CHAPTER SIXTY-TWO

89 3 0
                                    

Ban's POV


"I'm handling the rest to you!"The girl that was kneeling on the floor shouted.

Hindi na kami nag-aksaya pa ng oras at agad ng umabante at nagsimula ng barilin ang mga natitirang halimaw. Sinigurado naming tatlo na nasa likuran namin si Heide. Mas mabuti kung nandoon siya para tiyak na walang makakapanakit sa kaniya.

Malaking bilang ng halimaw ang nabawas dahil kay Heide. Nakakatakot ang abilidad nito. Parang hindi siya isang normal na tao. How can a person obtain that kind of ability and skills. She's really dangerous. But I'm not afraid of her. I don't know why but I always feel safe when I'm with her.

"Don't let them get near us!" Sigaw ni Red. Lahat ng tutukan ng dulo ng baril niya ay basta na lamang natutumba at hindi na muling gumagalaw pa. "Abante!" Sigaw nitong muli.

Agad naman namin siyang sinunod ng walang pagtatanong o pag-aalinlangan. Patuloy lang kaming tatlo sa pagbaril ng mga kalaban at tumitigil lang kapag magpapalit ng magazine. Dahil sa solo na pakikipaglaban kanina ni Heide ay nakapagpahinga kami at nakapag-ipon ng lakas. Malaki ang epekto ng ginawa niya sa nalalapit naming tagumpay. Sa nakikita ko ngayon ay malaki ang tyansa na maubos namin ang natitirang halimaw gamit ang mga natitira naming bala.

Kaunting tiis na lang at matatapos na rin ito. All thanks to Heide. She's always saving us. She's always the one who always made a lot effort. She's sacrificed a lot of things for us. 

"Wala na akong bala!" Sigaw ni Gregory.

Narinig kung napamura si Red at natigil rin ito sa pagpapaputok. Marahil ay iilan na lang din ang bala ko. Kamalas-malasang may isang halimaw pa na natira. Naubos ang bala ko sa kaniya pero hindi ko man lang ito natamaan kahit sang beses. He's so good at dodging.

"Pahiram ako ng katana mo, Red." Itinapon ko ang baril at inilahad ang kamay.

"Alam mo ba kung paano gamitin 'to, Ban?" Tanong nito  pero ibinigay pa rin sa akin.

"Of course. My teacher taught me so damn well." Sagot ko at hinarap ang halimaw na tumatakbo na papunta sa gawi namin ngayon.  Sinabayan ko rin naman ito kaagad. Tumakbo rin ako pasugod sa kaniya. Hindi ko inalis sa kaniya paningin. Kailangan kung masigurado na ako ang aatakehin nito. I won't let him get near Heide. 

Nang nasa isang metro na lang ang layo namin sa isa't-isa ay agad nito akong inatake. Mukhang nasa plano nito na ako ang gawing panlamang tiyan ngayong araw. Pero wala iyon sa plano ko. I stepped back at the side while gripping hard the handle of my katana. "You need to die. Wala sa plano ko ang mag-aksaya ng oras sa isang katulad mo." Hinawakan ko gamit ang dalawang kamay ang sandata at gamit ang buong lakas ay pinutol ko ang ulo nito. Nalaglag sa sahig ang magkahiwalay na parte ng katawan niya pero hindi ko na iyon pinagtuunan ng pansin.

Finally... It totally ended.

"Ban! Si Heide!"

Agad akong napalingon kay Red dahil sa sigaw nito. Nasa gilid na siya ngayon ni Heide at umiiyak.

"Hindi na gumagalaw si Heide, Ban. Anong nangyayari?" Hindi na natigil ang mg luha niya.

Tumakbo ako kaagad papunta sa kanila at niyugyog si Heide pero kagaya ng sinabi ni Red ay hindi na ito gumagalaw. Nakaluhod lang ito at laglag na ang ulo. "Heide? Heide? Wake up, Heide. Tapos na ang laban. All of the zombies are dead now. Makakalabas na tayo." Patuloy ako sa pagyugyog sa kaniya pero nang hindi makatanggap ng sagot ay agad ko ng itinaas ang ulo nito at doon nakita na nakapikit na ang mga mata niya. She's... really not moving anymore. "H-Heide don't joke around. Pagod na kami, oh." Pinigilan ko ang sarili na mag-isip ng kung ano-ano. "Iiwan talaga kita rito kapag nainis ako." Pananakot ko pa sa kaniya at hinawakan ang braso nito pero unti-unting nabuhay ang takot sa puso ko nang wala akong maramdaman.

THE UNKNOWN CITYWhere stories live. Discover now