CHAPTER THIRTY SIX

136 5 0
                                    

Heide's POV




Nagamot at nakakain na si Green at kasalukuyan nagpapahinga. Andito kami ngayon sa tinutuluyan ng grupo nila Gashtel. Pumayag ako sa kasunduan na sinabi niya kahit na hindi ko pa masyadong mapaniwalaan ang mga sinabi niya.

Ako yung susi para makalabas sa lugar na 'to? Eh, bakit andito pa rin kami ngayon hanggang ngayon at nagdudusa?

Pero kung totoo nga ang sinabi niya ay mas mabuti na rin iyon dahil may pag-asa pa na makalabas kami rito.

"Ito. Kumain ka. Magpakabusog ka." Bigay ni Gashtel sa akin ng isang bowl ng kanin at may kasama na rin iyong ulam.

"S-Salamat." Tinanggap ko iyon pero hindi rin maiwasan na makaramdam ng awkwardness.

Trinatrato nila kasi akong parang panginoon nila...

"Ang sabi nila ay mga pinili raw ang mga kulay abo. Sa isang libong tao ay mayroon lamang nag-iisa na may hikaw na kagaya ng sa iyo. Ang mga abo iyong mga taong may nakakabilib na kakayahan at naiiba kesa sa lahat. Sila lamang ang puwedeng makapagbukas ng labasan ng lugar na ito. Sila lamang ay may kakayahan. Sa totoo, sila lang ang puwedeng lumabas sa lugar na ito. Pero kung kasama mo ang abo na iyon ay may pag-asa ka rin na makalabas." Pagkukuwento pa nito habang nananatiling nasa akin ang paningin.

"Saan niyo nalaman ang mga bagay na 'yan? At sinong sila ang tinutukoy mo?" Tanong sa kaniya ni Red.

"Dahil minsan na rin kaming may nakasama na isang kulay abo." Saad nito dahilan para matigilan naman ako.

"Paano kami nakakasigurado na totoo ang lahat ng sinasabi mo?" Seryusong tanong ko rito.

"Hangga't puwede ay gusto ko na pagkatiwalaan mo kami. Iyon lamang ang paraan para isama mo kami nang walang pag-aalinlangan." Sagot nito at nginitian ako.

Kahina-hinala ang taong 'to pero sinasabi ng isang bahagi ng pagkatao ko na totoo ang mga sinasabi niya.

"Anong nangyari sa kaniya?" Tanong ko pa ulit dito.

"Nakalabas siya mula sa lugar na ito."

Natigil ulit ako sa balak na pagsubo dahil sa sinabi niya. May nakalabas nga sa lugar na 'to... "Kung nakalabas siya ay bakit pa rin kayo nandito kung gano'n? Sinabi mo na kasamahan niya kayo, hindi ba?" Pagtatanong ko pa ulit.

"Iniwan niya kami."

"I-Iniwan?" Nagugulat na tanong ko.

"May hininging kasunduan ang mga nasa taas. Hahayaan siyang makalabas sa lugar na ito kung iiwan niya kami. At mas pinili niya na iwanan kami at lumabas ng mag-isa sa lugar na ito." Naging malungkot ang boses nito at maski ang mga ekspresiyon nila ay naging malungkot din. "Kaya gagawin namin ang lahat basta isama mo lang kami sa iyo. Tutulungan namin kayo basta isama mo lang kami sa paglabas mo sa lugar na 'to." Pagmamakaawa nito at hinawakan pa ang kamay ko.

"P-Pero hindi pa tayo sigurado kung makakalabas nga tayo sa lugar na 'to." Nasabi ko pero umiling lang ito.

"Hangga't buhay ka ay may pag-asa tayo na makalabas sa lugar na 'to." Sagot nito na tila ba siguradong-sigurado.

"P-Paano kapag namatay ako?" Tanong ko pa ulit. Natigilan naman ito at napatingin sa isang direksiyon sandali bago ibinalik sa akin ang paningin at ngumiti.

"Hindi mangyayari iyon. Hinding-hindi." Kagaya nang nakaraang sagot nito ay parang siguradong-sigurado talaga ito.

Anong ibigsabihin ng taong 'to?

"Kumain na kayo. Mukhang gutom na gutom na kayo kaya kailangan niyong kumain. Pagkatapos ay puwede na kayong maligo at magbihis doon sa taas. Kompleto ang gamit doon." Saad pa nito at nilagyan pa ng tubig ang baso ko.

THE UNKNOWN CITYWhere stories live. Discover now