CHAPTER TWENTY TWO

153 7 5
                                    

Heide's POV


Napatitig naman ako sa hikaw na nasa tenga ko. Nag-iba na ang kulay nito. Sobrang iba na wala ito sa limang kulay na sinabi nila Red.

"Bakit ganito?" Pabulong na tanong ko habang nanatiling nakatingin sa kulay ng hikaw ko.

Siguro ay may ganito naman, diba?

Siguro ay may ganito naman. Tatanungin ko na lang sina Red mamaya.

Tinapos ko na ang pagbibihis at lumabas na sa banyo. Dumeritso ako sa hapagkainan dahil oras na para sa umagahan.

"Nasaan si Ban?" Tanong ko nang hindi makita ang lalaki.

"Tinuturuan ni Green sa rooftop." Sagot ni Red kaya napangiwi na lang ako.

"Baka baldado na ang lalaking 'yon mamaya." Saad ko at nagtimpla ng kape.

Binigyan ko naman ng tinapay si Klara at Ion. Si Klara ang batang iniligtas ko sa kuta nila Ban.

"Hayaan mo na lang. Si Green naman ang nagsabi na siya ang magtuturo sa lalaking 'yon."

"Sabagay. Pero bakit kaya galit na galit si Green sa kaniya, no?"

"Kaibigan ni Green ang kapatid ni Ban. Pero iniwan siya nito kaya muntek ng mamatay si Green kung hindi dumating si Black para iligtas siya ng mga oras na iyon. Hindi matanggap ni Green na ang kaibigan niya ay nakaya siyang iwan kaya ayon at maski kay Ban ay naiinis siya. Pero hayaan mo na. Tiyak na magkakasundo rin ang dalawang 'yon. Sila nga ni CD eh magkasundo eh."

"Oo nga naman. Hindi niya rin naman tuturuan si Ban kung galit siya rito..."

Natigil naman ako sa pagsasalita nang masulyapan si Green na bumaba.

"Tulungan mo si Aling Nenfa ro'n." Utos nito sa lalaking nakasunod sa kaniya.

"Mas matanda ako sa'yo---"

"Wala akong pakialam kung matanda ka o hindi. Andito ka sa teritoryo namin kaya sundin mo ang utos ko. Ngayon, bilisan mo na at tulungan mo na si Aling Nenfa." Utos nito sa lalaki kaya wala na itong nagawa pa kung hindi ang sumunod.

"Relax ka lang Green. Ito at uminom ka muna ng kape." Bigay ko sa kape nang makaupo ito.

"Inuubos ng lalaking 'yon ang pasensiya ko eh. Ang hirap-hirap turuan. Paano niya maipagtatanggol ang sarili kung hindi man lang siya marunong makipaglaban."

Nagkatinginan na lang kami ni Red at parehong napangiti na lang.

"Matututo rin siya kagaya nila Jay at CD. Huwag ka ng masyadong mag-alala." Saad ko at mahinang tinapik ang likod niya.

"Sinong nag-aalala? Ako? Mag-aalala sa isang katulad niya? No way!" Depensa nito habang umiiling-iling pa.

Natawa na lang kami ni Red sa kaniya dahil masyadong halata na nag-aalala talaga ito para kay Ban.

"Teka..."

Pigil nito habang nakatitig sa akin. Natigil naman ako sa pagtawa at nagtaka pero agad din na na-realize kung ano ang tinititigan nito.

"Bakit ganiyan ang kulay ng hikaw mo?" Tanong nito sa akin.

"Ito nga rin ang gusto kung itanong sa inyo eh." Nakangiwing saad ko saka bumuntong-hininga. "Kanina habang nagbibihis ako ay napansin ko rin ito at nagtaka rin ako bakit ganito ang kulay ng hikaw ko. Mabuti at napansin mo. Muntek ko pang malimotan na itanong kung hindi mo pa napansin."

"Ngayon pa lang ako nakakita ng ganiyang hikaw simula ng mapunta ako rito." Saad ni Green at lumapit pa ng husto sa akin at tinitigang maigi ang hikaw ko.

THE UNKNOWN CITYWhere stories live. Discover now