CHAPTER THIRTY TWO

145 7 0
                                    

Heide's POV




Lumipas ang isang linggo na nasa labas kaming lahat. Naging maayos naman ang lahat at kompleto pa rin kami. Ang tanging problema lang ay hindi pa rin kami nakakahanap ng ligtas na lugar at hindi pa rin namin nahahanap ang labasan. Papaubos na rin ang pagkain namin na tatagal na lang siguro ng tatlong araw. At ang pinakamalaking problema ay ubos na ang mga gas namin.

Kailangan naming maglakad.

Hindi rin puwede na manatili na lamang kami sa truck kung saan kami nagtatago kapag gabi dati dahil wala na kaming ibang gagawin kung hindi ang magtago na lang at maghintay ng kamatayan namin.

Sa labas na rin kami natutulog.

Mas naging delikado na ang sitwasyon namin ngayon at mas mahirap. Kaniya-kaniya kaming dala ng bag para sa pagkain, tubig, iilang gamit at mga armas. Maliban sa mga iyon ay wala na kaming dala dahil masyado ng magiging mahirap para sa amin lalo na at mabigat din.

Kasalukuyan kami ngayong naghahanap ng ligtas na lugar at hinahanap ang labasan. Magkasama kaming lahat at binabantayan ang bawat gilid ng isa't-isa. Nasa gitna namin ang mga bata para masigurado na ligtas sila.

Mabuti ngayong araw dahil wala masyadong halimaw hindi kagaya ng mga nakaraan na kahit umaga ay maraming gumagalang halimaw sa bawat paligid.

"Tangina, bakit ang init-init naman ata ngayon." Rinig kung reklamo ni Green.

Napansin ko rin ang kakaibang temperatura rito sa lugar. Minsan ay sobrang lamig habang minsan naman ay sobrang init. Halos paminsan-
minsan lang umaayos ang temperatura.

Lahat kami ay pare-parehong tagaktak ang pawis kahit na alas nuwebe pa lang ng umaga. Gumagana pa rin ang relo ko kaya alam pa rin namin ang oras.

"Siguro kailangan nating tumigil kapag dumating ang tanghali. Baka maging sobrang init na para sa atin." Suhestiyon ni Black.

"Mabuti pa nga. Pero saan naman tayo titigil para magpalipas ng oras? Halos lahat ng gusali ay may mga halimaw talagang laman." Saad ko habang nasa daan lang ang paningin.

"Maghahanap tayo." Iyon lang ang isinagot niya.

Ramdam ko na patindi ng patindi ang init. Ramdam ko ang pangangalay ng mga paa ko. Siguro dahil na rin sa pagod at kulang sa tulog. Mula pa kami nang nakaraan naglalakad ng paulit-ulit para maglibot dito sa lugar. Kapag gabi ay gising naman ako para bantayan ang mga kasama ko lalo pa't sa labas kami natutulog. Kung saang gusali o sulok-sulok na medyo ligtas ay doon kami nananatili. Minsan ay may halimaw pa na umaatake sa amin kaya kailangan na may gising talaga para magbantay sa paligid.

"Pagod na po ako." Napalingon naman ako kay Klara nang magsalita ito. Habol-habol na ng bata ang hininga at namumutla na ang bibig.

Tumigil naman ako sa paglalakad at nilapitan ito. "Halika. Bubuhatin kita para makapagpahinga ang paa mo." Gawain ko na ito simula ng nakaraan. Kaming ngang matatanda ay nakakaramdam ng pagod sila pa kaya na mahina pa ang mga buto.

Si CD at Ban ay masyadong marami na ang dala kaya hindi na sila puwede pang magbuhat ng bata. Mayroon silang backpack sa likuran at luggage bag na dala-dala. Habang ako naman ay may isang backpack na dala. Ang  mga katana ko ay nasa gilid ng bewang ko at ang baril ay nasa kabilang gilid din. Ang iba ay may kaniya-kaniya rin na dala at may hawak rin na mga baril para protektahan iyong iba.

Ramdam mo ang pagod pero wala akong magagawa. Kailangan kung tiisin ang pagod dahil iyon din ang ginagawa ng iba kung kasama ngayon.

Alas sais pa lang kaninang umaga nang magsimula kaming maglakad. Tanging tig-isang pirasong biskwit lang ang kinain namin. Pero wala kaming magagawa dahil kapos na kapos na talaga kami sa pagkain. Kapag nagpakabusog kami ngayon ay kakalam naman ang tiyan namin bukas at susunod pang mga araw.

THE UNKNOWN CITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon