CHAPTER FIFTY-EIGHT

115 7 3
                                    

Black's POV



Hanggang ngayon ay tulala pa rin ako. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari. Naghintay ako at nagbabasakali na baka nahuli lang akong bigyan ng mensahe ng mga leaders pero ilang oras na akong naghihintay ay wala pa rin. Wala ata talaga silang plano na padalhan ako.

"I fool my comrades but my colleagues also fool me. What a cruel place can this be." Natawa na lang ako habang lutang na nakatingin sa mga kamay ko na puno na ng dugo at namamanhid na.

Andito ako ngayon sa isang lumang gusali. Napatay ko na lahat ng mga halimaw na nandito kaya ako na lang ang natitirang nandito ngayon sa lugar na ito.  Ito ang unang lugar na nakita ko  kaya dito na lang muna ako nanatili. Hindi ko na alam kung nasaan sina Heide. Wala akong pakialam. Mas nagagalit ako ngayon sa mga lintek na leaders na iyon kesa kay Heide at sa mga kasama niya.

Lintek lang ang walang ganti. Papatayin ko talaga ang mga traidor na iyon kapag nakita ko sila. Uubusin ko ang tuwa ko habang linalagutan ko sila ng buhay isa-isa. Ipapakita ko sa kanila kung sino ang trinaidor nila.

Pare-pareho lang lahat ng tao. Manggagamit, manloloko at masama.

Walang mabuti sa lugar na ito.

Mukhang ito na ang kabayaran sa panggagamit ko sa mga kasama ko. Ginamit din ako ng mga pisteng leaders na iyon.

Pero hindi ako papayag.

Hindi ko pa nakikitang nagdudusa ang mga taong nagpahirap sa akin noon. Hindi ako puwedeng sumuko. Kailangan ko muna silang pagbayarin. Kailangan kung makalabas sa lugar na 'to kahit anong mangyari. 

Nakita ko na kung paano magdusa si Heide. Ilang beses na siyang namatayan at halos mabaliw.  At tiyak akong mas lalo pa siyang magdudusa kapag naging pawn na rin siya. Kaya nga gustong-gusto ko ng dalhin siya sa mga leaders, eh.

Ngayon ay gusto ko ng makalabas sa lugar na ito para ang pamilya niya naman ang pahihirapan ko.  Gusto kung ipatikim sa kanila ang impyerno. Gusto ko silang magbayad sa lahat ng paghihirap na ginawa nila sa akin noon. Kailangan nilang magbayad!

My mom and I were not accepted in our clan. Maybe because we came from poor, weak and fragile family, that's why. We did our best to suit to their standards but it looks like  they don't really want us.

Kami yung naunang maging pamilya ni dad pero kami pa yung parang naging sabit. Para bang si mommy pa yung kabit. Dahil anak ng leader ng clan ang bagong asawa ni dad ay wala kaming naging laban. Tapos si dad ay ang bagong pamilya ang napiling kampihan. Habang kami ni mom ay napagdesiyonan na itakwil ng clan. Marahil ay dahil mula noon ay ayaw na talaga nila sa amin.  Oo, kami yung tunay na pamilya pero parang kami pa yung lumabas na masama. Para bang kami pa yung nanira ng pamilya. Pinaalis kami sa clan ng gano'n-gano'n na lang. Kinalimutan na para bang kami ay wala lang.

Hindi namin kasalanan na wala kaming alam ni mom tungkol sa paghahanap ni dad ng bago. Hindi rin namin alam na nagbunga pa pala 'yon. At dahil ang pamilyang iyon ay mula sa anak ng leader ng clan, sila ang mas napiling panigan ng lahat na manatili sa lugar namin. Sila ang pinili ng lahat. Habang kami na wala namang ginawang masaya ay ang itinakwil.

Well, hinihintay lang naman nila na magyari iyon. Hinihintay lang talaga nila na magkamali kami para mapaalis kami dahil mula pa noon ay ayaw na nila sa amin. Sa totoo, ay hindi naman kami nagkamali.

Pinaalis kami sa sarili naming bayan kaya napunta kami ni  mom sa Pilipinas. Oo, hindi pa sila nakontento na paalisin kami sa buhay ni dad at sa clan dahil pati sa sarili naming bayan ay pinaalis din kami.

THE UNKNOWN CITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon