CHAPTER SIXTY-FOUR

114 6 3
                                    

Red's POV


"Kailangan nating balikan si Ban." Nilingon ko pa ang loob ng store at umaasa na susunod si Ban sa amin.

Alam kung sobrang nasaktan ito sa pagkawa ni Heide. Maski ko man ay parang ayaw siyang iwan ro'n. Pero parang binabalewala rin namin ang efforts niya kung hindi kami aalis ro'n. Kahit manatili pa kami sa loob ay hindi na siya magigising pa. Sobrang sakit na katotohanan na hindi ko matanggap.

"Ang sabi niya ay susunod siya Red. Pagkatiwalaan na lang natin siya." Pagpapaintindi ni Gregory.

"Wala sa tamang katinuan si Ban, Gregory. Alam kung hihintayin niya si Heide. Magkamatayan man." Umiiyak na sabi ko habang umiiling.

"Ipagdasal mo na lang na magbago pa ang isip niya. Halika ka na. Wala ng tao sa ilalim. Lumabas na tayo habang wala pang halimaw." Aya nito sa akin at pinauna akong dumapa. "Sige na."

Nakagat ko na lang ang labi ko at nagsimulang gumapang. Sobrang sakit ng puso ko. Parang pinipiga. Sa kaunting panahon ay naging importante si Heide sa akin. Parang pamilya na ng turing ko sa kaniya.

Heide... Why did you sacrificed yourself for us? Puwede naman tayong lumaban ng magkasama, ah?

Nang makalabas ay hinintay ko pa muna si Gregory. Tinulungan ko muna ito na makalabas bago tumayo at inayos ang sarili. "Nasaan na sila Green—" Parang tumigil ang mundo ko nang dumapo ang tingin ko sa gawi ng mga kaibigan ko. Green is on CD's lap and she is bleeding. While CD... he was stabbed but he's gripping the very katana that stabbed him so that it will not pierce Green. And the woman standing behind him is the culprit.

Kusa na lamang gumalaw ang katawan ko. Tumulo na naman ulit ang mga luha ko. Bago ko pa namalayan ay pinaulanan ko na ng bala si Black habang umaabante papunta sa kaniya. "Ahhhhhh!" Puno ng sakit at galit ang sigaw ko habang patuloy  na umaabanti at pinapaulanan ng bala ang katawan ng taong tinuring kung kapatid. Ang mga mata ko ay hindi na natigil sa pag-iyak.  Hindi ako tumigil hangga't hindi nauubos ang bala ko. Parang mga luha ko na pumapatak  ang mga bala na wala ng laman na nahuhulog sa lupa. Pero ang pinagkaiba lang ay kahit na naubos na ang bala ko ay patuloy  pa rin ang luha ko sa pagpatak.

Basta na lamang nalaglag ang katawan ni Black na wala ng buhay sa lupa. Habang ako naman ay basta na lamang napaluhod sa harapan niya at nabitawan ang hawak na baril. "Ahhhh!" Isang malakas na sigaw ulit ang pinakawalan ko. Nagbabakasakali na baka mabawasan ang sakit na nararamdaman  ko ngayon kung gagawin ko iyon. Pero hindi nangyari iyon.

"Hindi ko inaakala na aabot ang lahat sa ganito. Hindi ko naisip na kaya mong gawin ang bagay na 'to. Bakit mo nagawa to, Black?" Tanong ko rito na ngayon ay deritsong  nakatingin  sa akin. She's not moving anymore. She's  dead. But her eyes keeps on releasing  this clear liquid. "Why are you crying? I thought you're the villain here?" Mahina kung sinuntok ang dibdib nito at napayuko.

Why she's crying  now? So that I will pity her? What for? She's already  dead. So why she have tears on her eyes before she die? Why...

"Just fucking why..." Mahinang asik ko habang nakatingin  sa mukha ni Black. "If you really meant to kill us you can do it sooner. So why are you hesitating?" Ang dami kung tanong na gusto kung itanong sa kaniya mula pa noon pero ngayon ko lang tuluyang naisantinig. Ngayong hindi niya na maririnig.

"Red."

Dahan-dahan kung nilingon ang tumawag sa akin. It's Dale. Suffering  to stay alive.

Tumayo ako at pumunta  sa gawi niya. Tinulungan ko ito para hindi matumba. "Kaya mo 'yan, CD. Malakas ka, diba?" Hindi ko na nagawang punasan pa ang luha ko dahil hawak-hawak ko ito. Umuubo na ito ngayon ng dugo at halatang hindi na magtatagal.

THE UNKNOWN CITYWhere stories live. Discover now