CHAPTER FIFTY-FIVE

89 4 0
                                    

Red's POV


Mas pinili ko na lamang na manatili na kuwarto dahil parang tinatamad ako ngayong lumabas. Parang biglang sumama ang pakiramdaman ko. Marahil ay dahil sa klima ng lugar na ito. Sobrang lamig talaga ngayon, as in. Kulang na lang ay snow para matawag na winter ang panahon dito.

Nakasuot na ako ng makapal na jacket tapos may kumot pa ako na makapal din pero nilalamig pa rin talaga ako. Nasa negative zero degrees na ata ang lamig dito ngayon, jusko.

Wala na rito si Green. Marahil ay kasama na naman niya si CD. Napapansin ko nitong mga nakaraan ay palagi silang magkasama na dalawa. They get along so well. Kahit pa na palagi silang parang aso't pusa ay nakikita ko naman na masaya silang dalawa kapag kasama ang isa't-isa. They enjoy the company of each other.

Gano'n din si Ban at Heide. Palagi rin silang magkasama na dalawa nitong nakaraan. Parang kagaya rin sila ng dalawa na una kung nabanggit. Parang aso't pusa rin minsan pero masaya rin sila kapag kasama ang isa't-isa.

Natutuwa akong makita silang masaya. Kahit papaano ay may sandalan sila sa impyernong lugar na ito. May nagbibigay saya sa kanila.

"Achoo!" Nabahing na naman ako. Mula pa kanina kumakati ang ilong ko. "Baka sipunin at ubuhin ako nito." Bulong ko at napabuntong-hininga na lamang.

Hindi ko alam kung anong oras na. Basta kanina ng bumaba ako para kumain ay alas sais pa lang. Matagal na akong nandito kaya marahil ay nasa alas otso o alas nuwebe na ngayon.

Ipinikit ko na ulit ang mga mata ko para sana matulog ulit pero bigla na lamang bumukas ang pinto at pumasok si Green na parang baliw na ngiting-ngiti.

"Para kang sira." Saad ko dahilan para mapunta sa akin ang paningin niya.

"Ikaw, para kang lantang gulay." Inirapan pa ako nito bago lumapit. "May sakit ka ba? Baka may lagnat ka." Kinapa nito kaagad ang leeg at noo ko.

"Wala akong lagnat. Nilalamig lang talaga ako." Kinuha ko ang kamay niya dahil sobrang lamig niyon.

"Bumaba ka kaya at uminom ng isang drum ng kape, Red. Feeling ko 'yon yung susi para hindi ka na masyadong lamigin." Suhestiyon nito.

"Nakainom na ako kaninang umaga pagkagising na pagkagising ko." Nakangiwing sabi ko at napabahing na naman. "Lintek."

"Uminom ka ulit! Tara na! Bababa rin ako. Sama ka na sa'kin." Aya nito at hinila pa ako.

Wala na akong nagawa kung hindi ang sumama. Baka nga kailangan ko lang ng kape. Inaantok din kasi ako ngayon kahit pa nagkape na ako kaninang umaga.

"Nasaan si CD?" Tanong ko sa kaniya.

"Aba, malay ko."

"Hindi kayo magkasama kanina?" Nagtatakang tanong ko. Palagi kasi silang magkasamang dalawa kaya nakakapagtaka lang na gano'n ang naging sagot ng isang 'to.

"Magkasama kami kaninang kumain pero hindi ko na siya nakita matapos n'on. Kung saan kasi nagsususuot, eh. Baka nilibot na naman ang buong building. May pagka-Dora pa naman 'yon minsan."

"Bakit Dora? Lalaki si CD, Green. Dapat sa lalaki mo rin siya ihambing." Natatawang sabi ko kaya mas lalong humaba ang nguso niya.

"Hindi ko alam ang pangalan ng lalaki do'n sa Dora, eh. Kaya kay Dora na lang tutal kamukha niya rin naman."

"Sasakalin ka talaga ni CD kapag narinig niya 'yang sinabi mo." Natatawang sabi ko pa.

"Sasakalin ko rin siya." Ayaw niya talagang magtalo.

Nailing na lang ako dahil hilig talaga nilang magsakalan na dalawa. Palagi ko silang nakikitang sakal-sakal ang isa't-isa kaya hindi na bago sa akin 'yon. 'Yon nga lang, yung kay CD ay maluwag lang pero kay Green ay sakal talaga.

THE UNKNOWN CITYWhere stories live. Discover now