CHAPTER SIXTEEN

181 9 1
                                    

Jay's POV



"Tingnan mo yung mga expiry date na nakalagay." Utos sa akin ni CD na siyang kasama ko sa paglalagay ng de lata sa bag na dala niya. Ibinaba ko naman muna ang hawak na armas at nagsimulang tulungan ang lalaking kasama pero panay naman ang tingin ko sa paligid dahil kailangan maging alerto.

Matapos na mapuno ang luggage bag ng mga de lata ay sunod naman naming kinuha ang mga pack ng mga bigas. Nasa pack ito nakalagay na naglalaro sa limang kilo. Limang bag ang nilagay namin sa back pack na dala niya. "Kaya mo bang buhatin lahat 'yan?" Nakangiwing tanong ko sa kaniya.

"Kakayanin." Sagot nito at napagdesiyonan na tulungan na ang iba. Habang ako naman ay hinanap si Blue at Black. Pero agad akong natigilan ng makita ang mga ito sa entrance at pinapatay lahat ng halimaw na sumusugod. Parehong katana ang gamit ng mga ito sa pakikipaglaban. Sa bilis ng galaw nila ay napapanganga na lamang ako. Sa talim ng kanilang sandata ay napuputol na lang ang parte na matamaan nito.

Humigpit naman ang hawak ko sa dalang armas at napababa na lang ang tingin dito. Masyado silang magaling sa pakikipaglaban. Gusto ko rin na matuto at gumaling pa...

"Jay!" Napataas naman ng tingin matapos na marinig ang boses ni Blue na tinawag ako. "It's your time. Kill them." Utos nito dahilan para matigilan naman ako at agad na umiling.

"Hindi ko kaya..." Mahinang saad ko at mas lalong humigpit ang hawak sa baril.

"Ako mismo ang papatay sa'yo kapag hindi mo sila napatay!" Galit na sigaw nito dahilan para matakot naman ako.

Base sa ginawa nito sa halimaw ay hindi malayong patayin din ako nito kapag hindi ko ginawa ang sinabi niya.

Magagawa ko kaya 'to?

Kaya ko kaya?

Paano kapag hindi ko pala kaya?

"Bilisan mo, Jay! Kakainin ka nila kapag hindi mo sila pinatay." Sigaw ulit ni Blue na ngayon ay nasa likuran ko na kasama si Black. Bigla na lang nilang isinarado ang pinto ng supermarket dahilan para maiwan akong nasa labas.

Kakainin nila ako kapag hindi ako gumalaw...

Pero natatakot ako...

Pero gusto ko pang mabuhay!

Agad naman akong pumwesto at inasinta ang mga halimaw na pasugod sa akin. Nanginginig ang kamay ko dahilan para hindi ko ang mga ito maasinta ng maayos. Basta ko na lang na kinalabit ang gatilyo at sa paa natamaan ang halimaw kahit na sa ulo ko ito inasinta.

"Hindi ganiyan ang itinuro namin sa iyo, Jay! Ayusin mo!"

"Sinusubukan ko!" Naiinis na sigaw ko pabalik at parang maiiyak na dahil sa kaba at takot na nararamdaman. Pakiramdam ko ay nanginginig ang buong katawan ko.

"Kumalma ka." Utos ni Blue at sinunod ko naman iyon. Ikinalma ko naman ang buong kung sistema. "Asintahin mo ng mabuti ang target." Saad pa nito na agad ko rin namang sinunod. Mula sa telescope ng baril ay inasinta ko ng mabuti ang kalaban. "Kapag napagdesiyonan mo na kung saan mo babarilin ang target ay saka mo kalabitin ang gatilyo." Pagtuturo niya pa sa akin. Maayos ko ng naaasinta ang ulo ng halimaw na pasugod sa akin. Huminga pa muna ako ng malalim saka kinalabit ang gatilyo.

Nakita ko naman kung paano natumba ang halimaw na binaril ko at bumaon sa noo nito ang bala na nanggaling sa baril ko.

"Ngayon, gawin mo ulit ang mga ginawa mo sa mga natitira." Lumingon naman ako sa kaniya saka tumango at nagpatuloy sa pagpatay sa mga halimaw na pasugod sa akin. Ginawa ako lahat ng iniutos nito at kahanga-hangang napatay ko lahat ng halimaw.

Habol-habol ko naman ang hininga ko nang tuluyan ng naging ligtas ang buhay ko dahil napatay ko na ang lahat ng zombie na gusto akong kainin.

"Good job." Saad ni Blue at tinapik ang balikat ko.

THE UNKNOWN CITYWhere stories live. Discover now