nailigtas, Blue."

"Dahil naranasan ko na rin na iligtas. Gusto ko rin na makatulong sa iba. Mukhang mapapakinabangan din naman natin ng mabuti yung Ban na iyon kaya ayos na rin." Itinigil niya na ang sasakyan dahil nakarating na kami sa building kung nasaan kami nakatira.

Lumabas na kami sa kotse at may nagbaba naman kaagad ng lubid. Napataas naman ang tingin namin at nakita ang isang tao na may hawak na flashlight at iniwawagayway iyon.

Itinali na ng mga kasama ko ang mga bag na dala at may humatak naman kaagad sa mga iyon. Nauna na kaming umakyat habang nagpaiwan naman si Green at Blue para sila ang magtatali sa iba pang mga bag na naiwan sa baba.

Nang tuluyang makaakyat ay nagtulong-tulong naman kami para mapabilis ang paghahatak ng lubid na siyang kinalalagyan ng bag. Nang tuluyang maubos na maiakyat ang apat na bag ay umakyat na rin ang dalawa. Pero bago iyon ay may mga halimaw pa silang binaril habang umaakyat. Namataan ata sila.

THE UNKNOWN CITYWhere stories live. Discover now