CHAPTER FIFTY-THREE

97 7 1
                                    

Ban's POV



Habang pababa ako ay nakita ko si Heide na parang wala sa sarili niya habang naglalakad. Marahil dahil sa nangyari kahapon. Nalaman na namin kung sino ang pumatay sa mga bata at namatay na rin ito. Pero kahit namatay rin ito ay hindi na niyon maibabalik ang buhay na kinuha niya.

Bumuntong-hininga pa muna ako bago tuluyang nilapitan si Heide. Pinitik ko ang tainga nito mula sa likuran. Agad naman itong napahiyaw dahilan para matawa ako ng malakas lalo na nang lumingon ito at binigyan ko ng masamang tingin habang nakanguso pa.

"Good morning." Tatawa-tawang bati ko sa kaniya.

"Good morning din pero may kasama ng sama ng loob." Sabi nito at sinundot ang gilid ko.

"Aray!" Angil ko.

"Tsh. Puwede ka ng artista." Sigaw nito dahilan para matawa naman ako ulit. "Sige, tawa pa."

Tumigil ako sa pagtawa at tumingin lang sa kaniya. "Sino ba ang tumatawa?" Kunwaring seryuso na tanong ko.

"Alam mo, nakukuha mo na ang ugali ni Crimson Dale, Ban. Kaunting-
kaunti na lang ay magkapareho na talaga kayo ng ugali." Pinanlakihan pa ako nito ng mata.

"Bakit biglang nasali si CD sa usapan?" Kumunot ang noo ko at tinitigan ang mukha niya.

"Pareho kasi kayong baliw." Sigaw nito at naunang naglakad.

Baliw? Me? What the heck?

"Hoy, Heide! Hintayin mo ako!" Sigaw ko at hinabol ito na agad ko rin naman na naabotan. "Hindi ako baliw, ah."

"Baliw ka, hindi ka lang na-inform ng sarili mo." Sabi nito kaya natawa na lang ako. "Ayan, sintomas na 'yan na nababaliw ka. 'Yang pagtawa-tawa na ganiyan, iba na 'yan."

"Anong mali sa tawa ko?" Tanong ko habang nakatingin sa kaliwang parte ng mukha niya. Nakatagilid ito at nasa daan lang ang paningin kaya ang kaliwang parte lang ng mukha niya ang nakikita ko.

"Parang tawa ng baliw." Simpleng sagot niya.

"Example nga." Pang-uuto ko sa kaniya.

"Hindi ako bata para mauto mo, Aesk." Nilingon ako nito at inirapan.

"Anong hindi bata? You're still a kid, Heide." Nakangising sabi ko.

Tumigil ito sa pagbaba sa hagdan at tuluyan akong nilingon habang nakabuka ang bibig. Mukhang hindi ito makapaniwala sa sinabi ko. Natawa na lang ako dahil ang epic ng reaksiyon niya.

"What the hell?! I'm not a kid anymore, Aesk! I'm already eighteen." Sabi nito habang nakaturo sa sarili.

"You're still a kid to me." Nagkibit-balikat pa ako para mas lalo itong inisin.

"H-Hoy, anong bata, ah?! I'm turning nineteen kaya. Matanda na ako."

"Ows? Hindi ako naniniwala. Feeling ko nga ay sampu ka pa lang, eh." Natatawang sabi ko pero agad din na napaiwas ng balak sana ako nitong hulihin.

"Grabe ka na, ah! Una ka lang na ipinanganak ay ginaganiyan mo na ako." Ngumuso muna ito bago ako sinimangutan. "Matanda!" Basta na lamang itong tumalikod at padabog na bumaba.

Natawa na lang ako habang hinahabol ito. Ang saya rin na inisin ang isang 'to, eh. Lumalabas ang pagka-childish side niya minsan. "Binibiro ka lang, eh." Sabi ko nang nasa likuran na niya ako.

"Ang pangit mong magbiro. Hindi ka papasang clown." Sabi nito.

"Paano kapag sa'yo ako nag-apply? Tatanggapin mo naman ba ako?" Tumabi ako sa kaniya at sumabay sa pagbaba.

THE UNKNOWN CITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon