CHAPTER FIFTEEN

173 8 2
                                    

CD's POV


Kasalukuyan ko ngayong hinahanap si Heide dahil oras na para kumain ng umagahan. At ilang sandali pa ay nakita ko ito sa rooftop at tinuturuan si Jay na gumamit ng sniper.

Naalala ko pa kung paano ito umiyak noong matapos nitong sabihin Kay Aling Nenfa na patay na si Mang Edie. Siguro ay napalapit na ito sa kaniya kaya naging gano'n na lang ang emosiyon niya.

Madali pa naman siyang mapalapit sa iba...

Bumuntong-hininga na lang ako at tuluyan na silang nilapitan. "Kakain na." Saad ko dahilan para mapalingon naman silang dalawa sa akin.

"Anong sabi ni Black? May lakad ba ngayon?" Tanong ni Heide matapos na umayos ng tayo.

"Oo, kukuha ulit tayo ng pagkain since ilang araw na rin simula noong huling alis natin para kumuha. Kailangan na rin natin ng tubig." Dahil marami ang bilang namin ay marami rin ang nababawas sa imbak na pagkain. Kaya kailangan na mag-restock para hindi kami maubusan.

"Isama mo mamaya kahit saan ka pumunta si Jay, CD. Huwag mo siyang iiwan kahit anong mangyari. Hindi pa siya marunong ng kahit anong short-range na atake o depensa kaya siguradong mapapahamak siya kapag nagkataon na may umatake na lang bigla. Habang siya naman ang bahala na magbantay sa'yo--sa atin sa long range." Tumango naman ako at napatingin sa kasama nito.

Siguro ay ayaw niya itong mapahamak. Ayaw niyang may mapahamak pa sa amin.

"Tara na sa baba." Aya nito at nauna na sa paglalakad.

"Anong itinuro sa'yo ni Blue ngayon?" Tanong ko sa babaeng katabi dahil pareho kaming nakasunod kay Heide. Blue ang tawag sa kaniya ng iba kaya iyon na rin ang tawag ko. Nasanay na rin ako dahil iyon na ang palagi kung naririnig na itinatawag sa kaniya.

"Gano'n pa rin. Kung paanong umasinta ng maayos gamit 'tong sniper." Sagot nito saka bumuntong-hininga.

"Bakit hindi ka nagpapaturo sa kaniya kung paano gumamit ng patalim o hindi kaya ay handgun?"

"Sa susunod na mga araw ay tuturuan niya raw ako kapag natuto na ako kung paano gumamit nito." Napatango-tango naman ako saka ngumiti.

"Mabuti na rin 'yan. May taga-protekta kami mula sa malayo. Please take care of me later, okay?" Liningon ko naman ito at nakitang nakaharap na rin ito sa akin pero bigla na lang itong umiwas ng tingin kaya nagtaka naman ako.

"Huwag kang magtiwala sa akin masyado. Hindi pa ako gano'n kagaling kagaya ng iba." Saad nito.

"Pero kaya mo naman na maging magaling sa ibang paraan eh. Hindi mo naman kailangan na maging magaling na kagaya nila. Iba ka at iba sila." Palagi namang magaling si Heide eh. Walang bagay na hindi siya magaling.

"Tsaka mo na ako tawaging magaling kapag kaya na kitang iligtas, tangi." Matapos sabihin iyon ay basta na lang itong naunang naglakad at dumeritso na sa hapagkainan kung nasaan ang iba.

Sumunod na rin naman ako at naupo sa tabi ni Heide. Halata pang malungkot si Aling Nenfa dahil sa pagkawala ng asawa niya pero pinipilit nitong maging matatag para sa dalawang anak niya na umayos na ang pakiramdam pero medyo mahina pa rin.

Nagdasal pa muna kami bago nagsimulang kumain. Merong kanin, dalawang uri ng ulam at saka tubig na nasa hapag. Meron ding tinapay.

"Green paabot nga nung tuna." Pakiusap ko sa katabi na nasa kaliwa dahil siya ang malapit doon sa ulam.

"Say please muna." Natatawang saad nito kaya itinaas ang ulam.

"Ibigay mo na lang kasi." Angil ko pero umiling lang ito.

"Nope. Say please muna."

"Pakiabot naman ng tuna, pangit, please?" Piningkitan ko pa ito ng mata pero natatawa lang niyang ibinigay sa akin ang bowl ng tuna.

THE UNKNOWN CITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon